KAKATAPOS lang tumunog ng bell na hudyat na umpisa na nag klase. It was 11:40AM. Limang minuto nang late si Lizzie at Athena. Kakapasok palang nila sa hallway ng Orient Pearl Academy. Malaki ang campus nila. At sa pagkakataong yun, naiirita na si Athena dahil sa sobrang arte maglakad ng kasama niya. Ninenerbiyos na kasi siya dahil sa Mrs. Alondra Torres ang first teacher nila. First day na first day ng senior life, late sila.
"Come on Lizzie, wala na bang ibibilis yang lakad mo? Nasa third floor pa ho ang room natin. Kaya pwede ba, bilisan mo na! It's already 11:41!", aniya na talagang naiinis na. At dahil sa sobrang init din ng panahon.
"Hello, Charmaine Athena? Naka-heels ako. Stilletos pa!", anito na mukhang wala na talagang ibibilis ang lakad.
"Eh parang ako hindi?", salungat niya dito. "Pa-starbucks starbucks pa kasi.", dugtong niya habang paakyat ng 2nd floor.
"Are you saying something there?", mataray na tanong nito.
Binalingan niya ito. "Nothing. Let's go."
Pagkasabi'y pinagpatuloy na ang paglalakad.
SA WAKAS at nasa tapat na sila ng kanilang air-conditioned room. Athena is going to knock the door but someone openedit. Itwas Mrs. Alondra Torres. Their first teacher. Kinakabahang bumati si Athena.
"G-good morning ma'am."
"Walang good sa morning!" angil ng "antique" na teacher nila.
Biglang sumabad si Lizzie. Siguradong magagalit na naman ang ginang.
"Good morning ma'am. We're so sorry we're late. It's traffic kaya na-late kami. Sorry ma'am, hindi na po ma----."
"Miss Ferrer, today is first day of school, right?" agap nito sa explanation ni Lizzie. Napipika na siguro ang guro.
"Right!", nakangiting tugon ni Lizzie.
"At 4th year ka na diba?"
"Opo ma'am! Bakit niyo ba kailangang itanong 'yan? Alam ko na yan, 'nu ka ba?", sabi pa nito sabay tawa na kinaiinis na talaga ni. Mrs. Torres.
"Tapos late kayo!!!"
Napapitlag lahat ng kaklase niya dahil sa sigaw na iyon. Especially sila. Kaharap lang nila ito.
Hinawakan ni Lizzie ang kanang tenga na parang binging-bingi.
"Aray ma'am. Natanggal yata eardrums ko. Can you look it Athena?", anito sa kanya.
Pinagbigyan niya naman ito. Muling nagsalita si Mrs. Torres.
"Look, Miss Lopez at lalong-laloka na Miss Ferrer. You are now fourth year student here in Orient. At hanggang ngayon, isip bata pa rin kayo!"
"OMG ma'am! We're not isip-bata. We're just enjoying our life. Because life is too short."
Inakbayan ni Lizzie ang ginang. Lihim na natatawa lang siya.
"Kaya ma'am, gayahin niyo lang ako. Easy,cooland pretty! Sige ka, madadagdagan yang wrinkles mo nang sobrang dami kapag di ka nag-smile."
Pa-cute ang tingin nito habang ang kanilang guro ay nanlilisik ang mga mata sa inis at pikon. Mrs. Torres had beeb their teacher for three years. At pang four na iyon kung sakali. Dahil baka tuluyan nang mag-resign ito. First year pa lang, mainit na ang dugo ng guro kay Lizzie. Ito lang ang nakaka-good time sa matanda.
"Magsipasok na nga kayo! Pinag-iinit niyo ang ulo ko!", sabi ito sabay lapit sa bintana.
"DUMAGUNDONG na naman ang Orient.", bulong ni Lizzie kay Athena habang papasok.

BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...