18

74 7 0
                                    

Jisoo x V - At the Music Room

Jisoo's POV

Nagulat na lang ako nang biglang hablutin ni Chaeyoung ang headset ko at pinakinggan ang music. Nalukot 'yung mukha niya. "Eww. Ang pangit talaga ng taste mo sa music. Seriously? Debussy?"

Natawa naman ako. "Ano pa ba ini-expect mo? Eh, sa makaluma akong tao."

"Why don't you try to stan Blackpink?" suggest naman ni Jennie na tahimik lang na kumakain ng fries.

"Ano 'yun?" tanong ko.

Humalakhak si Lalisa. "Hoy, teh! Galing ka ba sa kweba? 'Di mo kilala 'yung Blackpink? Sila kaya 'yung pinakasikat na kpop girl group, hindi lang dito sa Korea, kundi worldwide."

"Ahh," sagot ko.

Binatukan niya ako. "Wow, you're welcome, ha?"

"Kumain na nga lang kayo. May thesis paper pa tayong gagawin mamaya," saway ni Jennie na nag-aayos na sa mga kalat niya.

Nang matapos kaming kumain, dumiretso kami sa room ni Mr. Klein. I-pe-present pa namin 'yung topic na napag-usapan namin para sa thesis kahapon. Kapag na-approve, eh 'di magsisimula na kami, kapag hindi, eh 'di hanap na lang ng iba. Sa susunod na buwan pa naman ang pasahan kaya, oks lang.

"Chaeyoung, Jisoo, maghintay na lang kayo sa library. Kaya na namin ni Lisa 'to." Tinulak-tulak kami ni Jennie paalis.

"Jisoo-yah, mauna ka na sa library. May pupuntahan lang ako," sabi ni Chaeyoung sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

Tinitigan ko siya. "Canteen na naman, 'noh?"

She smiled at me sheepishly. "Saglit lang naman. Hahaha. Byieee!"

Napailing na lang ako bago nagpatuloy maglakad sa madilim na hallway papuntang library. Nasa dulo pa 'yun kaya madadaanan ko pa ang Music Club na abandonado na.

Nagtayuan ang balahibo ko nang ma-feel ko 'yung malamig na hangin. Parang humaplos 'ata sa batok ko. Shete. Ano ba 'yan. Nilakasan ko ang loob ko.

May kumakalat pa namang balita na haunted na daw 'yang Music Club na 'yan. Bigla-bigla daw tumutunog 'yung piano sa loob ng room kapag alas-dos daw ng madaling araw, sabi ng school guard. Tapos walang tao. Grabe.

Naku, Jisoo. Tinatakot mo na naman ang sarili mo. Mamaya mo na lang 'yan isipin 'pag nakalampas ka na sa Music Club, okay?

At ayan na nga. Ilang hakbang na lang, malapit na ako sa sinasabi nilang haunted na room.

Nag-sign of the cross muna ako bago nagpatuloy.

Ilang hakbang na lang, Jisoo. Kaya mo 'yan. Nanginginig 'ata 'yung tuhod ko. Parang jelly na sa sobrang lambot.

Ngingiti na sana ako kasi nalampasan ko na 'yung room na 'yun nang may marinig ako. Isang piano. Napahinto ako. Mas lalong nagtayuan ang mga balahibo ko.

Akala ko ba alas-dos ng umaga tumutunog 'yung piano na 'yun? B-bakit...?

Kahit takot na takot, umatras ako at lumapit sa pintuan ng room. Hindi ito naka-lock kaya marahan ko itong tinulak bago sumilip sa loob. Ni-ready ko na lang ang sarili ko. Baka kasi may biglang magpakita sa harapan ko.

Pinikit ko ang mga mata ko bago bumuntong-hininga. Tsaka ako dahan-dahang nagmulat.

And no.

Walang multo o kahit anong manananggal ang nagpakita sa harap ko.

Hindi siya multo, kundi tao. At naka-uniform pa ng uniform namin.

Patuloy lang siya sa pagpapatugtog ng piece ni Yiruma-sunbaenim na 'River Flows in You'. Feel na feel niya 'yung melody kaya 'di na niya napansin na may nanonood na pala sa kanya dito. Muntik na nga akong mapa-palakpak.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon