19

69 5 5
                                    

Jisoo x V - Rooted On The Ground

V's POV

"Boy, bawal ka dito," saway sa'kin ng isang pulis. Naglakad siya papunta sa direksyon ko. "Wala ka bang bahay?" tanong niya sa'kin.

"Meron po," sagot ko.

"Eh, ba't 'di ka umuwi? Delikado dito. Sige na," sabi niya.

"May hinihintay po kasi ako, sir," dahilan ko.

Tinitigan niya ang tent na pinaghirapan kong i-set up kanina na nasa likuran ko. "Kailangan ba talaga 'yan? Kailan daw ba darating 'yang hinihintay mo?"

Ngumiti na lang ako. "Actually, hindi ko po alam kung darating pa ba siya," panimula ko. "Pero, kaya ko pong maghintay kahit na abutin po ako ng isang buwan."

Kumunot 'yung noo niya. Mukhang 'di gets 'yung sinabi ko. "Naglayas ka, 'noh?" tanong niya. "Ano'ng cellphone number ng magulang mo? Tawagan ko lang."

"Alam na po nila na nandito ako."

Mas lalong kumunot ang noo niya.

Pumasok ako sa tent ko at may kinuha. Binigay ko sa kanya ang isang printed picture at isang origami. "Mamang pulis, 'pag nakita niyo po siya, pakibigay na lang po 'yang origami. Pakisabi na rin po na miss na miss ko na siya."

Parang na-gets naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumango siya. "O'sige, boy, bibigyan kita ng dalawang linggo para tumambay dito, pero kapag hindi pa rin siya nagpakita sa'yo, umuwi ka na sa inyo. Maliwanag ba?"

Tumango na lang ako. "Opo."

Naglakad na siya paalis. Sumipol pa siya. "Hay, pag-ibig nga naman."

Pumasok ako sa tent ko at nagpatuloy sa paggawa ng origami.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to, kung pwede namang tawagan ko na lang siya at papuntahin dito. Effort na effort ba? Ewan. Nahihiya kasi ako. Ako 'yung nakipaghiwalay sa kanya, tapos ako pa 'tong gustong-gusto siyang makita.

Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko ang gutom. Agad akong nag-init ng tubig tsaka nilagay 'yun sa cup noodles. Ito na rin 'yung magiging hapunan ko ngayong gabi. Pero, temporary lang naman 'to. Kapag nakita ko na si Jisoo, babalik din naman ako agad sa bahay.

"Dre," narinig kong may tumawag.

Napatigil ako sa pagkain ko at binuksan ang tent. Nakita ko sa labas si Jungkook na may dalang maraming cup noodles.

Napangiti ako. "Ikaw pala."

Hindi niya nagawang ngumiti. "Kailan ka uuwi sa bahay niyo?" tanong niya. Inabot niya ang isang cellophane sa'kin.

"Hindi ko alam."

Natahimik kaming dalawa.

"Pasok ka," aya ko.

Hindi siya sumagot.

"Hanggang kailan mo gagawin 'to?" tanong niya. "Parang dahan-dahan mo na ring pinapatay ang sarili mo, alam mo ba 'yun?" naiinis na dagdag pa niya.

"Wala akong magagawa."

"Meron, dre. Kailangan mo nang mag-move on kay Jisoo. May iba na siya," saad niya. "Nakita ko sa fb 'yung mga selfies nila ng bagong boyfriend niya. Taehyung, maawa ka naman sa sarili mo."

Para akong binging walang narinig.

"Kung sana nga, pwede kong gawin 'yun, Kook." Tinuro ko ang bandang puso ko. "Nakikita mo 'to? Siya pa rin kasi. Siya pa rin ang dahilan kung bakit tumitibok 'tong mahinang 'to."

"Ang sabi ng doctor, isang buwan na raw ang natitira sa'yo, pero hindi pa sure 'yun. Pwede ka pa ring... m-mabawian ng buhay anytime." Nanginginig na ang boses niya. "Bakit hindi mo sayangin ang isang buwan na 'yun kina Tita? Sa'min na mga kaibigan mo?" naiiyak na tanong niya.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon