Chapter four - Hesitated

79 8 1
                                        

Yngrid's POV

THE WHOLE DAY  was a busy day for her. Hindi niya napagkikita ang mga kaibigan niya. Nandoon siya sa office. Nagsi-uwian na ang mga estudyante. Napatingin siya sa wall clock, 5:30. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Xander, "Magkita tayo sa court mamaya. 6pm. Pag di ka dumating you're dead."

"Nandun na kaya siya? Naku, baka pag-tripan na naman ako ng mga yun."

Sandali siyang nag-isip. "Eh malay mo naman diba? Baka magtatapat na pala siya sakin?"

Ay assuming si ate. "Sama ko kaya si Belle? Wala namang sinabi na hindi pwedeng magsama ng iba." sabi niya sa sarili.

She called Belle. Two ring before she answered.

"Yes?"

"Belle. Can I ask you a favor?"

"Shoot."

"Samahan mo nga ko ngayon sa court. Please?"

"Nakauwi na ko."

"Eh sila?"

"Yup. Don't tell me nandyan ka pa rin? Bahala ka, may mumu dyan."

"Tinakot mo pa ko. Sige na, thanks an lang."

Pagkababa niya ng linya, may kung sino namang tumatawag sa kanya. Number lang ang naka-appear. Sinagot niya yun.

"Hello, who's this?"

"Nasaan ka na?"

It was Xander. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"A-ah... Nakauwi na ko. I forgot. Sorry." she lied.

"Ganon ba?" may panghihinayang sa boses nito.

"Maybe next time."

"Okay. Next time."

Nanghinayang din siya. Kung gugustuhin niyang pumunta, wala na. Lalabas siyang sinungaling.

Inayos niya na ang sarili at nagmamadaling umuwi. Baka magkasabay pa sila nito.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon