Jisoo x V - Mysterious Girl
V's POV
Kanina pa ako naghihintay dito sa park. Mag-a-alas siyete na, wala pa rin 'yung mga monggoloid. Saang planeta ba 'yun nag-jogging? Shet naman. Na-uto na naman ba ako? Kapag talaga si Yoongi ang nag-aya, paniguradong joke agad 'yun. Mas gugustuhin pa 'ata niyang mag-exercise sa panaginip niya. Sarap batuhin ng sapatos. Tsk.
Bumuntong-hininga ako at pumihit papaharap. Huli na para malaman kong may babae palang tumatakbo palapit sa direksyon ko.
"Tumingin ka nga—hmph!"
Natigilan ako sa posisyon namin. Nasa ilalim ako at nasa ibabaw siya sa'kin. Nanlaki ang mga mata naming dalawa nang mapansin naming magkadikit na pala ang mga bibig namin.
Buti na lang... Buti na lang, naka-mask siya.
Dali-dali siyang tumayo at nag-bow sa harap ko. "Sorry." Mabilis siyang tumakbo papalayo sa'kin.
Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang likod niyang papaalis.
Ang babaeng 'yun. Bakit parang napakafamiliar niya?
Napahawak ako sa labi ko. Ang first kiss ko, makukuha lang ng gano'n ka-simple? Hindi pwede 'to! Kailangang panagutan ako ng babaeng 'yun!
"Tol, ano'ng ginagawa mo d'yan? Nadapa ka ba?"
Tiningnan ko ng masama si Yoongi. Inabot ni Jungkook ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.
"T-tol, feeling ko..."
"Feeling mo, ano?" tanong ni Jimin sa'kin pero 'yung mata niya, nakatuon sa babaeng nag-ja-jogging na naka-sports bra lang.
"F-feeling ko... hindi na ako virgin."
"H-ha?!" Nanlaki ang mga mata nilang tatlo. Sinapak ako ni Jungkook. "Ayusin mo nga! Mahihimatay na kami dito, eh!"
"Totoo nga!" sabi ko. "Habang naghihintay ako sa inyo dito kanina, may babaeng biglang bumangga sa'kin tapos..."
"Tapos, ano?" tanong ni Jimin.
"Tapos nagkiss kami."
Binatukan ako ni Jimin at Yoongi habang nakatulala lang si Jungkook. "Wow, congrats, 'tol! Ang lakas mo!"
"Pero..."
Nalukot ang mukha ni Jimin. "'Wag ka nga'ng pa-bitin! Sabihin mo na agad!" naiinis na sabi niya.
"Matatawag bang kiss 'yun kung naka-mask siya?" tanong ko.
Binatukan ulit ako ni Jimin. "S'yempre, hindi. Ulol. Matatawag lang na kiss 'yun kapag nagdampi ang mga labi niyo tapos mararamdaman mo ang dila niya tapos—"
"Ang laswa mo, 'tol!" reklamo ni Jungkook. Ngumiwi siya.
"Kilala mo ba siya?" tanong ni Yoongi.
Umiling ako. "Pa'no ko naman makikilala 'yun, eh, naka-mask nga?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Easy ka lang, 'tol! Mag-jogging na nga tayo! Hahanapin na ako sa'min, eh!" reklamo ni Yoongi. Nauna siyang nagmartsa papunta sa oval.
Nagsimula na rin akong tumakbo pero 'yung mga mata ko, hindi nakatuon sa daanan. Nililibot ko ang tingin ko sa paligid, umaasang may makikita akong babaeng naka-ponytail at naka-black mask pero bigo ako. Baka umuwi na ang babaeng 'yun. Pero hindi ako titigil, hahanapin ko ang babaeng 'yun.
Halos araw-araw na kaming nag-ja-jogging sa park at ako na mismo ang nag-aaya sa tatlo para samahan ako. Umaasa pa rin akong makikita ko ang babaeng 'yun pero simula 'ata nu'ng nangyari ang insidenteng 'yun, hindi ko na siya nakita pa.
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.