4

160 5 0
                                    

Rosé x Jimin - Couple Shirt

Rosé's POV

"Hoy, anuna? Wala ka pa ring napipili? Napaka-choosy mo naman!" angal ni Lisa. Andito kami sa mall. Kelangan ko kasing bumili ng damit para sa outing namin bukas. Actually, hindi naman talaga kailangan 'to, eh. Sadyang maarte lang talaga si Mama.

"Hoy ka rin! Hindi ako choosy, ha?!" Mahina kong tinapik ang kamay ko sa bibig niya. Kanina pa 'to angal ng angal. Nagsasawa na ako sa boses niya, kanina pa.

"Dalawang oras na tayo dito at wala ka paring napipili. 'Yan ba 'yung hindi choosy, ha?" tanong niya habang umiiling.

Hindi ko na lang pinansin at inilibot ang tingin sa paligid. May umagaw sa atensyon ko. Hindi damit, kundi tao. Omg. Ang hot ni crush!

"Sissy, tumutulo na 'yung laway mo. Ano bang tinitingnan mo-Holy shit!" Napatakip siya sa bibig niya nang makita na niya ang kanina ko pa tinititigan.

"Sissy, hoy!" Niyugyog niya ako at napatingin ako sa kanya. Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Shet. May laway nga. Nakakahiya! Pero, omg. Ang gwapo niya. Para siyang greek god na bumaba sa Olympus para lang bumili dito. Akin ka na lang, crush! Hihihi.

"Sissy, baka matunaw 'yan. Tara na nga! Baka magkasala ka kapag hindi pa tayo nakaalis dito." Hinila ako ni Lisa palayo at nagpatianod lang din ako.

"Dali na kasi. Magde-date pa kami ni Jungkook mamaya. Hindi pa ako nakakapag-ayos, oh!" sabi pa niya habang nagpi-pindot sa cellphone.

Napairap na lang ako. "Oo na, oo na. Sanaol may jowa."

Inilibot ko ulit ang paningin ko at may nakita akong isang cute na t-shirt. Nilapitan ko 'yun at ch-in-eck ang price tag. Hmm, hindi naman siya mahal. Ito na lang. Tutal, nagmamadali 'yung may jowa d'yan.

Nilapitan ako ng isang saleslady. Ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko na rin. "Uhm, kukunin ko po 'to," sabi ko.

Tumango lang siya. "This is a couple shirt, miss. And you can't buy this if hindi kayong dalawa ng boyfriend mo ang magkasama."

Napalingon ako kay Lisa na nakatingin din sa'kin. Shet. Ang pabibo naman nila.

"Miss, hindi ba pwedeng 'yung isa lang 'yung bilhin ko?" tanong ko.

Umiling ang saleslady sa'kin habang awkward na ngumiti. "Hindi talaga, miss, eh. Sorry po."

"Rosé, maghanap ka na lang ng iba d'yan. Wala kang jowa, remember?" sabi pa ni Lisa.

Inirapan ko na lang. Edi, sanaol may jowa.

"Sige, miss. 'Yung iba na la-"

"We'll take that."

Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Napalingon ako at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ito. Omg. Si crush!

"Girlfriend mo po siya, Sir?" tanong ng saleslady kay Jimin-mylabs na halatang naguguluhan. Naku, I feel you, girl. Pati rin ako naguguluhan.

"Yes. So, can we buy that now?" tanong niya sabay turo sa couple t-shirt.

Napatingin ako kay Lisa nang marinig ko ang sagot niya. Omg. May boyfriend pala ako? Ba't ngayon ko lang nalaman? Shet.

"Kiss muna kayo, Sir," sabi naman ng saleslady. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Napatingin sa'kin si Jimin at parang nag-aalangan siya. Well, duhhh. Sino naman ang hindi mag-aalangan, 'noh? I-ki-kiss mo ang taong hindi mo naman mahal? Hilarious.

"Is that really necessary?" tanong niya.

Tumango ang saleslady. "Opo. Para po malaman ko kung totoo ang sinasabi niyo."

"Can I kiss her in the forehead instead? I respect her that much and I want to kiss her in the lips kapag nasa harap ng altar na kami," palusot ni Jimin-mylabs.

Wow. Sanaol may respeto. May lalaki pa palang ganito?

"Uhm, yes?"

Nilapit niya ang mukha niya at hinawakan ang likod ng ulo ko. Hinalikan niya ako sa noo at napapikit na lang ako.

"Okay, cut the act! Pasalamat ka talaga sa'kin, Jimin! At, pinagsuot mo pa talaga ako ng ganito, ha?!" sabi ng saleslady.

"Huh?" tanong ko.

"Hay naku, Rosé, 'yung lahat ng sinabi ko kanina, joke lang 'yun." Ngumiti ang saleslady.

Omg. Ba't niya ako kilala?

"I'm Jimin's cousin," pagpapakilala niya. "And, I'm helping him para gumawa ng moves sa'yo. Napakatorpe kasi ng lalaking 'yan!"

Napalingon ako kay Jimin na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko.

"Rosé Park, when I first met you, you got my attention. I became your admirer because you got my heart. Now, can I get yours, too?" tanong niya.

Napangiti ako sa sinabi niya at tumango. "Yes."

"Sanaol," rinig kong sabi ni Lisa sa likuran namin.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon