Chapter eight - Breakup

63 6 0
                                        

Lizzie's POV

NAPAIYAK si Lizzie ng tumawag sa kanya si Lance. Nakikipag-break na ito sa kanya. Meron daw nagpadala ng video dito na may kahalikan daw siyang ibang lalaki. And it's a big big lie.

"Ganyan ka na ba talagang walang tiwala sakin? And you're breaking up with me through phone? Isn't it fair?" her voice broke.

Nang wala siyang marinig na tugon ay nagpaalam na siya. "Okay. I will set you free. Pero sa oras na malaman mo na hindi totoo ang lahat ng na-receive mo, wag na wag mo na kong babalikan."

Binaba na niya ang linya. She cried silently.

Ang unfair ng kulugong iyon!

Sinubsob niya ang mukha sa palad at humagulgol. Napakadami niyang problema. Hindi niya alam kung paano yun uumpisahang masolusyunan. Naglabas na ng announcement ang board members na tatanggalin na ang Sossy Chic Club. Nadagdagan pa kasi ang nega issues tungkol dito.

Hindi pa rin niya nahahanap ang babae. She was sure ito ang dahilan ng lahat.

Naramdaman niya ang pag-dampi ng isang kamay sa braso niya. Nag-angat siya ng tingin. Si Ivan.

"Here." panyo iyon.

"No, thanks." aniya sabay tayo. Ayaw niya ng may uusisa sa kanya kapag umiiyak siya. Hinabol siya nito.

"Wait, Liz. Anong problema? Baka makatulong ako." mungkahi pa nito.

"Hindi."

"Please, Liz?" Humarang ito sa daraanan niya.

Tiningnan niya ito. "Anong kailangan mo sakin?"

"You need help."

"I don't." Aalis na sana siya ng may bigla siyang naisip. "Teka nga, baka may kinalaman ka sa breakup namin ni Lance?" akusa niya dito.

"What?" Mukha naman itong inosente.

"Nevermind." Tuluyan na siyang umalis.

Hindi niya lang mapigilan sumbatan si Ivan dahil mula 'nong nakita siya ni Lance kasama ito, lagi na silang nag-aaway ng nobyo. Na ngayon ay EX na niya.

Hailey's POV

"BREAK na daw si Lance at Lizzie?" wika ng isang estudyante pagkapasok niya ng school.

"Kailan daw?" tanong naman ng kasama nito.

"Kanina lang."

Ang bilis talaga sa Orient! Pero bakit ako, hindi ko alam? ani ng isip niya.

Nagriring ang cellphone niya. She answered it.

"Hello, Kaycee?"

"Break na daw si Lance at Lizzie?"

"Oo nga daw."

"Pano mo nalaman?"

"Narinig ko lang dito."

"We can't find her."

"I will try to call her." Nagpaalam na siya.

Naka-apat na ring pa bago sagutin ni Lizzie ang tawag niya.

"Liz, are you okay?" puno ng pag-alalang sabi niya.

"I'm not." she sobbed.

"Nasaan ka?"

Tanging hagulgol lang ang sagot nito.

"Calm down. Where are you? Pupuntahan kita."

"I want to be alone. Wag niyo na rin palang hanapin yung babae. No need na. Break na kami."

"Are you sure?"

"Yes. Bye."

"Take care."

Nawala na ito sa linya. Sana maging okay din ito.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon