13

124 11 0
                                    

Jisoo x V - Guard

Jisoo's POV

'Bwiset na forever 'yan.'

Inis kong tinaktak ang pop corn ko sa sahig dito sa loob ng sinehan. Maraming nagreklamo sa ginawa ko pero wala akong pake. Nakakainis kasi 'yung movie. Akala ko pa naman mamamatay na 'yung lalaki pero nagawa pa niyang magpakasal sa babae. Akala ko ba 'sad love story' 'to? Bwiset. Na-scam na naman ako.

Nang nagkiss na ang dalawang bida, bigla akong tumayo at sumigaw. "Walang forever, mga ulol! Akala niyo lang meron pero wala! WALA!" Nag-walk-out ako palabas sa sinehan. Bahala na silang magpa-uto sa movie na 'yun. Wala namang kwenta. Sayang 'yung pera ko, bwiset.

"Ang bitter mo, 'noh?" sabi ng isang guard na nakatayo malapit sa exit ng sinehan. Ngising-ngisi pa siya na parang nang-iinis.

"Wala kang pakialam, kuyang guard." Inirapan ko siya at lalampasan na sana nang bigla niyang hatakin ang braso ko at hinarap ulit sa kanya. "Ano ba?!" inis kong hinablot ang kamay ko.

"Guard? Ako?" tanong niya.

"Sino pa bang iba? Alangan namang ako? Tsk," sabi ko at nag-cross arms.

"Hoy, miss. Hindi ako guard dito, ah? Inutusan lang akong magbantay dito kasi—"

"Yeah, watebor. Guard ka pa rin. So, if you'll excuse me, aalis na po ako, pwede?" I gave him my sarcastic smile bago siya inirapan.

"Magkikita rin tayo sa susunod, Jisoo Kim."

Nilingon ko ulit siya nang marinig ko ang pangalan ko, pero nakaalis na siya at isang guard ang pumunta sa pwesto niya kanina. Pa'no ba niya nalaman 'yun? Ang creepy naman.

School days na naman. Ni hindi ko man lang na-enjoy ang weekend ko. Na-stress pa nga ako, eh. Lesson learned: Hindi na ako pupunta ulit sa sinehan. Ayoko nang ma-scam. Dapat namatay na 'yung lalaki, eh, edi masaya sana ako. Tsk.

"Hey, girl! Ngiti ka naman d'yan! Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa d'yan, oh!" natatawang puna sa'kin ni Chaeyoung.

"'Wag na. Sa susunod na lang. Tinatamad ako, eh."

"Wao naman, Jisoo. Eh, kami nga dito, hirap na hirap sa research paper na'tin pero nagagawa pa ring ngumiti, ikaw pa kaya na nakatunganga lang at hindi kami tinutulungan, hindi pa rin magawa?" tanong naman ni Lisa na nagpipilit ng ngiti habang kaharap ang laptop.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Jennie.

"Mamaya na lang, wala ako sa mood."

"Bakit naman?" tanong nilang tatlo.

"Eh, kasi 'yung movie—" Napatigil ako nang may mamataan ako. 'Yung guard sa sinehan, andito! At, bwiset, nakangiti pa siya sa'kin! Sinusundan ba ako nito?

"Ano'ng tungkol du'n?" tanong nila.

Hindi ko na pinansin ang tanong nila. Palihim kong tinuro 'yung lalaking naka-all black outfit. Feel na feel 'ata ang pagiging feeling-Robinhood. Yuck. "Kilala niyo ba 'yun?" tanong ko.

Tumango si Chaeyoung. "Uhuh. Pinsan ni Lisa, bakit?"

Tiningnan ko si Lisa at sumulyap din siya sa'kin saglit. "Bakit? Type mo ba?"

"Nagjo-joke ka ba? Bakit naman ako magkakagusto sa isang security guard na tulad niya, 'di ba?" natatawang tanong ko. "Malay ko bang 30 years old na 'yan."

Kumunot ang noo ni Lisa. "Huh? Security guard?" tanong niya. Itinabi niya ang laptop niya at tiningnan ako ng maigi. "Ang sabi niya sa'kin ay may binabantayan siyang tao, pero hindi security guard. Body guard, pwede pa." She scratched her head. "Ewan ko nga sa isang 'yan, ang yaman-yaman tapos suma-sideline bilang bodyguard."

"E-eh, bakit—?"

"Hi, girls!" bati ng pinsan ni Lisa. Napatingin siya sa'kin at ngumiti, "Oh! What a coincidence! We meet again, Jisoo Kim!"

Inirapan ko lang siya at binaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Ah, pagpasensyahan mo na lang 'yan si Jisoo, Taehyung, ha? Wala lang talaga sa mood 'yan," sabi ni Chaeyoung.

"Ano'ng ginagawa mo dito, couz'?" dinig kong tanong ni Lisa.

"Wala, tumatambay lang," sagot nito.

"Huh? Nag-cutting ka sa klase niyo para tumambay dito sa school namin?!" gulat na gulat na tanong ni Lisa. Napa-standing ovation pa nga.

"Pake mo ba?" nangingiting tanong nito kay Lisa.

Simula nu'n, palaging nagka-cutting 'yung asungot at tumatambay sa school namin, like buang lang. Ganyan talaga 'pag mayaman, 'noh? Tsk.

"Guys, binigay ulit ni Mommy ang credit card ko dahil mataas na ulit 'yung grades ko!" masayang sabi ni Lisa sa'min.

Nagcongrats kami sa kanya.

"Ano'ng congrats?! Tara sa arcade! Libre ko, pramis!"

"Hindi ako sasama kung kasama 'yung pinsan mo," sabi ko kaya napatingin sila sa'kin. Nahinto sila sa pag-celebrate at nagkatinginan sa isa't isa.

"Don't worry, Jichu-ya, hindi siya sasama kaya 'wag kang KJ d'yan," paninigurado ni Chaeyoung sa'kin habang nakatingin kay Lisa.

"Okay."

"Bukas tayo, guys, ah? 9am. 'Wag niyong kalilimutan!"

Ang daming missed calls nina Jennie at Chaeyoung sa'kin. Sornaman, kagigising ko lang, eh. Nang mapatingin ako sa oras sa cellphone ko, halos mapalundag ako. Bwiset na shet na shet!

Tinawagan ko si Jennie.

"Ma-le-late ako ng konti, ha? Kakagising ko lang, eh," sabi ko.

["K."]

At na-end na nga ang tawag.

Nang makarating ako sa arcade sa loob ng mall na pinag-usapan namin, halos ayaw ko nang pumasok pero huli na ang lahat. Nakita na ako ni Lisa kaya lumabas siya at pinipilit akong hinila papasok.

"Bakit ba andito 'yan?! Ang sabi niyo hindi 'yan kasama?" inis na sabi ko.

"Hindi naman talaga siya kasama, eh. Nagkataon lang na nandito din siya. Hehehe," paliwanag ni Chaeyoung.

"Edi, lipat na lang tayo ng ibang mall," suggest ko.

"Sumasakit na 'yung paa ko," angal naman ni Jennie. "Dito na lang tayo. 'Wag mo na lang pansinin. Easy as abc."

Bumuntong-hininga ko. "Edi, uuwi na lang ako."

"Bakit ba ilag na ilag ka sa'kin, ha?" tanong ni Taehyung na halatang naiinis na sa'kin. "Crush mo ako, 'noh?"

"Yuck. Asa ka naman." Inirapan ko siya at kinuha ang mga token na nandu'n kay Lisa. "Maglalaro na ako. Tsk."

Pumunta ako sa isang machine kung saan nanghuhuli ng teddy bear. Basta 'yun na 'yun.

Sinubukan kong hulihin 'yung pink na teddy bear pero naubos na lang 'yung tokens ko, wala pa rin akong nahuhuli ni isa.

Nakarinig ako ng tawa sa likuran ko. Si Taehyung na naman. Tumabi siya sa'kin habang nakatingin sa mga teddy bear sa loob. "Gusto mo ba 'yung pink na mukhang chuckie na 'yun?"

"Ba't ka andito?" inis na tanong ko.

"Sabi kasi ni Dad, ‘follow your dreams.’" Ngumiti siya at binalingan ako. Naghulog siya ng token at kinuha 'yung pink na teddy bear. Binigay niya sa'kin 'yun.

Wao. Pilisopo siya, men.

"Umalis ka na nga, ba't ba palagi ka na lang buntot ng buntot sa'kin?!"

"Okay," sabi niya at malungkot na tinalikuran ako.

Bwiset, gini-guilty ako ng asungot na 'yun. Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya, nabigla na lang ako nang halikan niya ako sa pisngi.

"You're asking me why I'm guarding you?" tanong niya sa'kin.

Nakatunganga lang ako at hindi alam ang isasagot. Bwiset. Bakit ba ang lapit-lapit niya sa'kin?!

"Because, I like you and I'm guarding your heart right now. In that way, no one can hurt you." Tinalikuran niya ako at naglakad papunta kina Lisa. "You'll believe in forever, Jisoo Kim, together with me. Trust me."

H-ha?

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon