Chapter seven - His Feelings

66 5 0
                                        

Yngris's POV

SA ISANG PARK siya dinala ni Xander na medyo malapit na sa school nila.

Halos walang imikan mula nang bumiyahe sila.

"Ano, hindi ka pa ba magsasalita?" lakas-loob na sabi niya ng makaupo na sila sa isang bench. Sinabi nitong may sasabihin ito tas ngayon tameme ito?

"Bakit hindi ka pumunta sa court?" biglang tanong nito.

"Ha? Diba sinabi ko na sayo na nakauwi na ko 'non." aniya na nakatingin sa malayo.

"Nakauwi o iniiwasan mo ko?"

Tumingin siya rito. Sa kanya pala ito nakatingin.

"B-Bakit naman kita iiwasan?"

"I don't know. Siguro sa nangyari dati."

"Hindi tungkol don 'no. Tsaka kung nandon man ako, hindi pa rin ako pupunta. Malay ko ba kung pagti-tripan niyo ko."

Natawa ito sa sinabi niya. "Eh kung sabihin ko sayo ang totoong dahilan?"

Tumitig siya dito. "S-soge."

"Ready?"

She nodded.

Magsasalita na sana ito ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon. Tumatawag ang adviser niya.

"Excuses Xander." He nodded. "Yes ma'am?"

Pinapapasok na siya ni Mrs. delos Santos. Hinarap niya ulit si Xander.

"Pinapapasok ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Oo eh. Pero sige, pwede mo nang sabihin yung dahilan mo."

Nagkamot ito ng batok. "Ahh, Yngrid next time na lang. Tara na, baka mapagalitan ka pa."

"Are your sure?" buong pag-asam na sabi niya rito na sana sabihin na nito ang dahilan.

"Oo."

Sayang naman... Tsk!

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon