Chapter eight - For The Win!

68 6 0
                                    

Stephen's POV

6 MINUTES of third quarter, lamag na nang siyam ang Orient Blue Dragon. Siya lahat ang gumawa na puntos para lumamang. He was inspired by his friends and Athena, of course kahit di siya pinapansin nito.

Naghihiyawan na lahat ng buong crowd.

Kinse puntos ang pinakamalaking lamang nila sa 4th quater. Lalo silang nag-pursige ang buong team nila para hindi na sila mahabol. At nang inanounce na ang "Last 2 minutes" ay lalo pang nag-ingay ang lahat dahil hindi na makaalis sa 15 pts. ang kalamangan nila.

At walang kaduda-duda, panalo sila! 85-70 ang final score. Binuhat siya ng mga kateammate niya habang buhat niya naman ang trophy nila. At siya ang tinanghal na Best Player.

Sinuot nila ang T-shirt nila na may nakalgay na "Blue Dragon For The Win". A little picture taking and thanks giving. Pagkatapos 'non ay pinuntahan na niya ang mga kaibigan. Nag-group hug sila.

"Congrats Stephen!"

Inapiran niya ang mga ito. He looked for Athena.

"Where's Athena?"

"Ayun, nakaupo. Masama daw ang pakiramdam niya eh." sabi ni Belle sa kanya.

Nilapitan niya si Athena. He smiled at her. Ngumiti din naman ito sa kanya.

"Masama daw pakiramdam mo?" he asked. Tumango ito.

"By the way, congrats!" bati nito sa kanya.

"Salamat." He stared at her lovingly. Tila nailang naman ito dahil nag-iwas ito ng tingin. Gagawin na niya ang agenda niya. He held her hand at niyakag na niya ito papuntang stage.

"Stephen, saan tayo pupunta?" Athena asked him. Nagpasalamat siya at nagpayakad ito.

Hindi niya sinagot ito. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi rin niya pinansin.

Athena's POV

DINALA siya ni Stephen sa stage. Hindi niya alam ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa.

Nakahalukipkip lang siya habang tinitignan ito. Kinuha nito ang mikropono sa emcee.

"Sound check, sound check." anito habang hawak ang mic.

"Everyone!" lumingon naman ang ilan dito. "Meron lang akong gustong ibahagi sa inyo. Kaya lahat ng nasa exit, pumasok muna uli sa entrance."

She chuckled silently. Ang corny ng sinabi nito.

"Ayan, salamat." Nagsipasok naman ang ilan. Syempre, Stephen Lloyd del Tierro kaya ang nag-request. Nag-seryoso na ito at hinawakan na ang kanyang kamay. Hindi naman siya nag-complain.

"Alam ng lahat na dalawang taon na kong walang girlfriend. Nagtataka kayo kung bakit? Siguro, dahil focus lang ako sa basketball masiyado. Good thing, nandyan ang mga kaibigan ko para iparamdam na may iba pang nagmamahal sakin aside from basketball. And of course, ang mga girls na humaling na humaling sakin." mahabang litanya nito. Nakatingin lang siya dito.

Nagtawanan naman ang ilan.

"Pero balewala lang naman yon. When I was sophomore student, may niligawan ako at alam ng lahat kung sino yon." Binalingan siya nito. Nag-iwas siya ng tingin.

"Nasaktan ako ng binusted niya ko kasi mahal ko na siya. Kaya simula 'non, umiwas na ko sa kanya. Noong third year naman, nagpapakita na siya ng interes sakin." He grinned.

"Pinapahiya mo ba ko?" aniya habang naniningkit ang mga mata. Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Nagpatuloy ito.

"Pero hindi ko na siya pinatulan. Kasi baka masaktan na naman ako. At hanggang ngayon, may pagtingin pa rin siya sakin. Pero napapansin ko nitong mga nakaraang araw, iniiwasan na niya ko. At lalo akong nasasaktan dahil don."

"Bakit mo ba sinasabi yan? Stop talking nonsense!"

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "No. Sa harap niyo ngayon, magco-confess ako kay Charmain Athena Lopez. Suportahan niyo naman ako!"

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga ito.

"Okay, okay, konting katahimikan." wika nito. "Wait lang babe."

Bumitiw ito sa kanya at may kinuha sa gilid ng stage. Isang pitas yon ng green rose. Bumalik na ito sa tab niya at hinawakan muli ang kamay.

"This is for you." Kiming kinuha niya ang bulaklak at sinamyo iyon. Humarap ito sa audience.

"Diba, ang green rose means everlasting love? At ganon ang pagmamahal ko sa kanya." Humarap ito sa kanya. "Athena, can you be my girl?"

She gawked. Hindi niya alam ang sasabihin. Napaawang lamang ang labi niya.

"Kapag tinanggap mo 'to, it means pumapayag ka na at mahal mo rin ako."

Sa wakas at nagkaroon din siya ng lakas ng loob magsalita. "P-Paano kung mahal din kita pero hindi ako pumapayag na maging girlfriend mo?"

Kumunot ang noo nito. "Teka baby ang gulo. You love me right?" She nodded. "Then, tayo na."

"Stephen, takot lang akong masaktan."

"Wala kang dapat ikatakot. As long as you have me, hindi ka masasaktan. I love you. I will not hurt you." buong pagmamahal na pangako nito sa kanya. "Athena naman,  wag mo na kong pahirapan. Bulok na 'tong feelings ko sayo."

She decided. Mahal naman talaga niya ito. She should take the risk. She smiled widely. Inagaw niya rito ang mikropono. "Yes! Yes! Yes! Yes, del Tierro. I'm yours!"

Sa labis na tuwa, binuhat siya nito. Oh god, sa wakas ginawa rin nito yun sa kanya. Nagpalakpakan ang lahat.

"I cannot believe it!" sigaw nito. "Dalawang prize ang napanalunan ko!"

She laughed. Binaba na siya nito. Nag-request ang audience na mag-kiss sila.

"Excuse me, bawal po yun. May CCTV kaya dito." aniya.

"Oo nga, tsaka ayoko rin naman ng kiss." sabi ni Stephen. At bigla siya nitong hinalikan sa pisngi.

"Del Tierro! Gusto mong mag-break agad tayo?" aniya pero may biro sa boses niya. Of course, that's a joke.

"Sorry babe, hindi ko matiis eh. Pagbigyan mo na ko." parang batang sabi nito. "Okay guys, you can go now. Salamat sa pag witness sa aming kasal."

Binatukan niya ito ng mahina. "Kasal ka dyan?" She admit, kinilig siya sa ginawa nito.

He smiled. Lumabas na ang mga estudyante. Naiwan ang mga kaibigan nila. They went down. Nag high-five si Stephen sa mga ito.

"Bilib na talaga ko sayo, pare! You're the man!" puri ni Lance habang hawak nito ang kamay ni Lizzie. Nginitian naman siya ng mga best friend niya.

"Syempre naman. Ganito talaga kasi pag nagmamahal diba? Kaya ikaw Derrick, tigilan mo na yang ka-torpehan mo. Diba Isabelle?" buska nito sa dalawa.

"Tigilan mo ko Stephen Loyd." naka-ingos na sabi ni Belle.

"Pare naman, ako na naman nakita mo eh itong si Jill at Yngrid, mga napag-iiwanan na, di mo pinapansin." wika ni Derrick.

"Hoy, may Mario ako 'no." sagot ni Jill.

"Derrecl, ayus-ayusin mo ha." sabi ni Yngrid dito na may irap pang kasama.

Her friends didn't fail to amuse her.

"Correction, 'Derrick' hindi 'Derreck'. Bisaya ka ba?" dagdag pa nito.

"Heh!"

They laughed. Lumabas na sila ng court. Sila ni Stephen ang nanguna palabas. They held their hand and she whispered, "I love you" to him.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon