16

129 12 5
                                    

Jisoo x V - Test Paper

Jisoo's POV

Unang araw ngayon ng hell week dito sa University namin. May nag-aaral ng mabuti, may nag-ce-cellphone, may nakikipag-chikahan, at may halos kainin na ang libro, tulad ko. I badly need to be the Valedictorian of this batch kaya hindi na ako nag-a-almusal. Diretso na ako sa school at itong mga books na lang ang nagiging breakfast ko. Wish ko lang hindi ako maging baliw nito pagkatapos.

Unlike last year na pa-easy-easy lang ako tuwing hell week, hindi na ngayon dahil d'yan sa isang transferee na bigla na lang sumulpot na parang kabute at parang china-challenge pa ako ng kumag.

He's really handsome, smart, and gentleman at crush na crush siya ng mga kababaihan dito, including me. Sino ba namang hindi, 'di ba? Rare lang 'yung mga lalaking hindi lang puro pa-gwapo ang alam. Pero, nabawasan 'yun nang ma-realize kong siya ang magiging karibal ko sa place ng Valedictorian. He's a good friend of mine pero nagbago 'yun.

Iniilagan ko na siya, habang siya naman nagiging mayabang na sa paningin ko.

Palagi na lang akong napapahiya sa harap niya. Kung hindi one ang mistake ko sa mga test, dalawa naman, samantalang siya perfect na perfect ta's ngingisi siya sa'kin ng nakakaasar. Gusto kong itaob ang lalaking 'yun ngayon, kaya bahala nang walang breakfast basta mapahiya ko ang lalaking 'yun kahit isang beses.

"How about burger?"

Nag-angat ako ng tingin nang biglang may magsalita sa harapan ko. Sumimangot ako nang makilala ko kung sino 'yun. Si Taehyung. At nand'yan na naman 'yung ngisi niyang nakakaasar.

"You know, nakakatamad mag-aral kapag hindi kumakain," dagdag pa niya at nilapit sa'kin 'yung dala niyang plastic.

"How can you say so? Eh, si Sherlock Holmes na nagsabi na mas gumagana ang utak na'tin kapag walang laman ang t'yan." I smirked nang makita kong napahiya siya ng konti.

"Sherlock is a fictional," sabi niya.

"Pero hindi 'yung mga methods na ginagamit niya," sagot ko. "Nag-aaral ako dito at ayoko ng storbo. Kaya, kung pwede lang..."

"Okay. I understand. Mahirap nga naman akong talunin." Siya naman ngayon ang napangisi. "Study well and try to beat me this time." He patted my head before heading out in this library. Naiwan pa nga niya ang dala niyang plastic na may lamang mga burgers. Shet. Ano bang tingin niya sa'kin? Matakaw? Bakit lima 'yung binili niya?

Siniguro kong wala na siya bago ako kumuha ng isa. Truth to be told, gutom na gutom na nga ako at halos mag-away na ang mga intestines ko, pero pinigilan ko lang kanina. Kung tinanggap ko 'yung alok niyang burger kanina, he might think na sumusuko na ako sa pagiging Valedictorian at panalo na siya. 'Di ba walang connect? Kunwari, meron.

"Uy, burgeeers!" malakas na sigaw ni Lisa bago hinablot ng plastic na hawak ko at kumuha ng dalawa. Muntik na tuloy siyang mapalayas dito sa library. Ang laki-laki kasi ng bunganga, kitang bawal mag-ingay dito.

"Sino nagbigay sa'yo nito?" tanong niya sa'kin.

"Ano'ng binigay? Ako kaya bumili niyan!" Hinablot ko ulit ang plastic at nilagay sa tabi ko.

Inirapan niya ako. "Neknek mo, Kim Jisoo. Kilalang-kilala ko ang bituka at kaluluwa mo, napakalaking kuripot mo kaya. Ni hindi ka nga makabili ng sarili mong ballpen, burger pa kaya."

"Edi wow."

"So, sino nga?" excited na tanong niya. "Dali na, nang makilatis ko."

"'Yung karibal ko," simpleng sagot ko.

"Karibal mo?" ulit na tanong niya.

Inirapan ko siya. "Kasasabi ko lang, 'di ba? Bingi lang?"

Hindi niya ako pinansin. "Oooh, I smell something fishy." Humagikhik pa siya ng mahina.

"Tangeks. Bibig mo lang 'yun, Lalisa Manoban. Mag-aral ka nga muna d'yan," pambabara ko.

Nagsimula na nga ang test namin. Tagaktak ang pawis ko habang sinasagutan lahat ng ng test papers. Ako nga ang pinakahuling natapos kasi sinisiguro ko pang walang mali sa mga sagot ko. While 'yung Taehyung na 'yun naman, palaging nauunang magpass ng test papers niya. Nag-i-smirk pa sa'kin tuwing dadaan siya sa gilid ko. Ang sarap niya lang patirin. Nakakaasar.

Kinakabahan ako.

Tapos na ang hell week at ngayon na ang labas ng resulta ng nangyaring examination. 93 ang pinaka-highest score at sa'kin nanggaling 'yun. Puno ng what-ifs ang utak ko.

What if na-ungusan na naman ako ng kumag na 'yun?

What if...?

Pero laking gulat ko nang malaman ko ang score niya.

5 out of 100. Lasing ba si Ma'am? Pa'nong gano'n 'yung score niya? Baka namali lang si Ma'am ng basa. Hindi pwede 'yun kasi ano... ano... Bakit nga ba hindi pwede?

Nilingon ko si Taehyung at nakita kong nakangisi lang siya habang nakatingin sa harapan.

What the...

Hindi man lang siya magko-complain?

Napatingin siya sa gawi ko at bigla siyang nagsmile. 'Yung hindi mapang-asar. Basta. Ang sincere lang ng smile niya.

"Mr. Kim, would you mind telling us what happened to your score?" tanong ni Ma'am na halatang naguguluhan din sa score niya.

"I think this is the right time," sabi niya.

Tumaas ang kilay ni Ma'am, pati na rin ako. Ano'ng right time ang pinagsasabi niya?

Hindi ko pa rin matanggap ang score niya. Kaya siguro siya nagpabaya sa score niya kasi gusto niyang ako 'yung maging Valedictorian gaya ng gusto ko? Pero, hindi, eh. Hindi fair-play 'to. Para akong nag-cheat kahit hindi naman dahil dito.

"Ma'am, could you give me the spotlight?" tanong niya kay Ma'am.

Tumabi si Ma'am at si Taehyung naman ang tumayo sa gitna. "Honestly, I'm not shocked. I already expected this score," he smiled. "Before this examination started, I didn't studied. My mom thought of sending me to America if I'll pass this test as usual. That's why I didn't tried hard to study unlike others." Bigla niya akong sinulyapan. "Well, that's one of the reasons. My main reason is, I want to make my girl happy."

"Your girl? May girlfriend ka na?" pakikisali ni Lisa.

Parang nalunod 'yung heart ko matapos kong marinig 'yun. May girlfriend na nga kaya siya? Pero, teka nga. Ano naman sa'yo, Kim Jisoo, kung meron nga? Wala ka namang gusto d'yan sa lalaking 'yan. Tsk.

Taehyung smiled. "Soon-to-be."

Biglang naghiyawan 'yung mga kaklase ko. Si Taehyung naman, kumuha ng chalk at may sinulat sa blackboard. Isang malaking "I like you. Will you be my girlfriend, Kim Jisoo?"

Teka. Kim Jisoo?

May iba pa bang Jisoo dito sa classroom or ako lang?

Naglakad si Taehyung palapit sa'kin kaya mas lalong lumakas 'yung hiyawan. "What do you think? Burger or me?" nakangising tanong niya.

"I-ikaw," nahihiyang sagot ko.

Shet naman. Bakit kasi may paganito pa?

He chuckled softly while hugging me. "I'm lucky right. It's like hitting two birds with one stone. Hindi na nga ako pupunta sa America, may girlfriend pa akong nakuha."

Binatukan ko lang siya. "Para 'yan sa pagiging karibal ko sa Valedictorian."

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon