Chapter 1

1.1K 62 4
                                    

Abala ako sa pagbabasa ng mga email ng may narinig akong nabasag mula sa office ng boss ko. Tatayo na sana ako para tingnan kung anong nangyari ng may lumabas na binata mula doon.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi nakasagot ang binata bagkus ay nanatili lang itong nakatayo habang habol habol nito ang kanyang hininga. Napansin ko din na namumutla ito.

I sighed. Hindi naman na kasi bago yung mga ganitong pangyayari. Palagi na lang ganito ang mga bagong employee after nilang mameet si Sir Alex for the first time.

Kumuha ako ng tubig mula sa dispenser at iniabot yun sa binata. "Huwag kang mag alala, ganon lang talaga si Sir. He doesn't have anything against you. Lahat ng empleyado niya ganyan niya tratuhin sa umpisa."

Tila naman nabuhayan ang binata sa sinabi ko. "Talaga po?"

Nginitian ko siya at sinabing, "Oo, isipin mo na lang na parang initiation mo to sa company. Tinitignan niya lang kung hanggang saan yung kaya mo. Pagbutihin mo lang at huwag kang sumuko, kapag nakita ni Sir na desidido ko talagang magtrabaho dito aayos din yun. "

Ngumiti naman yung binata dahil sa sinabi ko. "Thank you ah. Natakot talaga ako dun."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Anong department ka ba?"

"Ah sa marketing ako. Ngayon ang first day ko. Ako nga pala si Bryan, Bryan Corpuz."

"Ako naman si Anika Gonzales, secretary ni Sir Alex."

Ngumiti naman ulit si Bryan, "Nice meeting you Anika. Thank you ulit."

"Wala yun no. Mabait naman si Sir kahit may pagka masungit. Aayos din yan. Basta huwag mo lang kalimutan yung sinabi ko."

"Oo naman. O sige Anika balik na ko sa floor namin. Thank you ulit! See you!"

"Sige, see you din!" sabi ko bago siya tuluyang umalis.

Pagkaalis ni Bryan ay nagtungo na ako sa office ng boss ko. "Sir, si Anika to," sinabi ko pagkatapos kong kumatok.

"Pasok," narinig ko namang sagot nito.

Pagkapasok ko sa office, bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sir, pati na rin ang isang basag na mug.

"Kawawa naman yung mug, wala naman siyang ginagawang masama sayo," sabi ko sa kanya na naging dahilan ng pag irap nito sa akin.

"Tigilan mo ko Anika at maaga pa ah," sabi naman nito sa akin habang nakairap pa rin.

Natawa naman ako dahil don. "Oo, maaga pa pero ang init init na ng ulo mo."

"Sino ba namang hindi iinit ang ulo eh ang hirap kausap ng taong yun," natawa pa ako lalo. Si Bryan siguro yung tinutukoy niya.

"Ito naman, malay mo kinakabahan lang yung tao."

"Hindi yun excuse para tumulala. Ano yon? Sa tuwing kakabahan siya tutulala na lang siya?"

"Pagbigyan mo na first day," sabi ko naman.

"Eh ano naman ngayon kung first day niya? Dapat nga inayos niya dahil first day niya," sagot naman nito.

Huminga muna ako ng malalim bago umiling. "Bahala ka nga diyan. Di ka naman papatalo," sinabi ko bago ko simulang pulutin yung mga fragments nung basag na mug.

"Huwag mong galawin yan. Tumawag na ako ng mag lilinis niyan," narinig kong sinabi ni Sir.

"Bakit tumawag ka pa? Kawawa naman sila manong, iistorbohin mo sila sa trabaho para dito? Kaya ko naman," sagot ko habang patuloy sa pagpulot ng kalat.

"Sabi ng huwag mong galawin yan eh! Bakit ba napakakulit mo Anika Nicolette?" galit na sigaw ni Sir.

" Sabi ng ayaw kong naririnig yung second name ko eh. Tumigil ka nga Alessandro," sabi ko naman na kinainis pa niya lalo. Ayaw niyaw din kasing naririnig yung buong pangalan niya. Gusto niya Alex lang ang itawag sa kanya, ayaw niya ng Alessandro.

"Aba't sumagot ka pa din ha? Baka nakakalimutan mo ako ang boss mo. Gusto mong i-fire kita?"

"Sige gawin mo? Kaya mo?" sagot ko naman.

Sasagot pa sana siya kaso dumating na si Manong Isko, yung janitor. "Good morning po Ser! San po yung lilinisin?"

"Good morning po manong. Pakilinis naman po yung nabasag na mug. Paki sermunan na din po yang si Anika," sagot ng boss kong napakagaling.

"Naku ma'am ako na po diyan. Baka masugatan kayo," sabi naman ni Manong.

"Hay naku manong! Dapat pag ganto kaliit na bagay hindi na kayo yung gumagawa. Naistorbo pa tuloy kayo. Hayaan niyong yung tamad na yan yung gumawa," sagot ko naman sa kanya.

"Anong sabi mo?" pikon naman na sabat ni sir

"Naku, di pa din kayo nagbabago. Simula bata ganyan na kayo," sabi naman ni Manong habang natawa."Ok lang naman na ako yung maglinis dito. Trabaho ko naman talaga to. Atsaka alam kong hindi naman si sir ang maglilinis nito kundi ikaw."

"Ay so true manong," sagot ko na ikinatawa naman ng matanda.

"At siya pa talaga ang kinampihan niyo manong? Gusto mo bang i-fire din kita?" pikon na sambit ni Sir.

Tinawanan lang siya ni Manong at nagsimula ng mag linis. Matagal ng kakilala ni Sir si Manong. Nagtrabaho kasi ito sa kanila nung bata pa si sir kaso nag resign na siya. Dahil malapit si Sir kay manong inalok niya ito ng trabaho nung nagstart na siyang mag manage ng company. Si Manong Isko na ngayon yung head ng mga janitor dito at siya din yung tanging tao na naglilinis ng office ni sir. Pinagkakatiwalaan kasi siya ni sir.

Ako naman, matagal ko na ding kilala tong si sir. Bata pa kami magkakilala na kami. Bestfriends kaya kami. Kaya nga nasasagot sagot ko siya eh. Pero siyempre kapag kami kami lang yon. Kapag may kasama kaming ibang tao kailangan professional kami. Sir ang tawag ko sa kanya sa work place para fair naman sa iba. Walang kai- kaibigan.

"Ayan tapos na ser!" narinig kong sabi ni manong.

"Salamat manong," sagot naman ni Sir.

Pagkalabas ni manong ay muli akong kinausap ni sir, "Annie," tawag nito sa akin na parang hindi kami nag-aaway kanina.

"Oh?" sagot ko naman na parang wala ding nangyaring pag-aaway. Oo ganyan kami ka weird na magkaibigan. Wala kayong magagawa.

"May dinner mamaya sa amin, diretso na daw tayo dun sabi nila mama. Pupunta din ang parents mo."

"Ganon ba? Sige sige. Formal ba? Or di na kailangan pang magbihis?" tanong ko sa kanya

"Hindi man. Tayo-tayo lang. Sumabay ka na sa akin," sagot naman nito.

"Sige," sabi ko habang papalabas ng office niya. "Nga pala, na e-mail ko na yung sched mo today."

"Yeah nakita ko na. Thanks. Kita na lang tayo mamaya." sabi niya bago bumalik sa trabaho.

"Yeah, laters." Sabi ko bago bumalik sa table ko.

Ano kayang meron? Matagal tagal na din nung huling nagdinner ang mga family namin ng magkasama. Siguro namiss na ng mgat parents namin ang isa't isa. Close friends din kasi sila.
  
Anyways, bat ko ba iniisip yon? Dinner lang naman. Oh well. Umayos na ko ng upo at nagsimula na ding mag trabaho.

     
****

A/N: Hi! Thank you so much for choosing to read this story. I hope you enjoy it! Please vote and leave a comment.


My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon