10

124 6 0
                                    

Lisa x Jungkook - Picture To Burn

"Lisa, hindi ka pa ba papasok? Nilalamok ka na, oh!" aya ni Jisoo sa'kin. Umiling lang ako bilang tugon habang tinitingnan ang drum na may lamang mga damit na sunog. Napangiti ako habang inaalala kung ano'ng nasaksihan ng damit na 'yan sa buhay ko. Ilang sandali ay naramdaman kong basa na ang pisngi ko. Lumuha na pala ako.

That dress was a gift from Jungkook. Binigay niya 'yan sa'kin nu'ng time na nililigawan pa niya ako. Mapakla akong tumawa. That jerk. He promised me something that he didn't even bother to fulfill!

Asa'n 'yung 'forever' na sinasabi niya?! Kung pwede ko lang ipakain sa kanya 'yung mga promises at mga pambobola niya sa'kin, matagal na siyang busog. Tsk.

Binuksan ko ang kahon na kanina ko pa hawak-hawak. Mga pictures naming dalawa ang laman nito. Lahat ng mga kakwelahan na'min, mga dates, monthsarries, at kung ano-ano pa. In just one mistake, all of that turned into ashes. Oras na siguro para pati ito ay gawin ko nang abo.

Itatapon ko na sana ang mga pictures namin sa drum nang biglang may humawak sa kamay ko para pigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. His face, scent and the warmth of his hands... all of those never really changed.

His eyes darted to the box I was holding. "Susunugin mo rin ba 'yan?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot.

Kinuha niya ang box mula sa'kin at tiningnan ito. "C-can I keep it instead? It really hurts seeing you burning the things that reminds you of me," he stated like he was so devastated. Wow. Galing um-acting ni ugok.

"Ano bang paki mo?" Binawi ko ulit ang box at akmang itatapon na sa drum nang bigla niyang tabigin ang kamay ko. "Hey, ano ba?!"

"I'll keep it kesa naman sunugin mo," sabi niya.

Sarkastiko akong tumawa. "Bakit? Nasasayangan ka ba sa perang ginastos mo para d'yan? O ibibigay mo pa 'yan kay Tzuyu?" tanong ko. I smiled at him wryly. "Gusto niya ba ang mga basura? Ano'ng gagawin niya sa pictures na'tin? Gagawing collage?"

Nakita kong bumuntong-hininga siya.

"I see, you never changed your point of view about us," he said in a monotonous voice. "Can you please hear me out?"

"At ano namang i-e-explain mo, aber? Kung gaano kasarap humalik si Tzuyu kesa sa'kin? Or even much worsen than that?! Did you just court me to become your trophy-girlfriend?" Napataas na ang boses ko. Sinulyapan ko saglit si Jisoo na sumilip sa'min mula sa bintana ng kanyang kwarto.

"No. Hindi! I told you to hear me out. I want you to know that Tzuyu and I has no romantic relationship. Mag-classmate lang kami," he explained.

"Talaga? Mag-classmate lang kayo?" I assured and he nodded.

"What if I'll kiss Bambam, too, and I'll tell you that he's just my classmate?" tanong ko. Nakita kong napakuyom siya ng kanyang kamao at tumitig ng matalim sa'kin.

"Subukan mo lang. Talagang hindi na sisikatan ng araw ang "classmate" mong 'yan!" he threatened.

Napangisi ako. "Lay a finger on him or I'll chase you with a knife on my hand," balik-banta ko sa kanya. How dare he threatened me?!

"Go on. I'll accept it with wide-arms open," he smiled at me.

Napangiwi naman ako. I can't believe I've fallen into his vainnesses. Ito ba talaga 'yung pinatulan ko noon?! It's so gross.

"Ano ba talagang ginagawa mo dito, ha?! Nananahimik na ako, eh!" I asked, raging in anger. Napakuyom din ako sa kamao ko at anytime, ready'ng-ready na akong padapuin 'to sa mukha niya. I'll make sure that he'll get a sweet black-eye from me.

Napayuko siya at nanahimik ng ilang segundo. He, then, darted a serious glance at me. "I'm here because I missed you and I'm hoping for a second chance from you. I hope you'll forgive me. Sana maayos na'tin 'tong gulong 'to."

Ako naman ngayon ang napatahimik. Napatingin ako sa box na hawak ko ngayon at inalala ang mga moments na magkasama kaming dalawa. "A-are you really sure na hindi naging kayo ni Tzuyu?"

"Oo nga. Hinipan niya lang ang mata ko nu'ng time na nakita mo kami. Napuwing kasi ako noon."

"Sige, I'll forgive you. But in two conditions," sabi ko sabay ngiti ng mataray sa kanya.

"Huh? Bakit two? 'Di ba dapat one lang 'yun?" tanong niya habang kinakamot ang ulo. Napairap naman ako.

"May angal ka?" tanong ko.

Agad naman siyang ngumiti at umiling. "Wala... wala. Hehehe."

"Good. The first condition is, liligawan mo ulit ako. Prove yourself that your worthy for my second chance."

Napangiti naman siya. "That's easy, babe." Akmang hahalikan niya ako sa pisngi nang batukan ko siya. "Aww. Para sa'n 'yun?" tanong niya.

"Para 'yan sa limang buwan na pag-iyak ko sa'yo," I said, annoyingly.

Magki-kiss na sana kami nang maramdaman kong may maligamgam na tubig na bumuhos sa buong katawan ko. Pagmulat ko sa mga mata ko, nakita ko si Jisoo na nakasimangot na nakatingin sa'kin. "Ma-le-late ka na, bugok!"

"Argh! Jisoo naman, eh! Mag-ki-kiss na kami ni Jungkook!" pagmamaktol ko.

"Hanggang sa panaginip ka lang dahil hinding-hindi ka ika-crushback ng Jungkook mo!" sigaw niya at padabog na umalis ng kwarto ko.

Ang beastmode ni Jisoo ngayon, ah? Nabasted lang ni Taehyung, nagkaganyan na siya.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon