Yngrid's POV
KASAMA niyang mag-breakfast sa bahay niya sina Hailey, Kaycee at Lizzie. Hindi nakapunta sina Hill at Belle dahil kapwa may ginagawa ang mga ito.
"Liz, kamusta ang club?" she asked Lizzie.
"It's fine. Pero pag dina fine, makikipag-break na ko kay Lance." pabirong tugon nito.
"You are so bad."
"Joke lang po. Mahal ko yun." kumuha ito ng hotdog.
Maya maya ay nagriring ang cellphone niya. Si Xander iyon. Namilog ang mga mata niya.
"Sagutin mo na, ang ingay eh." sabi ni Hailey.
Pero hindi pa rin niya magawang kunin iyon.
"Ano ba? Letseng 'Di Na Mababawi' yan. Akin na nga." sabi ni Kaycee sabay dampot sa cellphone niya. Doon siya natauhan.
"No, Kaycee. Akin na!" inaagaw niya dito ang cellphone pero hindi nito binibigay.
"Oopps, binaba." Pinidot nito ang open button para malaman kung sino ang tumatawag. "Oh, si Xander pala." Nakangisi na ito.
Binalik na nito ang cellphone niya. Tumatawag ulit ang lalaki.
"Sagutin mo na, please? Hindi ka kakainin niyan." sabi ulit ni Hailey sa kanya na malapit ng matapos sa kinakain.
.Lumunok muna siya ng ilang beses at pumunta sa di-kalayuang pwesto sa mga kaibigan niya. Pinindot na niya ang answer button.
"Y-Yes?" Mautal daw ba?
"Ang tagal mo naman sagutin." iritadong sagot nito.
"Anyway, nandito ako ngayon sa labas niyo."
"What?!" napalakas ng konti ang boses niya. "Maniwala?"
"Oo nga. Teka, papasok ako."
May nag-doorbell.
"Okay, okay naniniwala na ko. Lalabas na ko."
Binaba na niya ang linya.
"Wait lang girls." paalam niya sa mga kaibigan.
"Yngrid, san ka pupunta?" tanong ng mga ito sa kanya pero hindi niya na sinagot iyon.
Pagkabukas ng pinto ay nandoon nga si Xander sa tapat ng gate nila.
God. sambit ng isip niya.
"B-Bakit ka nandito?"
"Hindi mo man lang ba ko pagbubuksan?" nakangising sabi nito.
Demanding rin ang isang 'to ah.
Binuksan na niya ang gate. Pumasok ito as if nagbigay siya ng permission.
"Ba't ka ba nandito?" muling tanong niya rito.
"Nandito ako para sunduin ka."
"What? May kasabay ako 'no." kunyaring supladang sabi niya.
"Ano naman? Wait, nandyan ba sila?"
"Wala." she lied.
"Wala ka diyan..."
Tumuloy-tuloy ito sa bahay nila.
"Xander!" pigil niya dito pero nakita na ito ng tatlong kaibigan niya.
"Good morning girls!" bati ng binata.
"Uy, Xander, what are you doin' here?" tanong ni Kaycee.
"Ipagpapaalam ko sana si Yngrid sa inyo kung pwede ba siyang isabay papasok."
"No!" matigas na sabi niya.
"Oo naman Xander." nakangiting sagot ni Lizzie.
"Lizzie, I said 'no'!"
"Ang KJ mo!" kontra ng mga ito.
Humarap sa kanya si Xander. "Please, Yngrid?" pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay.
"Bakit ba kasi?"
"Mamaya ko sasabihin."
She sighed.
"Sige na girl, get your things upstairs na." mungkahi ni Lizzie.
Umakyat na siya sa taas at kinuha na ang mga gamit.
Ano kaya ang naisip ng lalaking iyon at pumunta pa dito?
Bumaba na siya.
"Okay, let's go!" anunsiyo ng binata.
Bumeso na siya sa mga kaibigan.
"Bye Yngrid, enjoy!" sabay-sabay na wika ng mga kaibigan niya na nakangiti sa kanya ng maluwag.
Lumabas na sila.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...
