Chapter seven - Cheerleading Competition

83 5 0
                                    

AN: Next time na lang muna ko magu-update! :) Magbabasa muna ko ng BTCHO. HEHE! :)

Jill's POV

THE CHEERLEADING COMPETITION day was come! Sa court ng Orient Pearl Avademy gaganapin. First time sumali sa competition ang school nila kaya kung mananalo ay isang malaking karangalan iyon sa kanila lalo na't halos senior students ang kalahok.

"I'm so nervous girls." aniya sa mga kaibigan. Nakaupo ang mga ito sa bench.

"Relax, baka himatayin ka dyan." sabi ni Lizzie sa kanya.

"I-chee-cheer ka namin. Go Jillianne!" sabi naman ni Athena.

Napangiti siya ng maluwang. Salamat sa mga kaibigan niya dahil todo-todo ang suporta ng mga ito sa kanya.

Kompleto ang mga ito na nanonood. Si Stephen, after the competition ay magpa-practice na daw para sa basketball competition bukas.

"Wait lang girls, punta lang ako ng rest room." paalam niya sandali sa mga kaibigan.

They nodded.

Fuschia and black ang kulay ng costumes nila. Naka pony tail lahat ng buhok ng girls. Light lang ang make up.

Pagkatapos mag retouch sa CR ay bumalik na siya sa court. Naghahanda na ang Manila East Academy na isa sa mga kalaban nila.

"Jill, saan ka ba nagpupunta?" usisa ni Miss Trinidad sa kanya ng makita siya.

"Sa restroom po."

"Relax, okay? Wag kang kakabahan mamaya." Tumango siya.

Nag-umpisa nang sumayaw ang estudyante ng MEA. Para sa kanya ay isa ito sa magiging mahigpit nilang kalaban. Walang sablay ang mga ito. Pero syempre, mas magaling pa din sila. At ibibigay nila ang kanilang best lalo na't 60% ng audience ay Orient students.

"Wala yan! Wuu! Boo!" narinig niyang sigaw ni Derrick.

"Tumigil ka nga dyan Deck. Mukha kang tanga." saway ni Lizzie dito

Tinignan niya ang mga ito at nginitian.

"Bakit, hindi naman maganda eh." sabi pa uli ni Derrick.

"OO nga naman Liz, di naman talaga maganda eh. Tignan mo yang nasa tuktok, echoserang palaka." sabi ni Athena na ikinatawa ng mga kaibigan except kay Lizzie. Tinignan niya ang nasa tuktok, echoserang frog nga ito.

"Mga pintasera kayo!" wika na naman ni Lizzie.

"Liz, bad mood ka ah." sabi niya rito.

Sumimangot lalo ito.

"Smile na dyan."

"O, yung isa, mukhang uod." pintas naman ni Kaycee.

"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata." saway naman ni Belle.

"Amen." sabay sabay na sabi ng mga ito. Natawa siya. Hindi siya makahirit dahil may konting kaba sa dibdib niya.

Natapos na ang performance ng MEA at sila na ang susunod. Nang ina-nouce ang pangalan ng school nila ay naghiyawan ang lahat. Pumunta na siya sa gitna kasama ang co-members niya.

NATAPOS na lahat ng performance ng bawat school. Tatlong school lang silang naglalaban laban kay kung sakali ay wala namang talo.

For her, sila ang deserving dahil talagang magaling sila. Pare-pareho silang kinakabahan pero nang nag-umpisa na silang sumayaw ay nalusaw iyon.

Inanounce na ng emcee na pumunta lahat sa gitna ang mga kalahok dahil iaanounce na nito ang mananalo.

"Good afternoon eveyone!" bungad ng emcee na si Mr. Marco Pascual. "Relax lang ah. Manalo man o matatalo, kayo pa rin ang pinagmamalaki ng school niyo oaky? Here we go. The 2nd runner-up title goes to..."

It goes for St. Scholastica Academy.

Thank goodness.

"Congratulations!" ani ng emcee.

Umakyat ang mga taga SSA sa stage para tanggapin ang parangal.

"Thank you St. Scholastica. Okay, good luck sa dalawang natitirang school. Here we go. Kung sino ang una kong tatawagin ay yun ang first runner up. At syempre ang mananalo ay yung huli kong tatawagin."

She held her co-member's hand. Nilalamig siya. She was praying silently.

"The first runner up title goes to..." Nagchee-cheer ang audience. "Manila East Academy! Congratulations! Orient Pearl Academy is the champion!"

Hindi na narinig ang hulinhg sinabi nito dahil naghiyawan ang lahat! Nagtayuan sila. They won! Thank God!

Nayakap niya si Miss Trinidad.

"We won Jillianne!" masayang wika ng instructor nila.

Lumapit ang mga kaibigan niya sa kanya. Nag group hug sila.

Napatili siya ng bigla siyang binuhat ni Stephen.

"Stephen, ibaba mo ko!" pigil niya rito

"Kanina nang nasa tuktok ka ng pyramid ba't di ka nagpababa?" anito sa kanya sa kabila ng ingay.

"Eh hindi naman 'to pyramid eh. Ibaba mo na ko. May nagseselos." katwiran niya. Si Athena ang tinutukoy niya.

"Everybody say Jillianne! Jillianne! Jillianne!"

Gumaya nga ang crowd. Kaloka naman 'tong mga 'to.

Nakita niyang lumungkot ang mata ni Athena dahil hindi pa siya binaba ni Athena. Pero nakangiti ito.

Pagkatapos ng parangal ay unti-unting nagsisilabas ang mga estudyante. Maraming nag-congrats sa kanya. Of course, she was grateful.

May inihanda siyang celebration sa bahay, manalo o matalo. Next week pa siguro icecelebrate ng school ang pagkapanalo nila. Baka isabay sa basketball.

"Tara na sa bahay." yaya niya sa mga ito.

"Tara. Walang uuwi ah." wika ni Hailey.

"Oo nga. Wala munang magpa-practice dyan." parinig ni Kaycee kay Stephen.

"Kaycee naman o." wika ni Stephen. "Alright, kapag tinawagan na ko ni coach, I need to go ah."

Sumang-ayon sila.

Palabas na sila ng pare-pareho nilang nakita si Vanessa at Cyrus. Palapit ang mga ito sa kanila.

"What the hell?! Ba't nandito pa yan/" iritadong wika ni Athena.

"Congratulations, Jill." bati ni Vanessa kanya ng makalapit at bineso pa siya.

Hehe. Plastik. Tahimik lang ang mga kaibigan niya.

"By the way, pwede ba kaming maki-join sa inyo." ani Vanessa sa kanila.

"Vanessa..." mahinang sabi ni Cyrus dito.

"Right Jill? I'm your still friend diba?"

"Hindi na." mariing sabad ni Belle.

"Yes Vanessa. Hindi ka na namin kaibigan." aniya. "Pero naging part ka din ng friendship namin, kaya sige."

"You're crazy!" inis na sabi ni Lizzie sabay walk out.

"Jill naman..." ani Hailey sa kanya. Parang husto nitong itanong nito kung okay lang ba siya dahil makakasama nila si Cyrus.

"Tara na. Baka ma-traffic pa tayo." aniya sa mga ito.

Pagkalabas nila ay nasalubong niya si Mario. Opisyal na itong nanliligaw sa kanya.

"Jill... I'm sorry hindi ako nakapanood." anito sa kanya at bineso siya.

"It's okay. At least panalo kami." biro niya. Taga-MEA ito.

"Aw."

"Haha! Tara, sama ka samin sa bahay."

"Sure." Hinawakan ni Mario ang kamay niya.

Napatingin siya kay Cyrus.

Selos.

Iyon ang nakikita niya sa mga mata nito.

Tumabi ito sa nobya at humawak sa bewang nito.

Ah ganon? Selosan pala ha?

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon