Chapter five - Backout

76 7 0
                                        

Athena's POV

"MUSTA naman lovelife, pare? Mukhang wala kaming nababalitaang may girlfriendka ha?" Narinig niyang tanong ng isang ka-teammate ni Stephen dito. Kakatapos lang ng mga ito mag-practice. Palabas na sana siya ng marinig niya ang mga ito.

"Wala naman talaga eh." tugon ni Stephen.

"Hindi ba si Athena na?"

"Hindi ah!" Exaggerated ang reaksiyon nito. Napasimangot siya.

"Grabe pare. Kung maka-react ka wagas!" natatawang sabi ng isang ka-teammate nito.

"Binusted na kasi ako 'nun dati."

"Ligawan mo ulit. Mukhang may gusto na naman sayo eh."

Atribido!

"Ayoko muna. Saka naiilang ako sa kanya eh."

Naiilang pala sa kanya si Stephen. Bakit kaya?

Nag-desisyon siyang iiwasan na rin ito. Lumabas na siya sa pinagkukublihan.

Nakita siya ng mga ito.

"Hi Ath..." bati ni Stephen sa kanya na pilit ang ngiti.

Hindi niya ito pinansin. Uumpisahan niya na ang pangako sa sarili.

"WHAT?"

"Sige na Jill. Please?"

"Athena naman oh. Kung kailan malapit na ang competition saka ka pa magqu-quit."

"Sorry. Didistansya lang ako kay Stephen. Kailangan ko lang. Umaasa kasi ako sa wala."

"O siya. Sasabihin ko na lang kay Miss Trinidad."

Niyakap niya ito. "Thanks Jill." Humikbi siya.

""Wag mong iyakan yun. Di bagay sayo girl."

Napangiti siya. "The best ka talaga."

Jill smiled.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon