Hailey's POV
SA PAGLALAKAD ni Hailey sa campus, napadpad siya sa tennis court. At nakita niya doon si Nathaniel Illustre. Ngayon lang niya ulit ito nakita mula nung pasukan. Palibhasa, hindi na sila magkaklase.
Umupo na lamang siya at pinanuod si Nathan. Hanggang ngayon, magaling pa rin ito. She loves tennis, too. Pero mas nahumaling siya sa ballet dance. Yun nga lang, hindi pa yata ready ang project na iyon. Sinuggest niya ito kay Yngrid. Bago magelection for SSG, napag-usapan nilang magkakaibigan na kapag nanalo si Yngrid, susundin nito ang mga sinuggest nilang projects. Pumayag naman ito. Malaki kasi ang naitulong nila sa pagkapanalo nito.
Nakita niyang papalapit sa kanya si Nathan. Nakangiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Hailey."
"Nathan."
Umupo ito sa tabi niya. "Napadpad ka rito?"
"Well, namimiss ko na 'to eh. Matagal na rin akong hindi nakakapaglaro."
"Yung court ang namimiss mo... o ako?" Nanunudyong ngiti ang nakita niya dito pagkabaling niya.
"Ahmmm.... both?"
Nagkatawanan sila.
"So. Lalo kang gumaganda. May inspirasyon siguro."
Hinampas niya ito ng mahina.
"Aray." Umiling ito. "Hindi ka pa rin nagbabago."
"Sorry. Ikaw, lalo kang gumagwapo."
"Syempre. Ako pa." Hinimas nito ang baba.
"Kapal."
"Siguro may boyfriend ka na."
"Wala ah! Baka nga ikaw... may bago ka nang girlfriend after Cleo."
Natigilan ito.
"I'm sorry." Yumuko siya.
"Okay lang. Let's go. Treat kita, let's have lunch together."
"Sure, tara."
Tumayo na sila. Ang totoo, kinikilig siya sa muling pag-uusap nila. Pero mukhang hindi pa ito nakakamove-on kay Cleo. Ang ex-girlfriend nito.
Kaycee's POV
NANG mga sumunod na araw, binuksan na ang swimming court. And Kaycee was happy with that. Kahit papano ay may pagkakaabalahan na siya after class or vacant time.
"Bakit kaya sad ang isa sa'tin dito." basag niya sa katahimikan. Ang tinutukoy niya ay si Lizzie. Naroon sila sa cafeteria.
Tumingin sila kay Lizzie.
"Yeah. Di naman siya ganto ah. Nakakapanibago." Hailey agreed.
"Wag niyo kong pansinin. Tinatamad lang ako." Lizzie told.
"Tinatamad. At bakit?" usisa naman ni Athena.
"Wala. Sige na, kumain na lang kayo."
She knew it. Hindi kasi naaprubahan ang Sossy Chic Club.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...