3

192 10 0
                                    

Jisoo x V - Clashmate

Jisoo's POV

Nakakainis talaga 'yung lalaking 'yun! Hindi ko naman ina-ano! Napatingin na lang ako sa pancake ko na nasa sahig na ngayon. Hinampas kasi ng walanghiyang Taehyung na 'yun ang kamay ko kaya nahulog ang pancake.
Argh! Gutom na ako.

"Oh? Ano'ng nangyari d'yan? 'Wag mo sabihing naaawa ka sa lupa kaya binigay mo na lang?" tanong ni Rosé na nakatingin lang din ngayon sa pancake. "Naku, Jisoo, ha? Sawang-sawa na ako sa ka-alien-an mo."

"Hoy, hindi, ah! Gutom na gutom na nga ako! Ba't ko naman ibibigay sa lupa? Bumili siya ng sa kanya kung gusto niya, 'noh!" Nagpapadyak na ako sa inis. Argh!

Napailing na lang si Rosé sa sinabi ko. "Eh, ano palang nangyari d'yan?" tanong niya sabay kagat sa burger niya. Napalunok tuloy ako. Gutom na gutom na ako. Nakalimutan ko pang mag-agahan kaya nag-a-alburuto na talaga ang tiyan ko.

"Si Taehyung kasi!"

"May bago ka na namang kaaway? Kahapon, si Jinyoung 'yung kasuntukan mo," naiiling na sabi niya.

"Ewan. Hindi ko naman ina-ano. Huhuhu. Wala pa naman akong dalang extrang pera," sabi ko. Nagpout ako sa harap ni Rosé pero inilingan lang niya ako.

"Naku, 'wag ako, Jisoo. Wala rin akong extra money."

Bigo akong bumalik sa classroom namin. Sinamaan ko ng tingin si Taehyung na kumakain. Sarap na sarap pa siya habang panay ang tingin sa'kin. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Maglalaway lang ako. Huhuhu. No choice. Kelangan kong maghintay ng tanghalian para makakain ng matiwasay.

Pumasok ang teacher namin at nagdiscuss ng kung-ano-ano pero lutang ang isip ko. Buti na lang, marunong akong um-acting na parang concentrate sa binabasang libro kaya hindi ako nahuli.

"Hoy, okay ka lang ba? Ang tamlay mo, ah?" puna ni Rosé sa'kin habang kumukopya ng notes. Mamaya na ako, ko-kopya. Wala naman si Sir, eh.

"Gutom kasi ako."

"Omg! Ang tamlay mo kapag hindi nakakain, ha?" nag-aalalang tanong niya. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Sir. Pinagalitan kami at pinarusahan. Tutulong daw kami sa Tuesday sweepers ngayon. Dobleng malas. Parang ayaw akong pakainin ni Universe, ah?

'Tong si Rosé naman kasi! Pahalata masyado kapag nakikipagchika. Napatingin ako sa tiyan ko, naaawa na ako sa bituka ko. Baka sa sobrang gutom niya ay ang puso ko na lang ang napadesisyonan niyang kainin! Napasinghap ako ng mahina. No way! Baka mamatay ako kapag kakainin ng bituka ko ang heart ko!

Nang magbell na ay nilapitan pa ako ng Taehyung na 'yun para asarin. Napaka niya talaga! Baka gusto niya ring matulad kay Jinyoung na nasipa ko 'yung bestfriend nito?

"Sige na, Jisoo. Mauna ka na. Mukhang matutumba ka na d'yan, eh. Ako na lang ang tutulong sa kanila," sabi ni Rosé na tinulak-tulak pa ako palabas ng room. Aangal na sana ako at papasok ulit sa room nang pagsarhan niya ako ng pinto ng padabog.

Wala na akong nagawa kundi pumunta na lang sa canteen. Napangiti ako nang maamoy ko ang mabangong ulam na tinitinda nila. Dinukot ko ang wallet ko. Uy, sakto lang 'to para sa pananghalian ko, ha?

Pumila na ako at naghanap ng pwesto. Pumunta ako sa dulo kung saan wala masyadong tao. Nagsimula na akong kumain ng tahimik at nagulat na lang ako nang biglang may humawi sa kanin at ulam ko. Napatayo ako agad. Parang gusto kong maiyak habang tinitingnan ang natapon kong pagkain.

"Pwesto namin 'to," sabi ng isang boses. Pagtingin ko, si Taehyung at 'yung tatlong monggoloids namely: Jungkook, Jimin, at Yoongi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Halos matahimik lahat ng tao dito sa canteen nang gawin ko 'yun. Tumabingi ang ulo niya sa lakas ng pagkakasampal ko.

Napahagulhol na lang ako.

"Alam mo, kanina ka pa, eh! Nilaglag mo 'yung pancake ko pero pinalagpas ko lang 'yun kahit gutom na gutom na ako."

Napayuko na lang ako at sinubukang hinaan ang boses ko. Pero hindi ko na ma-kontrol, nanginginig na sa galit ang boses ko. Pati ang kamao ko, gusto nang manuntok.

"Hindi naman ako katulad niyo na mayaman at nagsasayang lang ng pera," inis na sabi ko.

"Ang pangkain kong 'yun ay galing sa pinaghirapang pera nina Mama't Papa tapos itatapon mo ng ganu'n-ganu'n lang?" Sarkastiko akong napatawa. "Sabagay, hindi naman kayo relate. Mayaman kayo, eh. At ngayon, pa'no ako kakain niyan wala na akong-?"

Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang hinablot ang braso ko at hinila palapit sa kanya.

"Edi, susubuan na lang kita." Ngumisi siya at kumindat.

"Nagkukulitan pa kayo ng tanginang Jinyoung na 'yun kahapon, ha? I'm just jealous, baby, kaya ko nagawa 'to."

H-huh?

@waves🌊

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon