Jill's POV
KINABUKASAN, pumunta agad si Jill sa practice pagkpasok niya. Marami na siyang na-missed na steps at stunts.
Next month na ang competition nila. Kasunod ‘non ay ang Championship ng basketball. Kasali ang Orient Blue Dragons doon.
“Jillianne, focus!” pasigaw na sabi ni Miss Trinidad sa kanya.
Nawawala na siya sa konsentrasyon. Nandoon kasi sina Cyrus at Vanessa.
Tumigil muna siya sa pagsasayaw.
“Miss Gomez, may problema ba?” usisa ulit ng dance instructor niya.
“Ahm, miss, mamaya na po ako magpa-practice. Bigla pong sumakit ang ulo ko.” pagdadahilan niya.
“O sige. Maupo muna tayo.”
Naupo sila sa bench. Sa pwesto na medyo malayo sa dalawa.
“Jillianne, malapit na ang competition. Stay focus, hija.” anito
“Alam ko po. Eh kung wala yang dalawang yan dito, eh disananagpapractice na po ako.” Ngumisi siya. “Joke lang. Di ako affected, miss. Nagtataka lang ako kung bakit dito pa sila tumambay.”
Tinignan lang siya nito. Alam din nito na brokenhearted siya. “Nagseselos ka no?”
“Hindi miss. Iniiwasan ko lang sila. Nananadya po yata eh.”
“Jill, kalimutan mo muna yan. Ikaw ang cheerleader. In other words, ikaw ang magdadala ng grupo. Kayasanai-focus mo muna ang isip mo sa cheerdance, okay?”
“Sige po.” Kahit mahirap.
NAGPAIWAN siya sa court. Gusto muna niyang mapag-isa kaya mamaya na muna siya uuwi. Hindi niya gustong magpakita sa mga kaibigan na affected pa rin siya.
Tumunog ang cellphone niya. It was Lizzie.
"Yes?"
"Girl! Hindi ka talaga pupunta?"
Ito na kasi at si Lance. Kanina nito sinagot ang binata. Magcecelebrate daw ang mga ito.
"Pass muna ko, Liz."
"Okay. Anyway, sasaglit ako dyan mamaya."
"Alam mo kung nasan ako?"
"Naman. Ako pa. May ipapakilala ko sayo."
"Sino naman?"
"Basta. Kikiligin ka pag nakita mo."
Tinirik na lang niya ang mga mata.
"Sige na, kakain na kami. Ikakain na lang kita."
"Okay." Nawala na ito sa linya. The she sighed. Kasabay ng buntong hininga niya ay ang pagpasok ni Derrick sa court.
Sa exit ito pumasok.
"Exit door yun dude. Ba't dun ka pumasok?" biro niya dito.
Lumapit ito sa kanya. "Wala namang tao, kaya okay lang yan."
"Eh ano ko?"
"Dyosa."
Natawa siya. "Yan naman ang gusto ko sayo Deck, eh."
"Ba't di ka sumama kila Liz?"
"Tinatamad ako, eh. Eh ikaw?"
"Di naman ako ininvite ng gagang yun eh."
"Ha-ha! Kayo talaga. Aso't-pusa."
Sandaling katahimikan.
"Teka, ba't nandito ka pa?" tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Ficção AdolescenteThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...