23

65 3 2
                                    

Jisoo x V - Bestfriend

Jisoo's POV

"Jisoo! 'Lika nga rito!" sigaw ng naiinis na lalake. Sinubukan kong pinigilan ang tawa ko. Baka mabatukan ako ng lalakeng 'yun 'pag nahanap niya ako. Bumibigat na ang paghinga ko pero hindi ko 'yun ininda. Patuloy pa rin ako sa pagsilip sa kanya mula sa butas ng lumang cabinet sa abandonadong building malapit sa'min.

"Kim Jisoo! Lumabas ka na! Patay ka talaga sa'kin!" pananakot niya. Huminga ako ng malalim. Okay lang 'yan, Jisoo, konting-konti na lang talaga, aalis na rin 'yan at makakaalis ka na rin dito. Pero hindi pa rin siya umaalis at mas lalo nang humihigpit ang hininga ko. Nang buksan niya ang cabinet ay bigla na lang umikot ang paningin ko at bumulagta sa harap niya.

Simula nang pangyayaring 'yun, hindi na ako pinayagan ni Mama na maglaro ulit sa labas. Sa loob ng kwarto lang ako lagi nakatambay kasama si Taehyung. Nakita ko siyang nakadungaw sa baba. May iba palang mga bata du'n na naglalaro rin.

"Ba't 'di ka sumali sa kanila?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa'kin.

"Ayoko. 'Di ko naman sila kaibigan, eh. Tsaka maiiwan ka ditong mag-isa," sagot niya habang nakatingin na ulit sa baba. Imbes na maging masaya ako sa naging sagot niya ay mas lalo lang akong nalungkot.

"Sorry, ah?" sabi ko. Nilingon niya ako at nakita kong nagtataka ang itsura niya.

"Eh, kasi feeling ko, dahil sa'kin kaya hindi ka na nakakalaro." Nakayukong sabi ko sabay salampak sa kama. Umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang likod ko.

"No, desisyon ko 'to, Jisoo. Hindi ako maglalaro kung hindi rin naman ikaw ang magiging kalaro ko." Napangiti ako ng todo sa sinabi niya. Parang biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Parang may kiliti sa tiyan ko na di ko maintindihan. Naglalaro na lang kami sa loob ng kwarto ko. Minsan, nagbe-beauty pageant pa kami ta's siya 'yung host pati na rin ang audience. Ang saya-saya ko kahit hindi ako lumalabas ng bahay.

Ngayon, highschool na kami. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero hindi na kami close tulad ng dati. Minsan, nagtatanguan na lang kami bilang pagbati, minsan wala lang talaga. Aaminin ko, na-miss ko 'yung pinagsamahan namin ni Taehyung dati. Sana nga, bumalik na lang kami sa pagkabata. 'Yung naglolokohan, nag-a-asaran, at nag-aaway. Hindi 'yung ganito. Parang stranger na kami sa isa't isa.

"Hey, babe!" Nagulat ako nang may humalik sa pisngi ko. Nakangiti kong nilingon si Suho. Kinurot ko ang ilong niya dahil sa panggigigil. Ang kyot kyot naman ng lalaking 'to!

"Hello!" nakangiting bati ko. Si Suho 'yung naging kaibigan ko nu'ng unti-unti nang umaalis si Taehyung sa buhay ko. Nag-confess siya sa'kin at sinagot ko siya agad kahit crush ko lang naman siya. Atleast, di ba? Baka ma-develop ang feelings ko sa kanya 'pag nagtagal na kami.

"Gutom ka na?" tanong niya. Sasagot na sana ako nang biglang may dumaing ng malakas. Napalingon tuloy ako du'n. Si Sana pala, nadapa tapos inaalaayan siya ni Taehyung. Ibinalik ko kaagad ang tingin ko kay Suho nang sulyapan ako ni Taehyung.

Ngumiti ako at tumango.

"Good. Tara sa canteen." Hinila niya ako at nagpatianod naman ako habang tawa ng tawa. Habang nag-o-order si Suho sa counter ay busy naman ako sa pagkalikot ng cellphone ko.

"Hey, p-pwede ka bang makausap?" Nag-angat ako ng tingin. Si Taehyung.

"Uhh. Bakit?"

"Layuan mo siya. Please." Sasagot na sana ako nang bigla siyang umalis. "Wala. Don't mind me." Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Ano'ng nangyari?

"Bakit nakakunot 'yang mukha mo, babe?" tanong ni Suho. Umiling lang ako tsaka ngumiti. Dinungaw ko ulit si Taehyung pero hindi ko na siya makita. "Babe, hindi ka ba susunduin ng Papa mo ngayon?" tanong niya na nakapagpabalik ng diwa ko.

"Huh? Hindi."

"Good. Hatid na lang kita, ha?" sambit niya. Kilala na naman siya nina Mama at Papa ko kaya okay lang na pumunta siya ng bahay. Ngumiti siya kaya automatic na napatango ako. Hindi ko talaga siya ma-hindian.

Mabilis lumipas ang oras, uwian na. Sinalubong ako ni Suho ng kiss sa cheeks pagkalabas ko ng room pero mabilis lang 'yun kasi may nagsalita sa likuran ko. "Tsk. D'yan pa talaga naglandian, oh. Tabi nga." Tinabig ako ng mahina ni Taehyung. Pero imbes na magsorry siya, si Sana na ang nagsabi. Dire-diretso kasi 'yun na naglakad paalis. Babanatan na nga sana ni Suho, buti na lang, napigilan ko.

"Babe, wait ka muna, ah? Magsi-cr muna ako." Tumango naman siya at pumasok sa room namin. Ako naman, nagmamadaling pumunta sa cr. Kanina pa masakit ang puson ko kaso natatakot naman akong i-angat ang kamay ko at mag-excuse kay Sir.

Nang matapos ako, lalabas na sana ako sa cubicle nang makita ko si Suho na pumasok din sa cr. "B-babe? Naiihi ka rin ba? Girl's cr 'to, eh." Kinakabahan na ako. Namamawis na ang dalawang kamay ko nang makita ko siyang dahan-dahang lumapit sa'kin. Mala-demonyo siyang ngumisi sa'kin.

Kinakapos na ako ng hininga. Ayoko talagang kinakabahan ako, kasi ganito 'yung nangyayari. Para akong tumakbo ng ilang milya sa bilis ng kabog ng puso ko. Naalala ko 'yung mga bata pa kami ni Taehyung, 'yung sa cabinet. Ganito ang pakiramdam ko. Pero magkaibang-magkaiba 'yun kasi kapag nandyan si Taehyung, alam kong ligtas ako mula sa panganib.

"Hi, babe," bati niya sabay dila sa ibabang labi niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang hita.
"Alam mo bang simula nu'ng una kitang makita ay pinagnasaan na kita?"

"Ngayon, matitikman na talaga kita."

"Hindi! Wag, please!" In-ekis ko 'yung dalawang braso ko sa dibdib ko. Ngumisi siya pero natigilan nang makarinig ng kalabog mula sa labas.
Mabilis siyang lumapit sa'kin at hinalikan ang leeg ko. Pinipilit ko siyang itulak pero hindi ko kaya. Mas malakas siya kesa sa'kin. Hinang-hina na rin ako kasi kinakapos na ako ng hininga.

"Tulonggg! Tulonggg, pleaseee!" Tumili ako ng tumili. Isang malakas ang kalabog ang narinig namin bago bumukas ang pinto ng c.r.

Pumasok si Taehyung na pawisan. Nang makita niya ang sitwasyon namin ay agad niyang sinugod si Suho. "Walangya kang gago ka! Pinagkatiwalaan kita!" Sinuntok niya ng sinuntok si Suho habang ako ay nakasiksik lang sa isang sulok. Tiningnan ko ang kamay ko, nanginginig ito.

"Sabi mo, aalagaan mo siya! Pvtangina! Ano 'to?! Nilayuan ko siya kahit ayoko kasi gusto kong maging masaya kayo tapos ito lang ang gagawin mo?!"

"Sana pala, hindi na lang ako nagparaya. Sana sinabi ko na lang sa kanyang mahal ko siya. Sana naging selfish na lang ako, masaya na sana kami ngayon! Gago ka!"

"T-t-taehyung, tama n-na..." umiiyak na sambit ko. Punong-puno ng dugo ang mukha ni Suho pero hindi pa rin siya tinitigilan ni Taehyung sa pagsuntok.

Kahit nanghihina ako ay lumapit ako kay Taehyung at yumakap galing sa likuran niya. "Mahal din kita," mahina kong sambit bago nawalan ng malay.

Inimulat ko ang mga mata ko. Andito ako ngayon sa hospital. Obviously. Nakita ko si Taehyung na nakatitig sa'kin. Nanlaki ang mga mata niya. "Jisoo! You're awake!"

"OA ka, Kuya! Tatlong oras lang naman natulog si Ate Jisoo. 'Kala mo naman, galing na-comatose si Ate," sabat naman ni Eunjin, 'yung kapatid niyang babae.

"But, still..." Ang kaninang worried niyang mukha ay napalitan ng ngisi.

"Bakit?" tanong ko.

"I remember what you've said earlier," nakangisi niyang sabi.

Ano'ng sinabi ko kanina? Wala akong matandaan.

"You love me, right?"

"Oo, matagal na." Natigilan si Taehyung sa naging sagot ko. Parang di siya makapaniwala sa narinig niya. Ngumisi lang ako.

I'm happy, sa wakas, nakapag-confessed na rin ako sa bestfriend ko.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon