1

447 16 3
                                    

Jisoo x V - Gayuma

Jisoo's POV

Isa akong mangkukulam. Oo, mangkukulam, witch, sorcerer, wizard at kung-ano pa man ang pwede niyong itawag sa'kin. But, don't get me wrong, ha? Yes, I do kulam pero hindi naman ako 'yung nagkukusa, eh. Inuutusan nila ako na gawin 'yun. Hindi nga ako nagpapabayad, eh. Pinagdadasal ko na lang na sana mapunta pa rin ako sa langit kahit masama 'tong ginagawa ko. Hay.

Nagbe-benta din ako ng mga potion. Hihihi. Love potion, healing potion, at kung ano-ano pang mga potion. Mabenta naman lahat ng mga ginagawa kong potion pero mas mabenta talaga 'yung love potion. May isang lalake nga, eh, na pabalik-balik lang siya sa bahay ko para lang bumili ng love potion. Gwapo siya sa totoo lang kaya hindi talaga ako makapaniwala na bumibili siya ng mga ganitong bagay. I mean, hindi nainlove 'yung babaeng nagugustuhan niya sa itsura niyang 'yan? Wow. First time. Siguro, kakaiba talaga 'yung babaeng 'yun. And speaking of that person...

"Magandang gabi, Jisoo," bati niya sa'kin sabay ngiti. Ngumiti na rin ako sa kanya at pinaupo siya.

"Kelangan mo ulit ng love potion?" gulat na tanong ko. Pang-ilang bili na ba niya ito? 8? 10? Ewan. Nakalimutan ko na.

"Oo, eh," nahihiyang ani niya sabay kamot sa batok.

"Sandali." Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Hinanap ko 'yung bote na may pink na liquid at kinuha. Bumalik ako sa sala at nilapag 'yun sa table.

Tiningnan niya lang 'yun.

"Hindi ba umeepekto sa kanya 'yung potion na binili mo kahapon? Nu'ng nakaraang araw, etc?" tanong ko. "O, wag mo sabihing nagtatayo ka na pala ng tindahan ng mga love potion na hindi ko alam? Pinapakyaw mo, eh."

Napailing siya. "Hindi. Hindi ko alam kung bakit ayaw umepekto sa kanya. Sure ka bang gumagana ang potion na 'yan?" tanong niya.

"Oo naman 'noh! One hundred percent sure ako d'yan!" sabi ko sabay ngiti. Tinulak ko pa palapit sa kanya ang bote.

"Pero bakit ayaw umepekto?"

"Baka na-overdose?" tumatawang tanong ko.

"Seryoso?" tanong niya at parang kinabahan talaga siya.

"Joke lang. Isa lang naman ang side effects niyan, eh!" sabi ko.

"Ano naman 'yun?"

"Secret," sabi ko.

Tumayo siya at kinuha na ang bote. Nilapag niya ang pera niya at isang box. . . ng donuts?

"Sa'yo na 'yan. 'Di niya kasi tinanggap, eh," malungkot na sabi ni Taehyung at lumabas ng bahay ko. Tiningnan ko lang siya. Hay. Napakalungkot niya siguro ngayon.

Tiningnan ko ang box ng donuts at inamoy. Hmm. Mainit-init pa, ah?
Grabe. Sayang naman 'to. Ako na nga lang ang kakain.

Pagkabukas ay nandito ulit siya sa bahay ko. Feeling at home ang loko. Nanonood pa ng tv. Hay. Lumalaki na ang gastusin ko dito, ah?

"Oh? Kelangan mo ulit ng potion?" gulat na tanong ko. Mabilis siyang umiling at pinatay ang tv. Tumayo siya hinatak ako.

"Um-e-epekto na ang gayuma!" masayang sabi niya.

"Oh, tapos?" tanong ko. Dapat din ba akong maging masaya? Ewan. Di ako maka-relate. Sanaol na lang para sa kanya.

"Tapos, i-li-libre kita dahil do'n!"

Napataas ang kilay ko dahil do'n. "Huh? Ayoko nga! Maglalaba pa ako!"
Never akong sasama sa kanya. Hindi ako sumasama sa stranger 'noh!

Hila-hila niya ako habang papunta kami sa isang restaurant. Ipinaghila pa niya ako ng upuan. Ilang lang akong ngumiti sa kanya.

"Hindi kaya tayo makikita ng nililigawan mo? Baka bigla na lang akong sabunutan nu'n," nag-aalalang sabi ko habang palingon-lingon sa loob.

"Sus! Di 'yan! Mabait 'yun!" proud niyang sabi.

Tumango na lang ako. Nasa kalagitnaan na kami ng kain namin nang maramdaman kong naiihi na ako. Kaagad akong nagpaalam sa kanya na pupunta lang ako ng c.r.

May narinig pa akong mga babaeng nagchi-chismisan tungkol kay Taehyung. Kesyo, ang gwapo daw niya, charismatic, at kung-ano-ano pang positive characteristic. Well, di ko naman talaga sila masisisi. Gwapo naman talaga 'yung Taehyung na 'yun kaso nga lang, malas siya sa love life. Mabuti na lang, nandito ako at ang mga love potions ko para tulungan siya.

Pagkabalik ko, ngiting-ngiti na si Taehyung. Ano'ng problema niya? May nakain ba siyang inedible kaya ganyan siya? Charot.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid na niya ako sa bahay ko. "Bye!" sabi ko at papasok na sana nang hawakan niya ako sa braso ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong niya.

"Uhm... Thank you?" patanong na sagot ko. Nakita kong umiling siya kaya nag-isip ako ulit. "Take care?" tanong ko ulit.

Nagulat na lang ako nang bitawan niya ang kamay ko.

"Ayoko nang bumili ng mga love potions mo! Hindi naman yata effective, eh!" naiinis niyang sabi.

Napatanga naman ako. Bipolar ba 'tong taong 'to? Nilibre pa nga niya ako kasi ume-epek na daw. So, ano 'to?

"Pa'no mo naman nasabi? Sabi mo kanina-"

"Tell me, mahal mo na ba ako?" tanong niya na nagpalaki ng mga mata ko. Ano'ng konek?

"See? Hindi nga effective," sabi niya at sasakay na sana sa kotse niya nang pinigilan ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan..."

"Ikaw ang ginagayuma ko, mula noon pa. Mahal kasi kita, Jisoo. At gagawin ko ang lahat para maging akin ka."

Tungunu.

"Hindi mo naman kailangang gayumahin ako, eh. Sa'yo na ako eversince."

@waves🌊

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon