Chapter six - Jillianne Louise Gomez

105 8 0
  • Dedicated kay Kristine Gabiana
                                    

AN: This chapter was dedicated to yours truly. Gustong gusto ko ang pangalang Jillianne Louise eh. Haha. See the photo beside.

Jill's POV

TATLONG ARAW na siyang absent. Hindi na rin siya nakakapag-practice sa cheerdance. Halos hindi na niya nasasagot ang mga text at call ng mga kaibigan niya. At dahil yun sa lintik na trangkaso niya.

Inabot niya ang cellphone. Nagtext si Hailey. Pupunta daw ang mga ito mamaya after class. Ayaw sana niyang tumanggap ng bisita pero baka magtampo naman ang mga ito.

Lumipas ang oras, nabagot siya. Kahit nahihilo, nanuod siya ng T.V.

"Jillianne!" sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan niya. Nakapanhik na pala ang mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" kunyaring pagtataray niya.

"Nag-aalala na kami sayo. Hindi ka kasi nagtetext." bulyaw sa kanya ni Yngrid.

"Pasensya naman po. Hinahanap na ba ko ni Miss Trinidad?" tanong niya.

"Oo."

Sumubo siya chips.

"Uy." sabi ni Athena.

"Yeah?"

"Ano ba problema?"

"Wala." Ngumiti pa siya ng malawak.

"Alam naman namin Jill, eh." ani Belle.

Tumahimik lang siya. Yumuko at nilaro laro ang chips.

"Mahal mo pa diba?" tanong ni Lizzie.

"Syempre naman. Gusto ko nga sanang kausapin nung party. Kaso may kasama pala siya. Nakakahiyang istorbohin." ngumiti siya ng pagak.

"Alam mo inday, kalimutan mo na yang lalaking yan." wika ni Kaycee.

"Mahirap Kays."

"Eh Jill, ano ba kasi yung true reason kung bakit kayo nag-break noon?" nag-aalangang tanong ni Yngrid sa kanya.

Uminom naman siya ng juice. "Alam ko namang matagal niyo nang hinihiintay na mag-kwento ako. Osige eto na."

Nagsipag-ayusan ng pwesto ang mga ito.

"On our second anniversary, he planned a romantic dinner. Pero sadly, inindiyan niya ko. Someone gave me a letter. Sa kanya galing. Ang nakasulat, hindi na daw siya makakapunta. Meron daw silang family reunion. Okay naman sakin, eh. Pero di ko lang maiwasang masaktan. Kasi siya yun nagplano tapos siya pala 'tong hindi sisipot. Then, umuwi na lang ako."

She sighed. "Kinabukasan non, kakausapin ko sana siya pero nahuli ko ang walangya! May kahalikang babae! Ex niya pagkakaalam ko. Nakita niya ko. Hinabol niya ko. And that moment, nakipag-break na ko. Tutol siya. Kapal diba?"

"Jill, do you think magagawa ni Cyrus yun?" tanong ni Hailey.

"Hailey naman,  nagawa na niya diba?" ani Lizzie.

"I mean. baka may naninira lang sa relasyon niyo."

"Imposible. Pero okay na. Nakalimutan na niya ko, kakalimutan ko na din siya." determinadong sabi niya. But she doubt it.

"That's our girl!"

Ngumiti siya. "Papasok na ko bukas. Magaling na naman ako eh."

"Ah, may sakit ka talaga?"

"Oo naman Belle. Tingin mo sakin, nagkakasakit dahil sa pagiging broken-hearted?"

Tumawa ang mga ito. They hugged each other.

"Jill, gusto mo ng date?" maya-maya ay tanong ni Lizzie.

"For what Liz?"

"Para makalimutan mo na talaga siya. What do you think?"

"Oo nga Jill. Makakabuti yun. Date lang naman." Athena agreed.

"Alright. Pero pag di nag-work, bahala na ha."

Nag-thumbs up ito.

"Tara sa baba. Kain tayo."

"Sure!"

Jillianne Louise Gomez is a Cutie Sweetheart. Masayahin siya at makulit. She have a perfect family pero wala ang mga ito sa bansa sa ngayon. Meron siyang isang kapatid na babae. Kasundo niya lahat ng mga kaibigan. Especially Lizzie pagdating sa katakawan. Nangunguna rin siya sa pang-aasar sa mga kaibigan. Siya ang pinakabata sa kanilang pito. Tatlo sa mga ito ang childhood friends niya. Belle, Yngrid at si Hailey. Hailey is like her own sister to her.

And when she met Cyrus, sobrang saya niya. At laking pasasalamat niya kay Hailey. Dahil ito ang tulay nila. Pero sa huli, masasaktan din pala siya. But as she said earlier, magiging okay din siya. At least, she will try.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon