Vanessa's POV
CYRUS and her are now official couples. Isa iyon sa front page ng school newspaper nila.
Masayang-masaya siya hindi lang dahil doon. Siya na kasi ang lead vocalist ng Rebellious rock band at si Cyrus naman ang lead guitarist.
Gustong gusto na niyang sabihin lahat ng yon kay Jill ng harapan para ipamukha rito na nakalimutan na ito ni Cyrus.
Naroon silang dalawa sa tagong parte ng school.
"Bakit hindi ka na sumasama sa kanila?" tanong ni Cyrus.
"Kasi kasama kita."
"How's your relationship with Jill?"
"We're not fine."
She saw Yngrid. Tinawag niya ito. Agad naman itong lumapit.
"Why?"
Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ni Cyrus. Nakuha naman agad nito ang ibig niyang sabihin.
"Yeah I know. Congrats."
"Thanks! Please wag mo munang sasabihin kay Jill. Masasaktan yun."
"Sure." Nakaismid na tugon nito.
Humilig siya kay Cyrus. She got what she wanted. She smiled happily.
Yngrid's POV
LUMAKAD na siya palayo sa dalawa. Nasasaktan siya para kay Jill.
Ang alam niya, Cyrus did not court Vanessa. Agresibo lang ang huli kaya napapa-oo na lang ang binata. Ang dalangin niya lang, makayanan sana lahat ni Jill. Lalo na't lalo pa itong magkakasama sa isang banda. Nandyan naman silang magkakaibigan para suportahan ito.
Papunta na siya sa office ng SSG nang makasalubong niya si Xander at ang mga ka-grupo nito. Parang gustong umurong ng paa niya pabalik. Mataman siya nitong tinititigan.
Nakipag-patintero siya dito.
"Ano ba?" she snapped.
"Uy tol. Padaanin mo si Miss President." sabi ng guwapong si Tristan na katabi ni Xander.
"Wag niyo nga kong pag-tripan. I mean, padaanin niyo ko." malumanay na sabi niya.
"Magkita tayo sa court mamaya. 6pm. Pag di ka dumating, you're dead." mariing sabi ni Xander.
Napatingin siya dito.
"Pare, jumu-Jun Pyo ka ha." tumatawang tudyo ng isa pa nitong kaibigan.
Naghiyawan ang mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ako pa ang inutusan? Kapal ng mukha!" sambit niya.
Ay sus, kinilig ka naman. sabad ng isip niya.
"Ewan."
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Roman pour AdolescentsThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...