15

125 12 5
                                    

Jisoo x V - Kidnapper

Jisoo's POV

𝙹𝚒𝚜𝚘𝚘: 𝙷𝚘𝚢, 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚔𝚊 𝚞𝚖𝚊𝚋𝚜𝚎𝚗𝚝 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚗𝚊? 𝙼𝚊𝚢 𝚛𝚎𝚙𝚘𝚛𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚠 𝚝𝚊𝚢𝚘 𝚋𝚞𝚔𝚊𝚜. 𝚃𝚊𝚢𝚘 '𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚔𝚊-𝚙𝚊𝚛𝚝𝚗𝚎𝚛. 𝙼𝚊𝚐𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚢𝚘 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚔 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚢𝚊.

Chat ko kay Taehyung. By partner 'yung reporting, at sa kamalas-malasan ay siya pa talaga 'yung naging ka-partner ko. Pwede namang iba na lang. Alam naman nilang lahat na hindi kami magkasundo ng lalaking 'to. Tsk.

Papauwi pa lang kami ni Lisa galing sa school at nag-aabang pa ng bus nang bigla niya akong kinaltukan ng newspaper sa ulo. "OMG, siz! Alam mo na ba 'tong chika na 'to?!" tanong niya na parang naluluha na.

"Ano?" bored kong tanong sa kanya habang humihikab. Isinuksok ko na ulit ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Daldal siya ng daldal habang ako naman ay focus sa kakatingin kung may bus na bang paparating. Mahirap umuwi sa'min kapag gabi, eh.

"Ikakasal na raw si Jungkook-oppa kay Pranpriya?! Nooo! Huhuhu," pahikbi-hikbing sabi niya habang nagbabasa ng newspaper. Idol na idol niya talaga kasi si Jungkook at napapanaginipan pa niyang sila 'yung ikakasal pero wala talaga, eh. Hanggang fan lang siya.

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang matigilan.

"Oh, bakit? Fake lang 'yung kasal?" pangangasar ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Laganap na raw ang mga kidnappers sa Seoul?" patanong na basa niya at binalingan ako ng tingin. Ilang sandali lang ay bigla siyang tumawa. Nababaliw na 'ata ang babaeng 'to. "Kalokohan. Makabili nga muna ng yogurt. Nagutom ako bigla sa wedding news."

Napailing na lang ako habang tinitingnan siyang papalayo.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa ring reply galing kay Taehyung. Galing naman. Pa-VIP talaga ang lalaking 'yun. Baka gusto niyang puntahan ko pa siya sa bahay niya? It's a big NO WAY. Bahala siyang bumagsak.

Okay lang naman din na ako lang mag-isa ang mag-re-report. It's not a big deal. Besides, mas lalaki ang grado ko kapag nag-solo ako kasi magkakalat lang naman ang lalaking 'yun.

Biglang may huminto na itim na van sa harapan ko. Lumabas ang isang lalaking naka-itim na may bonnet pang itim. May dala rin siyang baril. Tinakpan niya ng panyo ang ilong ko, pero malas siya dahil mas alert pa ako sa kanya. Hindi muna ako huminga para hindi ko masinghot 'yun. Kinagat ko ng mariin ang kamay niya kaya napabitiw siya sa'kin.

Habang naka-focus pa siya ng tingin sa kamay niyang kinagat ko, inagaw ko ang baril niya at tinutukan siya.

Ngumisi ako at tiningnan ang hawak ko. "Colt M1911, huh? Cool."

"Why, oh, why? Magdadala ka na nga lang ng baril, 'yun pang fake," dagdag ko.

Nanlaki ang mata ng lalaki. "H-hindi peke 'yan."

"Talaga? Gusto mo i-try na'tin sa'yo?" Itinutok ko sa noo niya ang baril at kinalabit ang gatilyo. Lumabas ang maliit na holen at tumama sa noo niya. Natumba ang lalaki at dumugo ng konti ang tinamaan. "Oh? Akala ko ba hindi 'to fake? Ba't buhay ka pa hanggang ngayon?"

"P-pa'no mo nalaman?" nauutal na tanong niya habang nakatingala sa'kin.

"Simple lang. Ang baril ay gawa sa metal kaya dapat mabigat 'to gaya ng inaasahan ko, but it's not." Itinago ko sa bulsa ko ang baril. "Tsaka kuya, kung mangingidnap ka, pumili ka naman ng mga mayayaman. Hindi 'yung tulad kong walang pang-ransom."

Hindi nakasagot ang lalaki kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. I-di-distract ko lang. Ang tagal kasi ng mga pulis.

"On the second thought, alam kong hindi ransom ang habol niyo sa'kin. Kilala ako ng gustong kumidnap sa'kin," sabi ko.

Kumunot 'yung noo ng lalaki.

"The fact na hindi kayo nagdala ng totoong baril, it means wala kayong balak na saktan ako. Could you tell me who the heck did this to me?!" tanong ko.

Hindi sumagot ang lalaki.

"Ayaw mong magsalita o ipapakain ko sa'yo 'tong limang holen na natitira dito?" pananakot ko sa kanya.

"S-si ano..."

"Me."

Napatingin ako sa lalaking lumabas sa itim na van. Napanganga ako nang makilala ko kung sino siya. "Kumag na 'to," bulong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palapit sa'kin. "Bakit mo ako ipapa-kidnap, ha? Ikaw na nga 'tong hindi nag-re-reply sa mga chat ko."

Bigla siyang namula sa sinabi ko. "I-I'm sorry. I'm just preoccupied with something and didn't noticed your message."

"Preoccupied? Dito?" tanong ko. "Ganu'n ka na ba talaga ka-galit sa'kin para ipa-kidnap pa ako, ha?!"

Hindi siya nakasagot pero mas lalong namula ang tenga niya.

"Ano bang—?"

"I'm planning to confess my feelings for you tonight. Okay na ba?" inis na tanong niya at bumalik sa van. Lumabas 'yung driver na may dalang isang mala-higanteng teddy bear.

May kumalabit naman sa likuran ko at nakitang si Lisa pala 'yun na may dalang maraming pink heart-shaped balloons. "Hoy, Taehyung, two hundred lahat 'yan! Bayaran mo ako, ah?" sigaw niya pagkatapos niyang ibigay sa'kin 'yun.

Ang kaninang crowded place ay mas lalong naging crowded sa pa-balloons ni Lisa.

Lumabas ulit si Taehyung sa van na may dala nang bouquet ng pink roses at naglakad palapit sa'kin. "Jisoo Kim, my one and only enemy. I'm happy being just your enemy, but I'm more than willing to be your boyfriend, if you'll allow me, won't you?"

Wtf. Akala ko ba, confess lang?!

"Kumag ka," sagot ko.

Mas lumawak ang ngiti niya. "I'll assume that as a yes."

Niyakap niya ako at binulungan. "I'm waiting for almost two years for this to happen. I really like you, Jisoo Kim."

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon