Chapter three - Interrupted

90 9 0
                                    

Hailey's POV

HAILEY ALWAYS feel happy everyday. Her dream come true. She was now the ballet instructor in their school. Natuturuan niya ang mga first year ng different ballet steps.

Natutunan niya iyon sa kanyang ina.

"Ate Hailey, thank you sa pagtuturo sa'min. Next year, wala na kaming pretty ballet leader." sabi ng isang babaeng freshman. Kakatapos lang nila pag-aralan ang bagong step.

"Anong wala? Meron. Kayo. Kasi bago ako grumaduate, mas magagaling na kaysa sakin. Study hard, ha?" nakangiting sabi niya.

"Sige. Mauna na kami."

Umalis na ang mga ito. Nahiga siya mula sa pagkakaupo. Iniisip niya si Nathan. Sana magkausap ulit sila. Sobrang miss na niya ito. At sa kanyang pag-iisip, naalala niya ang isang nakakakilig na eksena nila ni Nathan...

"Nate, ano ang ideal girl mo?"

"Gusto ko yung maganda, mabait, tapos marunong mag-ballet."

"Ganon ba?"

"Diba marunong kang mag-ballet?"

"Ahm, medyo..."

"Crush kita eh."

Hindi siya makapaniwala. "Talaga? Di nga?"

"Oo! Ikaw nga yung ideal girl ko eh."

Tuwang-tuwa siya. "Crush din kita eh..."

"So, tayo na?"

"Nathan, mga bata pa tayo."

"Sige. Kapag first year na tayo, liligawan kita. Sagutin mo ko ha?"

"Sige. Promise yan ah?"

"Promise."

Sadly, it never happened. Pero naiinitindihan niya naman. Mga bata pa sila 'non. And for sure, hindi na natatandaan ni Nathan iyon.

"I miss you, Nathan." usal niya.

"I miss you, too."

Napapitlag siya. Si Nathan' yun. Hindi niya alam ang gagawin.

Tumayo siya at inayos ang sarili.

"K-kanina ka pa?"

"No." Nakangisi ito. Pinapasok niya ito.

"Nagsasalita na pala mag-isa ang ultimate crush ko?"

She blushed. "Huh?"

He grinned.

"Upo ka."

"Thanks."

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Well, last day, binisita mo ko sa bahay ko. Kaya ako naman."

"Bahay mo?"

"Yes. Tennis court."

She laughed.

"Crush mo pa rin ba ko?"

Kumabog ang dibdib niya. Masiyado yata itong prangka. "Ano?"

Hinawakan nito ang kamay niya. "I have something to tell you."

Halos malusaw siya sa sa tingin nito. "Okay. What is it?"

"Can---"

Naputol ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin.

"Oopps, sorry to disturb." biro ni Jill.

"No, it's okay." Nathan told.

"Pumasok kayo."

"Ano ba kasing pinag-uusapan niyo, bakit kailangang hawak kamay pa?" panunukso ni Kaycee.

"Wala. Ano bang ginagawa niyo dito?" pag-iiba niya ng usapan.

"Alam namin na... free time mo at vacant din namin, kaya pumunta kami dito. Ayaw mo ba?" sabi ni Lizzie.

"Syempre gusto."

"Let's eat. Gutom na ko." deklara ni Jill na hinihimas pa ang tiyan.

"Likewise. "Lizzie agreed.

Tumayo na siya. "Sama ka?" aya niya kay Nathan.

"Tara, kahit all girls kayo."

Yngrid's POV

THEY WENT to canteen. Nasalubong din nila sina Derrick, Clark at Lance. Naki-join na rin ang mga ito sa kanila.

"Yngrid si Xander oh!" sabi ni Athena ng nakaupo na sila. Napaangat siya na tingin.

"Xander!" tawag ni Lizzie dito. Mukhang pabalik na ito sa room.

"Bakit?" tanong ni Xander.

"Join us. Ikaw ah, porket di ka na namin classmate, gumaganyan ka na. C'mon, sit beside Yngrid." nakangising sabi ni Lizzie.

Humahagikhik naman ang mga "mababait" niyang kaibigan.

Umupo nga ito sa tabi niya. Kung pwede lang siyang lamunin muna ng lupa.

"Kamusta na?" Xander asked.

Ang lakas ng tibok ng dibdib niya. Sh*t!

"We're so much okay. Right Yngrid?" sabi naman ni Hailey habang tumataas taas pa ang kilay.

"Yeah."

"Oh, why Yngrid is blushing? Don't tell us kinikilig ka?" tukso naman ni Derrick.

"Oo ,ang sarap niyong ipabugbog isa isa." Gusto sana niyang sabihin.

"Whatever." sabi na lang niya sabay irap.

"Ayan na pala ang order natin, eh. Miss, isa pang ganto for Xander. Si Yngrid ang magbabayad."

Hindi niya na lang pinansin ang sinabi iyon ni Jill. Napatingin siya kay Xander. He smiled. Kinilig siya. Parang ayoko na kumain. Busog na ko kakatingin sa kanya.

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon