27

60 5 0
                                    

Jisoo x V - Imagination

Jisoo's POV

I daydream a lot. Mapa-school man or sa kwarto ko, kahit saan. You could say that I'm addicted to it. Tipong gusto ko na lang manatili sa kwarto at mag-imagine ng mga bagay-bagay. KJ kasi 'yung mga teachers sa school. Kapag nahuhuli nila akong lutang sa subject nila, automatic akong nagiging cleaners, like tagapagpag ng erasers. Medyo sumisikat na nga ako dahil du'n. They've called me many names. At linked na linked ang pangalan ko sa eraser. Jisoo Kim, 'yung student na tagapagpag ng eraser sa Section 2. Lovely, right?

Shuta kayo, sir and ma'am. Kapag ako naging teacher, pahihirapan ko rin mga anak niyo. S'yempre, charot lang 'yun. Wala akong planong maging teacher at mas lalong wala akong planong pahirapan ang mga anak nila.

"Miss Kim!"

Binatukan ako ni Jennie ng malakas sa ulo. Magagalit na sana ako nang may tinuro siya sa likuran ko. Napatingin ako sa eraser na muntik nang tumama sa ulo ko kung hindi pa ako inilag ng seatmate ko.

"Thank you," bulong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Jennie at binalik ang tingin sa harapan.

"Miss Jisoo Kim! Kindly raise your hand!" galit na sambit ni Mr. Paras. Ngayon ko lang napansin ang lalaking nakatayo sa tabi niya. So, ito pala 'yung transferee na kinababaliwan ng mga schoolmates ko.

Yeah, he's handsome... and cute. Kaso, mukhang suplado. Judgmental na kung judgmental, pero nalalaman ko agad ang ugali ng isang tao sa isang sulyap ko lang. I guess, it's my special ability. Medyo may pagka-chismosa rin kasi ako. And yep, I admitted it.

"Miss Kim! Gusto mo bang blackboard na ang ibato ko sa'yo?" inis na tanong ni Mr. Paras.

Ang harsh no'n.

Dahan-dahan kong ini-angat ang kamay ko. Maybe he was asking me to raise my hands, so that the other guy would easily recognize me. Bakit ba kailangan ko pang itaas ang kamay ko. Obvious na obvious naman na ako 'yung Jisoo Kim na tinutukoy niya. Bakit hindi na lang niya sabihin sa transferee na, "𝘞𝘢𝘵𝘤𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯, 𝘣𝘰𝘺. 𝘛𝘪𝘯𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢'𝘯 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘮𝘢 '𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘦𝘳𝘢𝘴𝘦𝘳. 𝘚𝘪𝘺𝘢 '𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘬𝘰𝘺 𝘬𝘰."

Like duh. Ang bobo mo naman, sir.

The guy walk towards my direction and just what I expected, naupo siya sa kaliwa ko. I had to transfer my bag somewhere kasi hindi na vacant ang katabing armchair ko.

"Hi, ako nga pala si Kim Jisoo." I extended my arm to his.

Tiningnan lang niya ito bago binalingan ang mukha ko. He carefully studied my facial features and then he smirked. He freaking smirked! "I see," he said in a low tone voice. Binalik niya ang tingin niya sa harapan kung saan nagdi-discuss si Mr. Paras.

Inirapan ko siya.

Suplado nga. It only proved my theory.

I tried to divert my attention unto something, daydreaming, for example. Kapag nag-de-daydream ako, it's really vivid. Para akong napunta sa isang lugar without necessarily having to move both of my feet. Para akong nabigyan ng chance para ma-experience ang isang bagay na alam kong hinding-hindi ko ma-e-experience in real life.

Heat started to penetrate my skin. May naririnig din akong alon sa 'di kalayuan. I imagine my feet being soak with fine, white sand. Great. I'm having a vacation somewhere in my mind.

May naririnig akong tawanan. They're here, my classmates were here. They're also having fun, splashing each other with the clear, salty water. I was about to turn my back at them when someone grabbed my arm.

Napatingala ako sa lalaking nakangisi lang sa'kin. It was my snob seatmate. He leaned forward and whispered something to me. "Why aren't you wearing a bikini? Come on, I want to see you wearing one," he smirked.

Namula ako. "Bastos!" I shrieked on top of my lungs and slapped him hard on his left cheek.

All of the noises stopped. Ang alam ko lang, na sa'kin na ang spotlight.

"Ouch," I heard someone groan.

Para akong nagising mula sa isang panaginip. At gaya ng sa imagination ko, all of their eyes were on us. What? Ano'ng ginawa ko?

Napatingin ako sa katabi ko.

He was holding his left cheek.

Oh my gosh. Parang alam ko na kung ano'ng nangyayari. Please tell me that I did nothing. Tell me that I didn't slapped my seatmate.

"Why did you slap me?" his calm, but dangerous voice asked me.

Nanlaki ang mata ko.

I'm freaking doomed.

"Ano'ng nangyari, Mister Taehyung Kim?" Mr. Paras asked.

Hindi sumagot ang lalaki, bagkus nakatitig lang siya sa'kin, patiently waiting for my answer. "Ahh... kasi... ano... 'y-yung ano kasi..." I stammered. Ang hirap mag-explain. Ano naman kasing valid reason ang idadahilan ko sa kanya? Na na-carried away ako sa imagination ko kaya ko siya nasampal? That was very lame, to be honest.

"M-may lamok kasi. Concerned lang ako na baka magka-dengue ka. Ayon, oo, 'yun." Iniwas ko ang tingin ko at sinulyapan ulit siya.

Taehyung didn't seem to buy my alibi. Nakatitig pa rin siya sa'kin, maybe trying to figure me out. And then, out of nowhere, he smirked. He freaking smirked again. "Interesting."

Stupid Jisoo. Bakit mo kasi sinampal?! I'm sure, hindi lang eraser ng Section 2 ang ipapagpag ko mamaya, kundi erasers ng buong school.

"Minus 5 points for you, Miss Jisoo Kim, for ruining the class lecture," sambit ni Mr. Paras na may halong pagbabanta. "You need to stay and help the cleaners for today." Naghiyawan naman ang mga Monday cleaners.

Bumuntong-hininga na lang ako.

After the classes ended, andito na naman ako sa likod ng classroom namin, nagpapagpag ng eraser. Boring task, I know, pero at least dito, walang makapipigil sa'kin para magdaydream.

Nagfocus ako at nag-isip ng magandang scenario for my own satisfaction. This time, I'm not in the beach, but in the middle of the forest. Traces scents of evergreen is everywhere. Teka. Pilipinas pa ba 'to? Nevermind, as long as I'm one with nature.

Naupo ako sa isang malaking bato. Sa harapan ko ay isang batis. Pinikit ko ang mata ko, not until I felt something cold in my right arm. I was loss for word when I saw that thing with my two eyes.

"A—a–ahas!" I'm on the verge of crying when I heard someone behind me spoke.

"Where?"

The forest faded before my eyes. Andito na ulit ako sa likod ng classroom namin, habang hawak-hawak ang eraser.

Lumingon ako sa likuran ko.

There, I saw someone, leaning against the tree. Amusement was visible in his face. "Daydreaming again, Miss Kim?" pangangasar niya. Nilapitan niya ako. Smirk was still visible in his dangerous handsome face.

Niyuko ko ang ulo ko. Ayokong makita niyang namumula na ako ngayon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko. "Because I was still mad that I was slapped by this random girl."

"A-ahh. Sorry... k-kasi..."

He shushed me through putting his pointing finger at my lips.

"I want to punish you," he told me in a hoarse, sexy voice.

Shuta.

Napatingin ako sa kanya. I could not believe my ears. "Ha?"

Nginisihan niya lang ako. "I want to get to know you better. You're an interesting creature."

He sighed. "Date me or I'll kiss you. You choose."

Shutangina talaga.

Black Bangtan Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon