Chapter three - Ouch </3

78 9 0
                                        

Jill's POV

NAG-UUMPISA na silang kumain nang dumating sa pwesto nila si Vanessa. Kasama si Cyrus. Nawindang sila. Lalo na siya. They were holding their hands!

Hindi niya pinahalata ang pagkabigla. Hinawakan siya ni Belle sa kamay. Bigla siyang nanlamig.

"Are you okay?" mahinang tanong ni Belle sa kanya.

"I'm alright." pagsisinungaling niya.

"Guys hindi niyo ba kami iinvite?" Vanessa asked.

Si Athena na ang kumausap dito dahil nagbi-busy busyhan lahat ang mga kabigan niya. "Have a sit Vanessa."

Umupo ang mga ito. Magkatapat sila ni Cyrus.

"Kayo na pala?" basag ni Hailey sa katahimikan.

"No, pero malapit na." pagmamalaki ni Vanessa.

"What does it mean?"

"Malapit ko na siyang sagutin!"

Nasamid siya sa iniinom na pomelo juice.

"Are you okay Jill? Nabigla ka yata sa sinabi ni Vanessa." pang-aasar ni Derrick. Kahit kailan talaga wala itong masabing matino.

Tumayo na siya at hindi na tinapos ang pagkain.

She can't help but be jealous.

She decided to go home early. Hindi na siya nagpaalam.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon