22

77 5 12
                                    

Jisoo x V - Coffee & Letters

Jisoo's POV

"Hello, sir! Good morning. Welcome to Aster Coffee shop! May I have your order?" greet ko sa lalaking naka-black hoodie jacket. Kaharap nito ang laptop at busy'ng busy.

He turned to give me a small sly smile. "Thanks, but I can manage. I'll just order later." Binalik niya ang tingin sa laptop niya.

"Okay, sir. Thank you."

Bumalik ako sa counter ng shop namin. Inirapan ko 'yung lalaking 'yun, pero bigla itong napatingin sa direksyon ko kaya napa-smile ako ulit.

Sungit talaga ng isang 'yun. Kung pwede ko lang talaga i-ban 'yun sa coffee shop na 'to, matagal ko nang ginawa. Kaso, wala akong valid reason. Hindi naman kami pwedeng mag-ban dahil lang sa masungit 'yung customer namin.

"Psst," sitsit ni Lisa sa'kin. Tinawanan niya ako at sinenyasan akong lumapit sa kanya. "Ano? Sungit, 'noh? Sabi ko naman sa'yo. Panis 'yang pa-good morning mo."

"Oo na, tsk. Tumahimik ka na d'yan," sagot ko.

Para akong nag-freeze sa kinatatayuan ko nang makita ko na ang masungit na lalaki sa harapan ko. "I'd like to order one espresso and a slice of flourless chocolate cake," he gave me a wink.

"A-ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

Tinulak naman ako ni Lisa sa gilid. "Ako na. Baka mapaso ka pa d'yan, gaga." Nginitian niya 'yung lalaki. "Can you repeat your order, sir?"

Inulit nga nu'ng lalaki 'yung order niya, pero nakatingin pa rin siya sa'kin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at umalis sa counter para batiin 'yung ibang customers namin na kararating lang.

"Can you leave a name? It's okay if you won't use your real name, sir," rinig kong sabi ni Lisa. Nang tingnan ko sila, nginisihan lang ako ng gaga.

"It's okay. My name's Taehyung."

"Noted, sir. Our waitress will have your order delivered after a minute. Thank you," sagot ng gaga.

Pagkalipas ng isang oras, umalis na 'yung Taehyung. Ililigpit ko na sana 'yung mga kalat para may mauupuan 'yung iba pang customer, pero natigilan ako. Sa tabi ng baso, may tissue du'n na may nakasulat na 'L'. Naka-pentel pen pa talaga. Napailing na lang ako at niligpit 'yung kalat.

Ganu'n din ang nangyari kinabukasan. May tissue rin na may nakasulat na letter 'O'.

May meaning ba 'to?

Bakit naman mag-iiwan ng sinulatan na tissue 'yung Taehyung na 'yun dito? Pwede naman niyang itapon. May basurahan naman kami dito. Napaka-irresponsible talaga ng lalaking 'yun.

"Ano 'yan?" tanong ni Lisa nang makita niya ang tissue.

"Wala, kalat lang," sagot ko.

Hinablot niya 'yung tissue mula sa'kin. "O?" takang tanong niya. Tumaas 'yung kilay niya. Binaliktad-baliktad pa niya 'yung tissue. "O? 'Yun lang?"

"Sabi ko sa'yo, kalat lang, eh."

Itatapon ko na sana 'yung tissue nang pigilan niya ako. "Wait, wag! Baka may gusto siyang sabihin."

"Sino? 'Yung Taehyung? Ano namang sasabihin niya sa'tin?" tanong ko.

She just shrugged her shoulders. "Ewan. Pero, malay mo naman confession pala 'to, 'di ba?" she smiled creepily. "May iba pa ba 'to?" tanong niya at hinablot ulit ang tissue.

"Meron. Nasa basurahan na."

Sinapo niya ang ulo niya. "Ano'ng nakasulat? Memorize mo pa ba?" tanong niya.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon