Yngrid's POV
NEXT WEEK magbibirthday ang kanilang principal na si Dr. Nerissa Borja. Ang IV-A ang napiling mag-ayos para sa gaganaping selbrasyon. Pero wala na silang dapat ipag-alala dahil ang SSG President ay nasa section nila. Costume paryy ang concept na pinili ni Yngrid. Sinang-ayunan naman iyon ng lahat.
Nasa canteen silang lima nang dumating sina Lizzie at Athena.
"Hell girls!" bati ni Athena sa kanila. Mukhang masaya ang mga ito.
"Bakit all smile kayo?" usisa ni Hailey.
"Kasi... nanalo ako bilang VP ng Sossy Chic Club!" Athena declared.
"Talaga? Congrats!" she said.
"At syempre, ako ang President! Magkapantay na tayo ngayon Yngrid." ani Lizzie sabay hagikhik.
"Mas mataas pa rin ako sayo 'no." biro niya.
"So, sasagutin mo na niyan si Lance?" tanong ni Jill kay Lizzie.
"Hindi pa. Kakapanalo ko pa nga lang eh."
Kawawang Lance.
"Next week, birthday na ng principal. Pag-usapan na natin ang isusuot natin." aniya habang sumusubo ng chips.
"I suggest Winx Club!" Hailey said.
"Disney Princess na lang!" ani Belle.
Sinang-ayunan yun ng lahat. Kanya kanya na ito ng deklarasyon.
"Ako si Snow White!" Si Jill.
"Ako si Belle." Si Hailey.
"Ako yun Hailey eh." pabirong sabi ni Belle. "Ako na lang si Pocahontas."
"I"m Aurora." Si Lizzie.
"Ako si Cinderella." Si Athena.
"Si Ariel ako." Kaycee said.
"Alright, I'm Jasmine." she said.
Kahit noon pa man, iyon na ang mga paborito nila. Madalas nila iyong panuorin ng sama-sama sa bahay nina Athena.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Fiksi RemajaThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...
