Jisoo x V - Vocalist
Jisoo's POV
"Sheez naman, Jisoo," reklamo ni Chaeyoung. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko tsaka bumulong. "Ano'ng ginagawa na'tin dito? Alam mo namang ayoko sa mga ganitong enclosed space na crowded." Napakapit pa siya sa braso ko.
"Saglit lang tayo dito. May titingnan lang ako," balik-bulong ko.
"Ano bang titingnan mo dito? Live show?" tanong niya at napatakip ang mata nang may makita nga siyang dalawang taong nagme-make out sa may bar counter. "Sheez, tara na. Daming makati dito." Muntik na siyang mapa-sign of the cross.
"Wait lang, 'wag kang magulo," saway ko. Niyugyog ko ang balikat niya. "What the pakshet! Ayan na sila!"
Hinila ko siya sa isang tabi kung sa'n medyo kalayuan sa mga tao, pero malapit-lapit na rin sa stage.
Halos mahimatay na ako sa kilig nang makita ko na naman ang gwapong mukha ng vocalist. Oh my. Ba't ba pa-glow up ng pa-glow up ang isang 'to. Wala 'ata sa vocabulary niya ang salitang panget.
"Ha? 'Yan 'yung sinasabi mong crush mo?" tanong ni Chaeyoung sa'kin.
"Oo, 'yung vocalist. Sa'kin 'yan, ah? Hanap ka na lang ng iba," sagot ko.
Natawa naman siya. "Sure."
Nang umakyat na ang banda nila sa mini stage ng bar, mas dumoble 'ata ang ingay sa loob. Mukhang parami ng parami rin ang fans club nila. Nilibot ni Taehyung ang paningin niya tsaka siya bumati. "Good evening po. We're the In Between band and we're here to serenade the night."
Nagulat na lang ako nang bigla siyang napatingin sa gawi namin. Like pakshet, ang bilis ng tibok ng puso ko! 5 seconds siyang napatingin sa'min! Gagi. Solve na 'ko du'n.
"Chae, sampalin mo nga ako," bulong ko.
"Ha? Bakit naman?"
"Baka kasi nananaginip lang ako, eh," sagot ko. "Tumingin ba talaga siya dito?"
"Hindi ko napansin, eh," sagot niya.
Inirapan ko lang. Panira ng moment 'tong isang 'to. Grabe, so ako lang nakakita na napatingin siya dito sa'min? Pakshet. Sige, nag-de-daydream nga talaga 'ko. Hahaha. Asa pa kasi, Jisoo.
"We'll start with the song 'Araw-araw' by Ben&Ben." Ngumiti siya at binalingan ang mga ka-members niya para senyasan.
Throughout the song, sa kanya lang talaga ako nakatingin. Okay na kahit hindi siya lumilingon dito sa pwesto namin. Marinig ko lang ang boses niya ngayong gabi, parang makakatulog na ako ng mahimbing.
Pagkatapos ng gig nila, hihilahin ko na sana si Chaeyoung pauwi pero ayaw pa ng gaga. "May hihintayin pa pala ako dito, mauna ka na," sabi niya sabay ngiti sa'kin.
Suspicious 'tong Chaeyoung na 'to. Parang may tinatago sa'kin, eh. Nagkibit-balikat lang ako at pumara ng taxi. Nang makasakay na ako, lilingunin ko na sana si Chaeyoung para magba-bye pero may lalaking biglang yumakap sa kanya galing sa loob ng bar tsaka sila pumasok du'n ng sabay.
Sabi ko na, eh.
May jowa pala siyang tinatago sa bar na 'yun. Kaya pala pinapauna niya akong umuwi kasi mag-be-bebe time muna sila?
Napangisi ako.
Next time, huhulihin ko kayo sa akto.
Sabado na ulit. Excited na ako. Makikita ko na ulit si crush, at matutuloy na rin ang plano kong hulihin kung sino man 'yung jowa ni Chaeyoung.
Pagkatapos ko siyang i-text, pumasok na ako ng banyo para maligo at mag-ready para mamayang gabi.
Simpleng black hoodie at malaking pants lang ang suot ko. Tutal, hindi naman talaga ako pupunta du'n para makipag-party. Isa pa, ayokong maka-attract ng atensyon. Dami pa namang makakati du'n. Jusko.
BINABASA MO ANG
Black Bangtan Fan Fictions
FanfictionTaesoo, Yoonnie, Liskook, and Jirose fanfics, but this is mostly Vsoo.