Athena's POV
KAGAYA nga nang sinabi ni Mrs. delos Santos. next week ay uupo na si Yngrid as SSG President. Kaya naman napuno ang bawat pader ng mga poster na sasali sa Basketball Varsity at Cheerleading. Pinangalanan ang varsity na Orient Blue Dragons. Katulad ng dati, kailangan nila ng magagaling na players para sa darating na championship. Sa school kasi nila iyon gaganapin. At sa cheerleading na sinuggest niya. Sasali na ang schoo para sa cheerleading contest. It wolud be great!
Magkakasama nilang tinitignan nina Lizzie and Belle ang isang poster sa may board.
"Oh my gosh! Talagang sasali ako sa cheerlading. And I promise, ako ang magiging cheerleader!" pursigidong sabi niya.
"Wish mo!" pambabara ni Lizzie. Hindi niya ito pinansin.
"For sure, sasali si Stephen sa varsity." sabi naman ni Belle habang nakatingin sa poster na varsity.
"Yeah. Kaya nga sasali ako sa cheerleading eh."
She and Belle have a huge crush on Stephen Lloyd del Tierro. Kasi naman, sobrang galing nito maglaro na basketball. At higit sa lahat, ang gwapo nito. He's single and available. Pa rin. Ayaw pa daw nito ng commitment. Basketball ang priority nito.
"Speaking of my... Wait!" Humarap siya sa dalawang kaibigan. "Hey, okay ba ko? Maganda pa ba ko?"
Paparating si Stephen. Sa direksyon nila ito patungo.
"Hello pretty ladies!", bati ni Stephen sa kanila.
"Stephen!" masiglang bati niya. You look yummy today! Gusto sana niyang idagdag.
"Ano yang tinitignan niyo?"
"Poster.
"Ah... Cheerleading. Sasali kayo?"
"Yes! Ako." Nakatingin lang sa kanya ang dalawa.
"It's nice to here. For sure sasali si Jillianne dyan."
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman nasabi?"
"Gusto niya kasi yan diba? Lalo na kung may competition."
Nawala na ang sigla sa mukha niya.
"Ah. Ikaw, sasali ka sa varsity?"
"As usual. May bago ba?" He grinned. "Okay, see you around girls."
"Bye."
Pagkaalis nito, nahalata ni Lizzie at Belle na naiba na ang mood niya.
"Hoy 'neng? Bakit?" usisa ni Lizzie.
"Crush niya kasi si Jill."
Nagkatinginan ang dalawa. Nagseselos siya.
"Tara na nga!!!"
Nawala ang poise niya.
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Ficção AdolescenteThe worst part about falling out love, is wondering if you'll ever open up that far again. <3 Ang kwentong ito ay tungkol sa pitong magkakaibigan na sina: Lizzie Antoinette Ferrer Charmaine Athena Lopez Paula Yngrid Concepcion Kirsten Criselle Madri...
