Chapter five - Fairy Tales

72 7 0
                                    

Yngrid's POV

THE NIGHT was come. Gabi ang napag-usapan na oras para mas masaya. Sa pagkain, treat na ng principal. Naka-costume din ito syempre. Cat woman.

Medyo na-late ang mga prinsesa excpet for Yngrid. Maaga itong nandon para sa preparation.

Maya-maya ay dumating na ang mga ito. Si Hailey kasama ang boyfriend nitong si Nathan na naka-Prince Charming attire. Si Kaycee na ang escort ay ang rumor boyfriend nito na si Clark. Lizzie is with Lance. Belle with Derrick. At sina Athena at Jill na walang escort.

Sa kabilang banda, nandoon sina Xander at ang mga ka-grupo nito na naka-costume ng KPOP. While Stephen and his teammates na naka-jersey uniform pa dahil kakagaling sa practice. At si Cyrus. He has his own costume. Rockstar ang peg syempre. Kasama nito si Vanessa na hindi na talaga sumama sa kanila.

Maya maya ay nagsasayawan na ang ilang estudyante. Kaya nakihalubilo na rin sila. Sa una ay mabilis ang tugtog hanggang sa naging love song yun.

Kanya kanya nang ayaan ang ilan. Silang tatlo lang nina Jill at Athena ang naiwan sa table.

Nakita niya si Cyrus at Vanessa na nagsasayaw.

"Jill, nakikita mo ba ang nakikita namin?" sabi ni Athena.

"Yes. Ang sweet nila. Kanina ko pa nga sila tinitignan eh. Nagpapansin talaga siguro." hindi maitago ang bitterness sa boses nito.

Jill's POV

BAKIT kailangang sa harap ko pa? piping sabi ng isip niya.

Nagsasayaw sa harap nila sina Cyrus at Vanessa. Sila na ba?

Hindi niya inaalis ang tingin sa dalawa. Masokista yata ang tawag doon. Nakita niyang hinalikan ni Vanessa si Cyrus. Hindi na talaga niya kaya. Tumayo na siya. Sinundan naman siya nina Yngrid at Athena.

Lizzie's POV

LATER ON, sina Lizzie naman ang umupo at si Athena at Yngrid naman ang nagsasayaw. Napansin niyang malungkot si Jill.

"Hey. Are you okay?" untag niya sa huli. Nakatingin ito sa kawalan.

"Ba't ayaw mo magsayaw? Kanina ka pa namin tinitignan, maraming lumalapit sayo pero ayaw mo naman." ani naman ni Hailey.

Hindi pa rin ito umiimik.

"Eh, eto kaya, matanggihan mo?" ani naman ni Kaycee. Napatingin din siya sa tinutukoy nito. Si Cyrus.

"Dance with me." ani Cyrus kay Jill sabay lahad ng kamay.

"No." tipid na sabi ng pakipot niyang kaibigan.

"Jill, sige na." Sabi niya.

"Ayoko. Tinatamad ako. I'm sorry."

"Okay. Maybe next time."

Umalis na ang binata.

"Ano bang nangyayari sayo Jillianne?" may iritasyon na sa boses niya.

"Wag niyo na kong pagalitan. Uuwi na ko." anito.

Tumayo na ito at umalis na. Wala silang ginawa kundi ang bumuntonh-hininga.

Cyrus' POV

ALAS DIYES na natapos ang party. Ang Rebellious Rock Band ang last performer. At iyon ang kauna-unahang performance ng mga ito sa school. At sa kauna-unahang pagkakataon, siya ang kakanta. Masakit "daw" ang lalamunan ni Vanessa.

Nagsimula na siyang kumanta. Naghiyawan agad ang audience. Alay niya sana ang kantang iyon sa pinakamamahal niya: Si Jill. Ang kaso ay umuwi na ito. Marahil ay nasaktan ito sa relasyon nila ni Vanessa. But he promise to himself, babawi siya kay Jill.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon