Chapter five - Double Announcement

71 7 0
                                    

"GOOD morning girls! May announcement ako." excited na wika ni Kaycee sa kanila.

"Ano naman?"

"Kami na ni Clark. Ngayon lang."

"Congrats girl! Celebration ulit yan." ani Hailey.

"Isasabay ko na lang kay Liz, pwede ba?"

Bumaling ang lahat kay Lizzie. "Bakit, kayo na ba ni Lance Liz?"

"Mamaya, kami na!" sabi nito sabay kindat.

"Eh di tatlo na nag in a relationship satin?" tanong ni Yngrid.

"Yeah! Inggit!" biro ni Hailey.

"Inggit ka dyan."

"Buti okay ang SCC. Kundi, dalaw lang ang in a relationship." ani Lizzie.

"Buti naman sasagutin mo na si Lance."

Lizzie just smiled.

"Teka, wala pa rin si Jill?" puna ni Hailey.

"May problema yata."

"Ahm, girls. I have something to tell you. Don't tell it to Jill muna ah." ani Yngrid.

"Tungkol saan?"

"Si Cyrus na at si Vanessa."

"What?! Pinatulan ni Cyrus yun?" komento ni Kaycee.

"Mga nagbabasa ba kayo ng school newspaper?"

"Ows? Nasa diyaryo nga?" patuyang tanong ni Athena.

Yngrid nodded.

"Baka alam na ni Jill."

Natahimik sila.

Jill's POV

NAKITA na naman niya si Vanessa at Cyrus. Tinawag siya nang una. Ngiting ngiti ito. Nilapitan na niya ang mga ito. Ganon talaga siguro ang masokista.

Ngumiti siya ng pilit. May nararamdaman siyang kakaiba.

"Wag kang mabibigla ah?" ani Vanessa na nakangiti. Hinawakan nito ang kamay ni Cyrus. "Kami na."

Aw. </3

Hindi siya gaanong nabigla dahil expected na niya. Pero dumoble ang sakit na nararamdaman niya. Tinignan niya si Cyrus. Blangko ang ekspresyon nito.

""Hey. Diba sabi ko wag kang mabibigla?"

Tipid ang ngiti niya." Congrats. I hope magtagal kayo."

Yun lang at umalis siya. No, hindi siya iiyak.

Leche yun ah? Talagang sinabi pa sakin ng harapan?

Pumunta na lang siya sa court imbes sa antayan nilang magkakaibigan. Saka na niya ipapaalam ang tungkol ddon.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon