Rosé x Jimin - Group Activity
Rosé's POV
"So, I will group you into five. Walang magrereklamo, ah? At dapat lahat kayo ay makikipag-cooperate sa leader." Ma'am Hermione smiled as she wrote names on her notebook. Tiningnan niya kami isa-isa at bago binabalik ang tingin sa sinusulat niya. "Once I found out that a member didn't get to contribute of the said activity, all of you will get zero. Understood?"
Narinig ko ang mga daing nila. However, I also understand them. Grabe kasi naman 'tong si Ma'am, eh. Pangiti-ngiti lang 'yan pero bagsak ka na pala sa subject niya.
Napalingon ako sa likuran ko nang kalabitin ako ni Jennie.
She revealed her sweet gummy smile. Her head leaned to me slightly. "Sana maging ka-grupo kita, 'noh? Hehehe."
"Sana hindi. Wala ka namang ambag lagi, eh. Puro ka lang tulog nu'ng mga nakaraang activity na'tin," sabi ko at tiningnan ang harapan. Ibinilin lang ni Ma'am ang notebook niya tsaka nagpaalam.
Umiling-iling siya. "Oo, natutulog nga ako nu'n, pero tinutulungan ko naman kayo, ah?" pamimilit pa niya.
"Oh? Pa'nong tulong ba 'yun? Ni ayaw mo nga'ng magreport du'n sa harapan nu'n," sabi ko. Naalala ko, nagsinungaling pa ako kay Ma'am Hermione dahil ibabagsak daw si Jennie kapag hindi ko sinabing tinulungan niya kami.
"Duhhh. Napanaginipan kong magiging successful ang reporting nina Jisoo at Lisa, kaya hindi na ako tumulong physically. Enough na tulong na 'yun, 'noh!" saad niya.
I just shook my head at her lame alibis. Sana nga ganu'n ako kabobo para maniwalang may lahing manghuhula nga 'tong si Jennie, kaso wala, eh. Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan para tingnan ang magiging kagrupo ko.
At, kung minamalas ka nga naman, oh. Hindi lang si Jennie ang magiging kagrupo ko, kundi pati na rin ang kambal niyang si Jimin. Ano ba naman 'to? Siguradong ako lang talaga ang gagawa ng activity na 'to. Sleeping beauty twins kasi ang mga 'yan. 'Yung tipong natutulog na nga sa bahay nila, ginawang pa ring bedroom pati ang classroom namin.
Nagtatatalon si Jennie nang malaman niyang magka-group nga kami. Ako naman, napabuntong-hininga lang. Buti na lang may dalawa akong matinong members sa group na 'to. Si Jisoo at si Hoseok.
Tinawag ko silang apat. "Guys, mag-meeting tayo pagkatapos ng next class, ah? Pag-usapan na'tin kung—"
Itinaas ni Jimin ang kamay niya. Mukhang may i-sa-suggest.
Huminto ako sa pagsasalita at itinuro siya. "Yes?"
Tinakpan niya ang bibig niya at humikab ng malakas bago nagsalita. "I-text niyo na lang ako kung ano'ng napag-meeting-an niyo, ina-antok pa kasi ako." Bumalik na siya sa seat niya matapos niyang sabihin 'yun.
Hay.
Hindi pa man nagsisimula ang activity naming 'to, parang tumataas na ang dugo ko. Sabi ko na, eh. Sana pwede pang magpalit ng mga members dito. Okay sana kung isa lang 'yung tamad dito, kaso dalawa, eh, ta's magkambal pa. Ang sarap pag-untugin 'yung mga ulo nila.
Sabado na.
Sabi ni Ma'am, sa Lunes na raw namin 'to i-pe-present kaya kailangan na talaga naming gawin 'to ngayon para wala na kaming po-problemahin pa. Ang usapan namin ay sa bahay kami nina Hoseok gagawa ng report para sa activity namin kaso sarado 'yung bahay nila at nakalimutan daw ng mama niya na ibigay sa kanya 'yung susi. Ang bahay naman namin ni Jisoo ay malayo sa lugar na 'to at hindi naman kami pwedeng bumiyahe pabalik kasi mahal 'yung bayad sa tricycle, kaya du'n na lang kami kina Jennie.
Sinundo kami ni Jennie mula sa bahay nina Hoseok papunta sa kanila gamit ang sasakyan nila. 'Yung kapatid niya raw, natutulog pa kaya hindi na nakasama sa kanya.
Wao naman. Heyang-heya naman kami sa kanya.
While on the way, busy'ng-busy si Jennie sa pagkalikot sa phone niya. "Hello, kuya? Putcha ka talaga! 'Wag ka nang bumalik sa pagtulog, namoka! Papunta na kami d'yan. Maligo ka na, ang baho mo, pwe!" Pinatayan niya ito ng tawag.
Sinalubong kami ng tatlong yaya nang makarating kami sa bahay nila. "Jennie, may hard drive ka ba? Pahiram naman ako, oh," sabi ni Jisoo, pagkababang-pagkababa namin sa sasakyan.
"Sure, mamaya. Hehehe."
"Sa sala ba tayo gagawa ng activity?" tanong ni Hoseok at kinuha ang mga manila paper na dala namin. Ilalatag niya na sana 'to sa tiles nang pigilan siya ni Jennie.
"Hindi, 'wag d'yan. Darating ngayon ang mga business partners ni Papa kaya sa kwarto ko muna tayo ngayon." Hinila-hila niya kami papunta sa second floor ng bahay nila at nauna siyang pumasok sa isang room.
Papasok na sana kami nang bigla siyang lumabas. "On the second thought, du'n na lang tayo sa kwarto ni Kuya, medyo magulo kasi 'yung kwarto ko ngayon. Hehehe." Kinamot niya ang ulo niya.
Tinulak-tulak niya ulit kami papunta sa isang kwarto. Binuksan niya ito at tinulak kami papasok.
"Jennie, 'yung hard-drive?" tanong ni Jisoo.
"Tara, kunin na'tin. Magpapatimpla na rin ako ng juice para sa'tin, eh," sabi ni Jennie at sabay silang umalis sa kwarto.
Pipigilan ko na sana pero huli na ako.
"Hoseok—"
"Wait, d'yan ka lang muna." Pinakita niya ang cellphone niyang nagri-ring. "Sasagutin ko muna 'to. Babalik din ako agad." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. "Hello, ma?"
Bumuntong-hininga ako. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa'kin dito, 'noh? Kwarto lang naman 'to, eh.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang lumabas si Jimin na naka-topless at may tuwalya lang na nakakapulupot sa ibaba. "Oh, andito ka na pala, pres!" bati niya at lumapit sa'kin. Malaking-malaki ang ngisi niya.
"'W-wag kang lalapit," banta ko sa kanya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero hindi ko kaya. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
"Bakit, pres? May problema ba?" tanong niya at mas nilapit sa'kin ang mukha niya. Amoy na amoy ko ang sabon na ginamit niya pati na rin ang mouthwash niya. "Ano'ng nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?"
"P-pwede ba? Magdamit k-ka nga!" saway ko sa kanya.
Tumawa siya sa sinabi ko. "I'm sorry, pero mas comfortable akong nakaganito, Chaeyoung," he smiled mischieviously.
Bakit ganito?! Bakit parang naging sexy 'yung boses niya bigla?! Ano 'to?! Parang mas gusto kong bumalik siya sa pagiging sleeping beauty niya. Keri na kahit 'di siya tumulong basta hindi 'yung ganito. Shet na malagkit!
"Ganito ka b-ba talaga sa mga bisita mo, ha? Bastos!"
Tumawa siya ulit sa sinabi ko. "Sa'yo lang naman ako nagiging bastos, babe."
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang tatlo. Halos mabitawan na ni Jennie ang tray ng juice nang makita niya ang posisyon namin. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Sorry, na-istorbo yata namin kayo."
"Talaga!" inis na sagot ni Jimin.
Padabog na isinara ni Jennie ang pintuan.
Hinarap niya ulit ako.
"Ano'ng activity ba ang uunahin na'tin, babe?" he asked in a sexy, seductive voice.
Send help everyone!
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.