9

129 6 0
                                    

Jennie x Suga - Let Go

"Yoongi-yah! Date naman tayo bukas! Matagal-tagal na rin tayong hindi lumalabas, eh," ngiting-ngiting sabi ko. Andito kami ngayon sa garden ng school namin. Kanina pa nagsilabasan ang mga kapwa namin estudyante pero andito pa kami, tumatambay.

Itinaas niya ang kamay niya para pahintuin ako sa pagsasalita. Napatingin ako sa phone na hawak niya. Nag-ri-ring 'yun. Pinindot niya 'yun. "Hello, brad? Oo, oo, pupunta ako. Oo nga. Gagi! Sige na, bye!"

"Ano nga ulit 'yung sinasabi mo, babe?" tanong niya at ngumiti sa'kin.

"A-ahh. Aayain sana kitang makipagdate, pero mukhang may lakad ka na, eh," sabi ko at yumuko.

Bigla niya na lang pinisil ang ilong ko. "Suuus. Nagtatampo ka ba?" Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Mag-de-date tayo bukas. As you wish, my queen."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Promise mo 'yan, ah? Pero pa'no 'yung lakad niyo ng mga barkada mo?" tanong ko.

"Uhm, pwede bang sa hapon na lang kita susunduin? Maglalaro daw kami nina Jungkook sa internet café bukas ng umaga, eh," dahilan niya. Base sa mukha niya, mukhang nag-lo-look forward talaga siya du'n. Ayoko namang pigilan siya. Baka mag-away pa kami at magka-tampuhan.

Tumango na lang ako.

"Salamat. Napaka-understanding mo talaga, babe." Niyakap niya ulit ako at paulit-ulit na hinalikan ang buhok ko.

Ngumiti na lang ako.

"Tara na. Uwi na tayo," aya niya. Inalalayan niya ako patayo at inakbayan papunta sa gate. Kinuha niya ang dalawang helmet at nilahad sa'kin ang isa. "Ihahatid na kita sa inyo."

Pagkarating namin sa bahay namin, hinalikan ko kaagad siya sa pisngi. "Thanks, babe. Bye, ingat ka, ha? I love you," sabi ko. Tumango lang siya at pinaharurot ang motor niya.

Nang hindi ko na siya makita ng dalawang mata ko, masaya akong pumasok sa bahay namin. Yehey! Mag-de-date kami bukas! Inasar pa nga ako ni Kuya Namjoon na nababaliw na raw ako. Hahaha. Inggit lang 'yun. Wala kasing jowa.

Ni-ready ko na ang susuotin ko para bukas ng hapon. Saan kaya kami pupunta? Hmm. Baka sa amusement park. Mas mabuti kung 1 inch above-the-knee lang na dress 'yung susuotin ko. Pero, mas mabuti kung floral dress 'yun.

Maaga akong natulog. Nagising na lang ako sa sinag ng araw. Napangiti ako. Today's a special day! Nag-concert pa ako habang naliligo. Kailangan ko pang mag-beauty rest mamaya.

"Hi, Kuya! Good morning!" bati ko kay Kuya Namjoon na kumakain na sa dining area. Wala sina Mom, baka nasa business trip na naman.

"Good morning, dongsaeng. Kain ka na," aya niya at pinagsandok pa ako ng konting kanin.

Umupo ako at nagdasal bago kumain. I'm very happy talaga today! Ngiting-ngiti nga ako habang kumakain. Bakit ba?! Ganito talaga ako kapag nag-de-date kami ni Yoongi which is pangatlong beses lang nangyari.

Nagbeauty-rest ako ng mga dalawang oras bago mag-alas kwatro. Tinext ako kanina ni Yoongi na 4:30 niya raw ako susunduin. Sinuot ko 'yung floral dress na hinanda ko kagabi. Oh my, buti na lang talaga't kasya pa sa'kin 'to. Favorite ko kasing dress 'to, eh. Bigay 'to sa'kin ni Yoongi nu'ng unang date namin sa mall.

Hinintay ko siyang dumating pero wala akong naririnig na tunog ng motor sa labas ng bahay namin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.

Me: 𝙱𝚊𝚋𝚎? 𝙰𝚜𝚊'𝚗 𝚔𝚊 𝚗𝚊?

Ilang minuto ay sumagot siya. Ma-le-late daw siya kasi nag-aya pa ng isang game sina Jungkook.

Me: 𝙰𝚑𝚑, 𝚜𝚒𝚐𝚎. 𝙰𝚊𝚗𝚝𝚊𝚢𝚒𝚗 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚔. 𝙷𝚎𝚑𝚎𝚑𝚎.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon