11

137 10 1
                                    

Jisoo x V - Notice Me

Jisoo's POV

"Hi, crush!" bati ko kay Taehyung pagkapasok niya sa room namin. Ngumiti ako at kumaway sa kanya pero wala siyang sinabi.

He just stared at me as if I was some sort of stone. Bigla niya na lang iniwas ang tingin sa'kin na para bang wala siyang nakita.

Narinig ko ang hiyawan ng mga loko-loko kong kaklase. Niyakap pa ako ni Lisa at humagulgol ng iyak. Ang sarap niyang batukan. Pramis. "Condolence sa heart mo, Jisoo. Pang-ilang beses na ba 'yang namatay? Ang tatag, ah?"

Inirapan ko siya at nilingon si Taehyung na busy'ng-busy na ngayon sa pag-i-i-scan sa notebook. Grabe. Allergic ba siya sa mga cute? Ako lang 'ata ang iniiwasan niya sa mga classmates namin.

"Crush, 'hi' ka naman para hindi ako mapahiya," sabi ko. Nilakasan ko na nga pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Confirmed. Allergic nga siya sa mga cute.

Naghiyawan ulit ang mga kaklase ko dahil sa pag-ignore ni Taehyung sa'kin pero napahinto agad sila nang pumasok si Sana. Lumapit siya at bumati kay Taehyung.

At ang taksil na lalake, ngumiti rin pabalik.

"'Eto pala 'yung notebook na hiniram ko kahapon. Salamat, ah?"

And what shocks me the most is... she kissed him. She freakin' kissed him! Oo na. Kahit na sa pisngi lang 'yun, hindi pa rin pwede. Hindi na virgin ang cheeks ni crush! Huhuhu. Ako dapat 'yung first, eh. Yawa.

Inabutan na lang ako ni Lisa bigla ng ballpen. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Para saan 'to?"

"Isaksak mo na. Dapat sa dibdib, ah? Para matuluyan na agad." Nilagay niya ang ballpen sa kamay ko at tinulak-tulak ako.

Nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad palapit sa dalawa na masayang nag-uusap. Tiningnan nila ako pero agad na nag-iwas ng tingin sa'kin si Taehyung. Si Sana naman, nginitian pa ako. "Hi, Jisoo! May kelangan ka?" she asked cheerfully.

I raised my hand. Pinakita ko ang ballpen kay Sana. "Ah, eh, baka kasi kelangan mo ng ballpen," palusot ko. Nilingon ko si Lisa at nakita kong nakasimangot lang siya sa'kin.

"Sorry, hindi, eh." She smiled at me. Bahagya niya pa akong tinulak-tulak. Halatang ayaw niyang makaistorbo sa kanilang dalawa. Edi kayo na!

I scratched my head and walked towards Lisa. Just as I expected, she slapped the back of my head.

"Ang hina mo, 'noh? Asa'n 'yung nag-u-umapaw na confidence mo kanina?" tanong niya na parang nanunumbat pa. She even put her two hands on her hips. Bigla niya na lang akong hinila palabas ng room.

"Hoy, sa'n tayo pupunta? Malapit na magstart 'yung klase, ah? Magka-cutting ba tayo?"

She smiled mischieviously at me. "You'll know."

Tiningnan ko ang kabuuan ng lugar na pinagdalhan sa'kin ni Lisa. May mga nakahilerang mga computer at may headphones pang kasama. Wala masyadong tao ang computer shop. Siguro, mga isa o dalawa lang kaya sobrang tahimik.

"Ano'ng ginagawa na'tin dito?" tanong ko.

"Slow ka ba o sadyang bulag ka lang talaga?" she replied sarcastically. Ipinaghila niya ng upuan ang sarili niya at nag-open na ng PC. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Uupo ka o babaliin ko 'yang paa mo?"

'To naman! Ang harsh niya, ha? Kaibigan ko ba talaga siya?

Nang makapag-open ako ng PC ko, agad siyang nag-Google ng kung-ano. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang s-in-earch niya.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon