Chapter four - Accident

73 9 0
                                    

Jill's POV

NAG-UUMPISA na nag practice sa cheerleading. Siya na ang napipisil na maging cheerleader pero mukhang determinado din si Athena.

"You know what Jill, dream ko talagang maging cheerleader. Kaya I'll do my best para ako ang maupo sa pwestong yun." sabi ni Athena sa kanya.

She smiled.

"Diba three years ka nang member sa cheerdance?"

"Yes."

"At hindi ka pa nagiging cheerleader right? Kasi hindi pa 'non  nakaka-graduate si Ate Andie."

Ang tinutukoy nito ay ang apat na taon na cheerleader sa Orient. She graduated last March.

"Magaling kasi si Ate Andie kaysa sakin. Teka nga, ba't parang ang taray taray mo sakin? May problema ba tayo Athena?" usisa niya dito.

"Huh? Wala. Mainit lang."

Hooo, reason. Insecure ka lang.

Athena's POV

LATER ON, dumating na ang dance instructor nila. Pinagawa sila nito ng pyramid. Si Jill ang nasa tuktok.

Siya na naman. Favorite ng lahat.

Biglang naglaho ang inis niya ng makita niya si Stephen. Kakapasok lang nito ng gymnasium. Kinawayan iya ito na naging sanhi ng pagakabagsak ng mga ka-miyembro niya lalong-lalo na si Jill.

"Ouch!" Si Jill ang dumaing nun. Nasa lapag na ito.

Lumapit si Stephen.

"Jill, are you okay?" nag-aalalang tanong ng binata.

"Mukha ba kong okay del Tierro?"

Tumayo na ang ilang mga kasamahan niya.

"Miss Lopez, it's all your fault." ani ng DI nila.

"I'm very sorry ma'am. Sorry girl."

"May pakaway kaway pa kasing nalalaman eh." bulong ng isa niyang ka-member na narinig niya.

"Sige ba Miss Lopez, tumawag ka na lang ng makakatulong para madala sila sa clinic."

Sumunod na siya sa utos nito.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon