Lizzie's POV
"GIRLS, play naman tayo!" aya ni Kaycee sa mga kaibigan. Wala pa kasi silang teacher.
"Tara. 7-Up?" She suggested.
"What's that?" tanong ni Athena.
Hailey explained it to Athena. Hanggang ngayon pala ay hindi pa nito alam kung paano laruin yon.
"May dare 'to ha?" sabi ni Jill.
"Sure. Wag lang tayong masiyadong maingay, okay?" paalala ni Yngrid.
Mag-uumpisa na sila ng biglang sumabad ang mga classmate nilang beki.
"Sali kami!"
Sina Frederico aka Frencezca, Alberto aka Alyana at Miguelito aka Mikaella ang mga ito.
Jill started the game. She passed ito to the left. Then to Hailey and then to Belle. Then kay Yngrid. Sa kanya pinasa. Nalito siya. Ang bibilis ng mga ito. She didn't know what number was. She was out. Bawat mali ay napapasigaw sila.
Nagtagal ang laro kina Hailey, Jill and Yngrid. Ito ang mga hustler sa larong iyon.
After a couple of minutes, ang mag-bestfriend ang natira. Pag dalawa na lang, nagjajack en poy na lamang up to ten.
"OMG Hailey you win. Ikaw ang magaling dito." sabi ni Jill. Ngumiti lang si Hailey.
The usual, panalo nga ito. Binigyan sila nito ng mga dare: Shake hands sa lalaking nalilink sa kanila. Hindi na bago iyon. Siya ang nauna. Tatayo na sana siya ng may pumasok na teacher. One of their boring teacher, Miss Melchora Reyes. Naabutan sila nitong nagtatawanan. At nakaupo sa desk nang upuan.
"What are you doing? Sino ang nagsabi sa inyo na umupo kayo sa arm chair?" mataray na sabi nito. They were quiet.
"Miss Ferrer?" Napapitlag siya. "Ikaw na naman ba ang pasimuno diyan?"
Ako na naman. she thought. Tumayo siya. "No ma'am. But I suggested it."
"As usual Miss Ferrer."
Hindi na siya sumagot. Pagtalikod nito ay nagmake a face siya. She sat down.
"Ano bang ginagawa niyo? Walang magpapaliwanag?"
Akala ko tapos na. she thought again.
Frencezca stood up.
"Ma'am. Hindi naman po kami masyadong maingay 'nung naabutan niyo kami diba?" Frencezca told.
"Anong hindi? Nagtatawanan kayo."
"Eh ma'am, naglalaro po kami ng 7-UP, that's all. Actually ma'am, tapos na kami bago pa kayo dumating."
"Pwede namang umupo sa upuan habang naglalaro hindi ba?" Nakataas na ang kilay nitong tattoo.
"Kasi ma'am sa larong iyon, magkakatapat dapat. Try niyo ma'am sumali samin minsan. Wit na wit kang mabobore!"
Class laughed softly.
"What's your name?" Mukhang naiirita na ito.
"Maria Regina Kristina Jenny Gail Manio Pilit!"
Ginaya nito ang bata sa isang commercial ng vitamins.
Tuluyan na silang napahagalpak.
"What?!"
"You can call me Reg. Nickname ko yun!" Patuloy ni Frencezca.
"Oh my goodness! Pinag-iinit niyo ang ulo ko!"
Lumabas ito.
"Pangalawa na siyang nagsasabi niyan." natatawang sabi ni Athena.
"Yeah! At sa loob lang ng tatlong araw. I'm proud to be IV-A student." sang-ayon niya. Nag-thumbs up siya kay Frencezca.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Fiksi RemajaThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...