Lisa x Jungkook - Nerd Bestfriend
Lisa's POV
I love nerds. Yeah, I know, sobrang weird ko, pero, sa tuwing nakakakita ako ng mga nerd, napapatulala na lang ako. Ewan ko. Siguro, dahil 'to sa kababasa ko ng Wattpad. Adik na talaga ako sa app na 'yun.
Napahinto ako sa paglalakad ko sa hallway nang makarinig ako ng kalabog at halakhakan. Agad kong nilapitan ang mga seniors na parang may pinagkakaguluhan. Omg! Si Queen Bee pala itech! Pero, bahala na! Kawawa naman 'yung estudyante kung hindi ko tutulungan.
"Hoy! Itigil niyo 'yan!" Nilingon ako ng grupo nina Yerin. Sila 'yung mga 'IT Girls' dito sa school. Maldita at papansin. Tsk.
"Oh, and who are you? Kaibigan mo ba 'tong panget na 'to?" mataray na tanong niya.
Tinaas ko ang noo ko. Kahit na, kanina pa nangangatog 'tong tuhod ko, tinapangan ko na lang ang sarili ko. "Pa'no kung sabihin kong oo?"
"What will you do, then?"
Itinaas ko ang phone na nasa kamay ko. Napangisi ako nang makita kong natatakot ang mukha nilang tatlo. "Edi, ipapakita ko 'tong pictures na 'to sa Principal."
"You won't do that," sabi niya.
Mas lalo akong ngumisi. "Try me."
Inirapan nila ako at rumampa paalis. Nilapitan ko 'yung lalakeng nakayuko lang. At basang-basa ng tubig... or juice? Pinulot ko 'yung mga gamit niya at nilagay sa bag niya.
"Mister?" tanong ko.
Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya sa'kin. Natulala na lang ako. Omg! Nerd siya! At hindi lang 'yun, ang gwapo pa niya.
Hinawakan niya ako sa balikat. "Okay ka lang, Miss? Ba't ka natulala?" tanong niya.
Parang baliktad 'ata? Ako dapat 'yung magtatanong kung ayos lang ba siya, eh!
"Ah, hehehe. Ayos lang ako." Tinulungan ko siyang tumayo. "Tara sa infirmary. Sasamahan kitang manghiram ng extrang damit," aya ko.
"Salamat, Miss."
Nilahad ko ang kamay ko. "Ako nga pala si Lalisa Manoban, pero pwede mo naman akong tawaging Lisa," nakangiting saad ko. "At 'yun naman sina Queen Yerin. 'Wag mo na lang pansinin 'yun, umiwas ka na lang 'pag nakasalubong mo sila. Ikaw, ano'ng pangalan mo?"
"Ako si Jungkook Jeon."
"Transferee ka ba?" tanong ko. Tumango lang siya. Hinila ko na siya papuntang clinic.
Nang makita kami ni Nurse Cha, agad siyang ngumiti ng nakakaloko. "Nakahanap ka na pala sa wakas ng boyfriend," pang-aasar niya.
"Hindi ko po siya boyfriend." Pinandilatan ko siya ng mata. Ang ayos rin niya manglaglag 'noh?
"Ha? Sabi mo sa'kin, sisiguraduhin mong nerd ang magiging jowa mo—"
"Ay, sinabi ko ba 'yun? Sige na, Nurse Cha! Ba-bye na! Ma-le-late na kami!" Hindi ko na siya pinasingit pa. Hinablot ko na ang P.E. t-shirt at hinila si Jungkook paalis sa lugar na 'yun.
Pagkatapos ng pangyayaring 'yun, naging magbestfriends kami ni Jungkook. Sabay mag-lunch, sabay mag-re-recess, at sabay din mag-a-aral. Feeling ko nga, tumatalino na ako dahil sa kanya. Halos lahat ng topic namin mga square root-ek-ek.
"Lisa, may sasabihin sana ako sa'yo."
Tinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya sa pagsasalita. "Kung tungkol 'yan sa Math, 'wag muna ngayon, nagdudugo pa ang utak ko."
Tumawa siya dahil sa sinabi ko. "Hindi. Hindi 'to tungkol sa Math." May inabot siya sa'king picture. Tiningnan ko naman ito. Teka. Si Umji 'to, ah? Isa sa minions ni Queen Yerin. "Kilala mo ba siya? Balak ko sana siyang ligawan, eh."
"S-si Umji? Bakit siya?" tanong ko. Ewan ko kung bakit kumirot ng medyo slight ang puso ko. Feeling ko, hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman hindi?" tanong niya habang ngiting-ngiti.
"Kasali siya sa n-nambully sa'yo nu'ng first day mo dito," dahilan ko.
Umiling lang siya. "Past is past, Lisa. Nabihag niya 'ata ang puso ko nu'ng nginitian niya ako. Ang ganda niya lang!" Para siyang nangangarap dahil sa tono ng boses niya.
Iniyuko ko ang ulo ko at lumunok ng laway. Nagpilit ako ng ngiti sabay akbay sa kanya. "Yiiiieeee. Binata na pala si Jeon!" pang-a-asar ko. "Sige, tutulungan k-kita sa kanya kahit na hindi kami medyo close nu'n. Hehehe."
Niyakap niya ako. "Salamat, Lisa! You're the best bestfriend in the world!"
Nagsusulat siya ng tula at mga love letters para kay Umji habang ako naman ang nag-aabot nito. Kitang-kita ko kung pa'no itapon ni Umji ang love letters na pinaghirapan ni Jungkook habang ang dalawa ay tumatawa naman. Gusto ko sanang pagmumurahin silang lahat pero naalala ko, wala akong karapatan. Bestfriend lang ako.
"Lisa, kamusta 'yung love letters? Nagustuhan niya ba?" tanong niya.
Tumango lang ako habang napayuko. Wala akong lakas para magsinungaling at mas lalong wala akong lakas para sabihin sa kanya ang totoong ibinabasura lang ng mahal niya ang mga love letters na sinusulat niya.
"Jungkook, itigil na kaya na'tin 'to?" tanong ko habang siya ay busy'ng busy ulit sa pagsusulat ng letters.
"Bakit?"
"Feeling ko kasi, h-hindi ka niya magugustuhan," sagot ko.
"Bakit naman hindi niya ako magugustuhan? Sabi mo, halos mapaiyak siya habang binabasa ang mga love letters na sinulat ko para sa kanya?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot.
"Lisa, aamin na ako sa kanya, bukas."
Napangiti na lang ako ng pilit. "Edi, goodluck sa'yo. Sana mapasagot mo siya."
Hindi ako pumasok ngayon. Hindi ako sumasagot kay Jungkook sa mga text niya sa'kin buong araw. Hindi ko rin naman binasa. Para sa'n pa? Tungkol kay Umji lang naman 'yan panigurado.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate uli ito.
Parang may nag-udyok sa'kin para basahin 'yun.
Jungkook: 𝘞𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶? 𝘐 𝘯𝘦𝘦𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘩𝘦𝘳𝘦.
Parang natauhan ako sa nabasa ko. Nabasted kaya siya? Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa. Oo na, inaamin ko na. Nahulog ako na ako sa bestfriend ko kaya nalilito ako sa mararamdaman ko ngayon.
Lalisa: 𝘈𝘴𝘢'𝘯 𝘬𝘢?
Ilang sandali ay nag-reply siya.
Jungkook: 𝘗𝘭𝘢𝘻𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭.
Wala na akong pake kahit naka-pajama lang ako. Ang mahalaga ay madamayan ko ang bestfriend ko. Pagkarating ko du'n, may nakita akong maraming christmas lights. May rose petals pa na nagkalat sa daan. Ito pala 'yung hinanda kanina ni Jungkook? Nalungkot tuloy ako ng slight.
Kumunot ang noo ko nang makita ko si Jungkook na nakangiti sa'kin. Teka. Akala ko ba...?
"Sa wakas, dumating ka na rin."
Ang gwapo niya ngayon. Wala na 'yung nerdy glasses niya at naka-tuxedo pa siya.
"Jungkook, bakit ka nakangiti?" naguguluhang tanong ko. 'Di ba dapat nalulungkot siya kasi nabasted siya?
"Bakit naman ako hindi ngingiti?" tanong niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Lalisa Manoban, will you be my girlfriend?"
"Ha? Ano 'to?" naguguluhang tanong ko.
"Mahabang storya, but to make it short, I just fooled you. Hindi si Umji ang nagugustuhan ko, kundi ikaw."
Omg.
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.