Chapter three - Mood Swings

84 9 0
                                    

Athena's POV

START na ang practice ng basketball. Kaya bihira na lang niyang makita si Stephen sa klase. She misses him.

Habang nasa locket siya, nakita niyang magkasama si Derrick at Belle. Tinignan niya ang mga ito ng may panunukso.

"Ba't ganyan ka tumingin?" usisa ni Belle sa kanya.

"Are you already---?"

"No." agap agad nito. Tatanungin sana niya ang mga ito kung mag-on na.

"Eh bakit magkasama kayo?"

"Nagkasabay lang." ani Belle habang binubuksan ang locker nito.

"Hmmm." Bumaling siya kay Derrick. "You know what DEck? Bagay kayo. Ba't di mo siya ligawan?"

Namula ang tenga ni Derrick. Mukhang kinilig ito. Napatili siya ng may humila sa buhok niya.

"Ouch Belle!"

"Tumigil ka na please? May iba kong gusto."

Nagtaka naman siya. "And who the hell is he?"

Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Derrick.

Then she saw Stephen. Naka varsity suit ito. Bagay na bagay ito dito.

"Stephen!"

Napatingin din si Belle dito.

"Athena, Deck. Hi, Belle." bati ng MVP ng buhay niya.

"For sure , ikaw na naman ang magiging MVP niyan." She said smiling.

"Ath, nagpa-practice pa lang sila MVP agad?" sita ni Derrick.

Natawa sila.

Stephen spoke. "Ba't kayong tatlo lang? Nasaan sila? Si Jill?"

Jill na naman! Grrr. "Hindi namin alam, eh."

"Ganon ba? Sige mauna na ko ah."

"Sige."

Nakatanaw pa rin siya dito.

"Hoy! Wala na hi siya Athena Lopez!" sigaw ni Derrick sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

Bumuntong-hininga ito. "Pano, niligawan na dati, choosy pa. Ayan, kailangan pang magpa-cute para mapansin ka ulit." Nakangising sabi ni Derrick.

She rolled her eyes. "Whatever." Tinalikuran na niya ang mga ito.

Nairita siya sa sinabi ni Derrick. Totoo yun. Niligawan na siya ni Stephen when they were sophomore. Pero nagpaka-pakipot pa siya.

Kaya siya sumali sa cheerdance para makita lagi si Stephen.

Nasalubong niya si Jill.

"Bakit naman nakasimangot?" usisa nito. Fresh na fresh ito.

It's because of you. ani ng isip niya. "Mainit eh. You know, I don't like in hot place. "She lied.

"Dun tayo sa audei. Malamid dun. Nandun sila Kaycee." aya nito.

"No thanks. May iba pa kong gagawin."

Nagkibit-balikat ito.

Jill's POV

NAGTATAKA si Jill .Mukhang may topak si Athena. Nakita niya si Derrick at Belle na nakatingin sa kanya.

"Looking good." Puri ni Derrick sa kanya.

"Thanks. Anong problema 'nun?" She asked. Ang tinutukoy niya ay si Athena.

"Mood swings." sagot ni Belle na pinaikot pa ang eyeballs.

"As usual."

The SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon