Chapter five - Oh Xander!

76 7 0
                                        

Yngrid's POV

"BAKIT kaya ko pinapapunta ni Xander noon sa court? Dapat pala pinuntahan ko na." Kausap niya sa sarili.

Arte mo kasi. Choosy pa!

"Malay mo may ibang pakay pala ang bruho." Napakamot siya sa ulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya yun makalimutan.

"Teka, teka. Kinakausap ng president ang sarili niya?" Napatingin siya nagsalitang si Kaycee. Di niya namalayang nasa loob na ito ng office niya. Kasama si Hailey.

"OMG! Nababaliw na yata." biro ni Hailey.

"Tantanan nito ko." pagsusungit niya para hindi siya mabuking.

"Is it about Xander? Alam ko single siya eh." hirit ulit ni Hailey

"I know."

"Taray, updated naman pala."

"Sige na. Pwede na kayong lumayas. I'm busy here." pagtataboy niya.

"By the way before we leave, I have something to tell you."

"Go ahead."

"Nanliligaw sakin si Clark! Di ko akalain na may feelings pa rin siya sakin." kinikilig na sabi ni Kaycee.

"Ano naman sakin?" panonopla niya.

Lumabi ito. "Share lang naman eh."

"Unlike."

"Ciao Yngrid."

Lumabas na ang mga ito. Sana manligaw din sakin si Xander.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon