2

226 6 4
                                    

Lisa x Jungkook - Crush

Lisa's POV

"Hoyyy! Bruha ka! Akin na 'yung suklay ko!" inis na sigaw ko kay Jennie. Tiningnan niya lang ako at inirapan bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ang aga-aga, binabasag mo agad ang eardrums ko," reklamo naman ni Jisoo na nagbabasa ng libro.

Hindi ko siya pinansin. Hinarap ko ulit si Jennie na patuloy lang sa pagsuklay ng buhok niya. "Hoy, bilis na! Mamaya niyan, magpakita si Jungkoo-"

"Sinong magpapakita?" Napasulyap ako sa pintuan ng room namin at nakita ko si Jungkook na papasok. Agad kong tinakpan ang mukha ko.

"Oh? Bakit ka nagtatakip?" tanong niya. Nang-aasar na naman ang loko. Pasalamat siya't crush ko siya, kundi kanina ko na siya nasuntok.

"'Wag mo 'kong tingnan," utos ko. Hinablot ko ang suklay ko mula kay Jennie gamit ang isang kamay ko habang nakatakip pa rin 'yung isa sa mukha ko. Dali-dali akong lumabas ng room at nagpunta ng c.r.

Mayghad. Ang gulo ng buhok ko. Tapos 'yung bangs ko... nakaka-depress. Huhuhu.

Bruha talaga 'yung Jennie na 'yun. Napakapahamak. Ilaglag ko kaya siya sa crush niya? Hmp!

Bumalik ako sa classroom namin. Buti na lang, hindi pa dumating 'yung teacher namin. Nangopya muna ako kay Chaeyoung ng assignment bago pa-chill na umupo sa seat ko.

Ilang sandali ay pumasok si Ma'am. Bad mood na bad mood-ayy, teka. Palagi nga pala siyang bad mood, 'noh?

"Class!" Binagsak niya ang dalawang kamay niya sa mesa. "What is our lesson yesterday all about?"

Ayy. Nag-reminisce na naman ang isa pang bruha. Napa-irap na lang ako.

"About Epigram, Ma'am," tamad naming sagot.

"Did you do your assignments?" tanong niya.

"Yes, Ma'am."

"Okay. Pass that infront. For now, I want someone to answer my question." Inilibot ni Ma'am ang mga mata niya at nanginig ang tuhod ko nang huminto 'yun sa direksyon ko.

Ngumisi siya ng mala-demonyo. "Miss Manoban, what is Epigram?"

Ahh! Bruha! Pa'no na 'to? Nangopya nga lang ako kay Chaeyoung sa assignments ko ta's ako pa ang tatawagin niya? Omg. How to kalma, guisses?

Dahan-dahan akong tumayo. "Uhm, Epigrams is... a-are... short-"

"Halatang nangopya ka lang, Miss Manoban, ah?" aniya habang binubuklat ang assignment ko.
Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Ma'am, you don't need to shame her!" Tumayo si Jungkook.

"I'm not shaming her, Mr. Jeon. I'm just stating a mere fact." Tiningnan ako ni Ma'am. "Palibhasa, puro pagpapaganda lang ang alam."

"MA!" inis na sigaw ni Jungkook.

Oo. Mama ni Jungkook ang teacher namin. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikainis 'yun. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako na lang palagi ang napag-iinitan niya.

'Di ko maiwasang mapaluha. Kinuha ko ang bag ko at dumiretsong lumabas ng room. Dumiretso ako sa c.r. at du'n nag-iiyak. Nagtagal ako du'n hanggang sa nagring na 'yung bell. Hudyat na recess na. Lalabas na sana ako ng c.r. nang biglang 'yung bumukas.

Pumasok sina Jisoo na may dalang mga pagkain. "Ayos ka lang, Lisa?" tanong nila. Ngumiti lang ako.

"Bakit kaya ayaw niya sa'kin, 'noh?" tanong ko.

"Nino?" tanong ni Chaeyoung.

"Ni Ma'am Jeon," sagot ko.

Natahimik sila.

"Ewan. Siguro alam niyang crush mo ang anak niya kaya ganu'n mag-react," tumatawang ani ni Jisoo.

"H'wag mo siyang intindihin! Ipakita mo sa kanyang karapatdapat ka bilang daughter-in-law niya!" sabi naman ni Chaeyoung.

"O di kaya, change crush ka na lang," suggest naman ni Jennie. Binatukan naman siya ng dalawa. Natawa na lang ako ng mahina.

"Balik muna ako sa classroom, ah? Ibalik ko muna 'tong bag ko." Tumango naman sila.

Papasok na sana ako nang makarinig ako ng mga boses. Sina Ma'am at si Jungkook. Ano naman kayang pinag-uusapan nila?

"Alam mo? Ang hina mo," sabi ni Ma'am sabay sapo ng ulo niya. "Ngayon, mag-iisip na naman ako ng paraan niyan."

"Sorry na po," malungkot na sabi ni Jungkook.

Hala. Family problems? Kaya pala laging galit 'tong si Ma'am. May problema pala. Aalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi pa ni Ma'am.

"Gumalaw-galaw ka kasi. Baka maunahan ka pa. Baka magkagusto na 'yun sa iba," problemadong saad ni Ma'am.

May nagugustuhan na si Jungkook? Parang sumikip ang dibdib ko sa narinig ko. Kung gano'n, wala na pala talaga akong pag-asa. Tsaka, mukhang supportado pa siya ni Ma'am sa babaeng 'yun. Sanaol.

"Kung i-lock ko kaya kayong dalawa dito sa room?" suggest ni Ma'am.

Napasinghap ako. Hala. Ang wild pala ni Ma'am.

"Ma..."

"Anak. Kung palagi kang torpe, talagang wala ka nang pag-asa sa babaeng 'yun. Naawa na nga ako sa kanya. Palagi ko na lang nasusungitan. Balita ko pa naman, maraming nagkakagusto kay Manoban."

Omg. Ako ba ang tinutukoy nila o ka-apilyedo ko lang?

Bigla akong nanlambot at napatumba mula sa pagkakasandal. Nilingon ko ulit sila at nakita kong nanlaki ang mata nilang dalawa. Para silang na-sementong dalawa.

"N-narinig mo ba, hija?" tanong ni Ma'am sa'kin.

Dahan-dahan akong tumango. Siniko ni Ma'am si Jungkook na nakahawak lang sa batok nito. "A-ahh... ano... I like you, Lisa."

"I like you, too. J-jungkook."

Nanlaki na lang ang mata naming dalawa nang sunod naming narinig ang paglock ng pinto ng room. "Bye! Gusto ko ng limang apo! Goodluck!"

-waves🌊-

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon