Lizzie's POV
KINABUKASAN, maaga siyang pumasok para sa Sossy Chic Club. Seryoso talaga siya sa ginagawa niya at hindi niya iyon hahayaang mabalewala.
Napapitlag siya ng may biglang humawak sa tagiliran niya. Si Lance. Her rumor boyfriend.
"Hindi mo sinabi na maaga ka. Nasundo sana kita."anito.
"Next time, I'll tell you."
Marami nang estudyante ang tumitingin sa kanila.
"Seryoso ka talaga dyan ha?"
"Yeah. Hindi ko hahayaang mabalewala 'to."
Tutuok na tutok siya sa pagta-type sa laptop niya.
Tumikhim si Lance nang biglang namayani ang katahimikan sa kanila.
"Liz... Kailan mo ko sasagutin?"
Tinigil niya sandali ang ginagawa. "Nagmamadali ka ba?" biro niya.
Hindi ito umimik.
"Lance. Sorry kung hindi ko na naaasikaso ang tungkol sa'tin."
Hindi pa rin ito nagsalita.
"Lance naman eh..."
"Hindi mo na ba ko gusto?" mahinang tanong nito.
She smiled. "Gusto. Kaya lang, I'm enjoying my high school life and being single. Pero hindi na ko available."
"Why?"
"Because... I love you."
Nabigla ito. "You do love me?"
"Yes."
"So, tayo na?"
"Oopps, yan ang hindi."
Lumungkot ang mga mata nito na kaninang nags-sparkle.
"Osige. I have a deal. Kapag na-maintain ko ang club, you will be my boyfriend. Pero pag hindi, well, see you in college."
"Alright. Deal."
She smiled at him.
"Can I hug you babe?" request nito.
"Sure."
Lance hugged her tight. Na para bang forever na yun.
Napatingin siya sa isang sulok ng campus habang yakap pa rin siya nito. Pamilyar ang mukhang iyon. Masama ang tingin nito sa kanya.
Sa isip isip niya, baka hater niya lang yun o di kaya ay may gusto kay Lance.
Kaya marahan siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata. Nang tingnan niya uli ang babae, ay wala na ito doon.
Saan yun nagpunta?
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...
