25

74 4 3
                                    

Jisoo x V - That Unknown Feeling

Gumising ako na may mabigat na pakiramdam. Nakakatawa lang. Ilang buwan na nga ba akong ganito? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko, nagsimula ang pakiramdam kong 'to nang iwan ako ni Taehyung. Para bang may hinahanap ako pero wala naman. Parang may kulang sa pagkatao ko.

Bumangon ako at tiningnan ang itsura ko sa salamin. Pinilit kong iningiti ang sarili ko. Hindi ko maintindihan ang mga tao kung ba't nananatili pa rin silang nakangiti kahit sobra na silang nasasaktan sa loob-loob nila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Jisoo! Gising ka na pala! Kumain ka muna!" nakangiting sambit ni Mama. Tulad niya. Nakangiti siya sa'kin kahit alam kong malungkot pa rin siya dahil sa biglaang pag-iwan ni Papa sa'min. Namatay siya dahil sa lung cancer at kitang-kita ko kung pa'no gumuho ang mundo ni Mama. Nu'ng bata pa ako, akala ko, puro saya at pagmamahal lang ang namamayani sa mundo. May nakalimutan pa pala ako. Hate, greed, and sadness.

Sadness. That's what I am feeling right now.

"Salamat po," sabi ko nang bigyan niya ako ng kutsara at plato. Nang matapos na akong kumain ay naligo na ako at pumasok sa school.

Wala namang kakaibang nangyari ngayong araw. Aside sa nakita ko na naman ang ex kong si Taehyung. Ang gago kong ex na iniwan ako sa loob ng isang madilim na sulok ng kwarto at wala man lang clue na binigay kung pa'no ako makakalabas sa kwartong 'yun.

"Class, since you are all graduating, we will have a 2-day camping sa Kawayan Forest. This will serve as remembrance on your last day here in Boseok High. I hope you can come." Binigay ni Ma'am, isa-isa sa'min ang waiver. Napasulyap ako kay Taehyung na seryosong binabasa ang waiver. Napalunok ako at sinuksok sa notebook 'yung papel. Hindi na nagdiscuss si Ma'am at dinismiss kami agad.

Sinukbit ko kaagad ang bag ko at lalabas na sana nang magsalita si Taehyung. "Wag ka nang sumama, Ji."

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin rin siya sa'kin ng seryoso. Tumikhim ako bago nagsalita. Baka kasi, pipiyok na naman ako katulad nu'ng nangyari no'n na kinausap niya ako.

"Wala kang pakialam kung sasama ako o hindi." Sinubukan ko siyang tingnan ng matagal pero 'di ko kaya. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Habang patagal ng patagal ang pagtingin ko sa kanya, mas lalo lang sumasakit ang dibdib ko.

"I'm just concern—" Natigilan siya sa sinabi niya. Pati ako rin. Nanlalaki ang mata ko at nanginginig na ang kamay ko pero sinubukan ko paring maging kalmado.

"W-wala kang karapatan." Tumakbo ako paalis matapos kong sabihin 'yun. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang may tumulo na namang luha sa mga mata ko. Kinapa ko ang parte kung nasaan ang puso ko. Kailan ka ba makaka-move on sa kanya, Jisoo?

Gustong-gusto ko. Ayoko nang maging miserable nang dahil sa kanya. Pero kahit ano'ng gawin ko, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Ewan ko, parang may pumipigil sa'kin na kalimutan siya. Parang pinipigilan ko ang sarili ko. Pwede ba 'yun? Gusto kong magmove-on pero sarili ko mismo ang pumipigil para hindi mangyari 'yun? Baliw na 'ata ako.

Nang sabihin ko kay Mama ang tungkol sa camping, wala ng tanong-tanong, pumayag siya kaagad. "Kailangan mo 'to, anak." Ngumiti siya at iniwan akong mag-isa sa sala. Kailangan? Pa'nong kailangan? Para ba makapag-unwind? Hahaha. Pa'no ko 'yun magagawa kung nandu'n din '𝘴𝘪𝘺𝘢'?

Nag-impake ako ng ilang damit para sa camping. Isasara ko na sana ang bag ko nang maalala ko na naman ang sinabi ni Taehyung. Ayaw niya akong pasamahin? Bakit? Kasi ayaw niyang makita ko siya kasama ang bago niyang girlfriend na naglalandian? Well, wag siyang mag-alala. Wala akong pake. Wala nga ba? Susubukan kong mawala ang pake ko sa kanya. Hirap. Hahaha.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon