Chapter eight - Basketball Competition

69 6 0
                                        

Stephen's POV

HALF QUARTER. Kahit papaano ay nakapagpahinga siya at ang buong team. Bago mag change court,pumunta muna siya sa mga kaibigan niya. Naroon na sina Jill at Lizzie.

"Thanks guys at humabol kayo." aniya sa dalawa.

"Kami pa."

"So, nagkabati pala agad kayo?" They nodded. "Sampung puntos guys." Ang tinuthukoy niya ay ang kalamangan ng St. Pius Academy kontra sa kanila.

"Kaya niyo yan! Remember, homecourt natin 'to at buo na kami. May mga inspirasyon ka na. Diba Athena?" wika ni Hailey na may halong panunundyo sa boses.

Tinignan niya si Athena. Naka-earphone ito at abala sa cellphone. Kanina pa niya napapansin na hindi ito nanunuod ng laro. Pag napapatingin siya dito ay hindi rin ito nakatingin sa kanya. He missed the old days... Iniiwasan na talaga siya nito. Ngunit mayroon siyang plano para dito. Magtatapat na siya ng pag-ibig dito after the game. Kapag nanalo, ipagsisisgawan niya sa buong madla ang nararamdaman niya dito pero pag hindi, sa isang romantic date siya magtatapat.

Nagpaalam na siya sa mga ito. Huli niyang tiningnan si Athena. Tumingin ito sa kanya. He gave him his most charming smile.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon