20

78 8 10
                                    

Jisoo x V - Recorded

Jisoo's POV

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang biglang tumawag si Jennie. Ano namang kailangan ng babaitang 'to? Gabing-gabi na kaya.

["Sis, can I ask you a favor?"] problemadong tanong niya.

"Ano 'yun?" tanong ko.

["Si Kuya Taehyung kasi, naglalasing,"] sagot niya. ["Eh, hindi ko alam kung sinong pwedeng sumundo. Alam mo naman, nasa Bora kami nila Mom."]

Halos mabulunan ako sa narinig. Ano naman kayang pumasok sa maliit na utak ng kulugong 'yun at mag-iinom siya?

["Si Kuya Jinhwan naman, ayaw sagutin 'yung phone niya,"] dagdag niya. ["Kanina pa ako tinatawagan ng Hestia's. Nakatulog na daw du'n."]

'Di ko mapigilang mapamura. "Alam mo, bwisit talaga 'yang kapatid mo, 'noh? Alam niya talaga kung pa'no guluhin ang peaceful kong weekend. Tsk."

["Sorry na, sis. Babawi ako sa'yo sa susunod, promise,"] sabi pa niya.

"Okay na. Pupuntahan ko na lang siya du'n. Magbibihis lang ako saglit."

["Salamat, sis. I love you na talaga. Bye, enjoy!"] sabi niya tsaka ako pinatayan ng tawag.

Enjoy? Tsk. Oo, mag-e-enjoy talaga akong kaltukan 'yung lalaking 'yun. Grr. Nakakagigil.

Matapos magbihis, napaalam ako kay Mama na lalabas muna ako saglit. Pumara ako ng taxi at pumunta sa Hestia's Bar.

Naabutan ko ang kulugo, peaceful na natutulog sa bar counter kahit sobrang lakas ng tugtog ng speaker dito. "Kuya, nabayaran niya na po ba 'yung drinks niya?" tanong ko.

Alanganin namang tumango 'yung bartender tsaka napakamot ng ulo.

"Sige po, i-u-uwi ko na po siya." Tinulungan ako ng bouncer ng bar na buhatin si Taehyung hanggang sa makalabas kami sa lugar na 'yun.

"Taxi!" tawag ko sa taxi na paparating.

Pahirapan pa kami ni Manong driver sa pagpasok ng lalaking 'to sa loob. Palagi na nga siyang nauuntog, pero wala akong pake. Kasalanan niya kasi naglasing siya.

Nang makarating kami sa bahay nila Jennie, tinulungan ulit ako ni Manong driver para ilabas si Taehyung. "Salamat po, Manong!" Binigyan ko rin siya ng tip bilang pasasalamat.

Inupo ko muna siya sa sahig. Ilang seconds lang, balak na nitong humiga sa sahig. "Hoy! Kulugo talaga 'to, 'wag ka nga'ng humiga d'yan!"

Pinindot ko ang door bell at naghintay na pagbuksan kami ng mga katulong nila, pero ni anino walang lumabas.

Sinubukan kong tawagan si Jennie pero out-of-coverage na. Bwisit naman. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Hay.

Nilapitan ko si Taehyung. Niyugyog ko siya sa balikat. "Hoy, kulugo! Alam mo ba 'yung passcode ng bahay n'yo?" tanong ko.

Minulat niya ang mga mata niya at nginisihan lang ako.

"'Wag mo akong ngisihan d'yan," inis na sambit ko. "Passcode 'yung kailangan ko, hindi 'yang ngiti mo. Tsk."

Pinikit niya lang ang mga mata niya at natulog na nga sa sahig.

"Wala talagang tulong 'to kahit kelan. Tsk," bulong ko.

In-upo ko siya ulit tsaka nilapitan 'yung gate nila. Sinubukan ko halos lahat ng possible na maging passcode ng bahay nila, pero ayaw talaga bumukas.

Tsk. No choice. Sa bahay na lang namin 'to. Ayoko namang magpalipas ng gabi dito sa harapan ng bahay nila, 'noh?!

Nang makarating kami sa bahay namin, nanlaki ang mga mata ni Mama. "Ano'ng nangyari sa batang 'to?" tanong niya.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon