Yngrid's POV
"PLEASE, pakawalan mo na ko! I'm begging..." humahagulgol na sabi ni Yngrid. Hinostage siya ng hindi niya kilalang nilalang. Mga lalaki ang mga ito.
"Ano ba?! Bata pa ko! Wala ang mga magulang ko dito! Please naman..." pagmamakaawa niya uli ng hindi umimik ang mga ito.
"Miss, pwedeng tumahimik ka muna?" sabi ng isa. Hindi niya mabosesan ang mga ito. Naka-piring siya.
Hindi diys tumahimik. "Ano ba kasing kailangan niyo? Pera? Wala akong pera!"
"Pinapunta na namin ang mga kaibigan mo."
"Bakit? Wag niyo na silang idamay dito! Damn you!"
"Hello? Mga babae lang ang papasoik dito." sabi ng hostage taker na mukhang may kausap sa cellphone.
"Hoy! Anong gagawin niyo sa kanila? Sumagot ka!"
"Yngrid?!"
Nabosesan niya ang mga kaibigan niya.
"Girls! Girls, nandito ako!
Mukhang nakita naman siya ng mga kabigan niya.
"Hephep, dyan lang kayo mga hija. Wag kayong lalapit." wika ng isa.
"Ano bnag kailangan mo? Pera?" narinig niyang sabi ni Lizzie.
"Magkaibigan nga kayo. Hindi pera ang kailangan ko."
Lumapit ito sa kanya at tinanggal ang piring niya.
"Sino ka?!" she asked.
"Kilala mo ko."
"Wala akong kilalang hostage taker!" Naka-hostage mask ito. May apat pang hostage taker sa tabi.
"Makinig ka, miss. May itatanong ako sayo at ang gusto ko, sagutin mo yun ng totoo. Kundi..." Binalingan nito ang mga kasamahan nito. "Bang!"
Oh my god, may mga baril ito!
"Oo. S-sasagutin ko ng t-totoo." Nagkandautal na sabi niya.
"Okay. Nagmahal ka na ba?"
Anong klaseng tanong yun?
"Ha?"
"Sagutin mo."
"O-oo."
"Nasaan na siya?"
"H-hindi ko na alam. Hindi niya naman ako gusto eh."
"Talaga? Mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?"
"Ba't mo ba tinatanong yan?"
"Boys..." pagbabanta nito. Agad siyang sumagot.
"Oo! Mahal ko pa siya. Pero ayaw niya sakin kaya magmo-move on na lang ako."
"Pano kung... mahal ka rin pala niya?"
"Imposible. Hindi yun mangyayari."
"Walang imposible sa mundong 'to. Lahat posible basta nagmamahalan. Ano, kapag nalaman mong mahal ka rin niya, anong gagawin mo?"
"Eh di masaya, kami na."
"Talaga? Tayo na--- este kayo na?"
"Sino ka ba talaga? Tanggalin mo nga yang mask mo."
Sumabad si Kaycee. "Hoy! Ano ba talaga ang kailangan niyo? Kung nandito lang ang mga boyfriend namin, lagot kayo dun."
"Actually, ang kailangan ko lang naman dito ay si... Yngrid."
"Eh ano ngang kailangan mo?"
Dahan-dahan nitong tinanggal ang mask. Natigagal siya ng makilala ito.
"Xander?!"
"Boys, tanggalin niyo na rin yan." utos nito
Sina Stephen, Clark, Derrick at Nathan! Napasinghap ang mga kaibigan niya.
"Mamaya na kayo mag-react." Bumaling si Xander sa kanya. "Nabigla ka ba? Hmm, so tayo na?"
"Anong tayo na? Pagkatapos mong gawin sakin 'to?"
"Pagkatapos mong umamin na mahal mo ko?" ganti nito.
"At sino ang nagsabi na ikaw yun?"
"Kunyari ka pa, darling."
"Kalagan mo muna kaya ko."
"Ay. Sorry, sweetheart."
Pagkakakalag nito sa kanya ay sinampal niya ito.
"Aw! Bakit mo ginawa yun?"
"I hate you!"
"Bakit? Mahal ko mo ko diba?"
"Pwede mo naman akong daanin sa romantic date!"
"Isn't it romantic?"
"Romantic mong mukha mo!"
He laughed.
"Explain this." mariing utos niya.
"Before that, tell me you love. Because I love you, Paula Yngrid Concepcion."
Hindi niya ito pinansin. "Explain muna."
"Tell me."
"Explain."
"Tell me."
"Alright! I love you!"
"Galit?"
"Now, explain!"
"Alright. Sina Derrick, Stephen, Nate, Clark, Cyrus and Lance ang mga kasabwat dito.Silang mga girls, inosente sila. I did this para maiba. Nung nagkagusto ka sakin when we were third year, may koting atraksiyon na rin ako sayo but I'm afraid to court you."
Nagpatuloy ito. Nakikinig lang siya. "Kasi masiyado kang mataas para sakin. Parang hindi ako bagay sayo kaya naghanap na lang ako ng iba. Ni-reject din kita non para lumayo ka na. Para hangga’t maaga, makakapagmove on ka. Hindi ko alam na pagdating ng fourth year, mas lumago pa ang paghanga ko sayo. Nung pinapunta naman kita noon sa court, magcoconfess sana ako pero hindi ka sumipot. Ano? Naniniwala ka na?”
Marahan siyang tumango at ngumiti. Niyakap niya ito.
Narinig niyang nagpalakpakan ang mga kaibigan niya.
“I can’t believe this! Pwede na kayong artista!” narinig niyang sabi ni Athena.
“Naman, babe. Sa gwapo ba naman naming ‘to.” Wika naman ng boyfriend nito.
Maya-maya dumating na sina Cyrus at Lance. May dala itong ckae at pumpon ng rosas. Inabot ni Lance ang mga iyon kay Xander at ibinigay nito yon sa kanya.
“So, okay na tayong lahat? Wala ng zero satin.” Deklara ni Hailey.
“Yeah! Wala na. Let’s celebrate!”
Seven pairs. Hailey and Nathan, Kaycee ang Clark, Lizzie and Lance, Athena and Stephen, Belle and Derrick, Jill and Cyrus at ang newest, Yngrid and Xander.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...
