I am trying my best to restrain myself because I badly want to wring this man's neck.
Di bale ng nalate sila kanina. Kaya kong palampasin yun.
Yung pang-aakit ng secretary niya sa akin. Kaya ko ring palampasin yun.
Pero ang hindi ko kayang palampasin ay yung ginagawa niya sa bestfriend ko.
Kitang-kita ko kung paano niya pinadaan ang mga mata niya sa kabuuan ni Anika. Kitang-kita ko din ang pagnanasa sa mga mata niya.
Nakita ko rin kung papaanong pilit na pinapakalma ng bestfriend ko ang sarili niya.
Mas lalo akong nainis dahil doon.
"Let's start," may diin kong pagsabi habang seryosong nakatingin kay Mr. De Guzman.
Mula sa harapan ni Anika ay ibinaling nito ang kanyang paningin sa akin.
Nakita niya siguro ang galit sa mga mata ko kaya bigla itong umayos.
Nang matapos na ang meeting namin ay pinauna ko ng lumabas ng restaurant si Anika samantalang naiwan naman ako para kausapin ang lalaking ito.
Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Mr. De Guzman.
"Mr. Rodriguez, I would like to apologize for my actions earlier. It was so disrespectful of me," he said.
"I'm not the person whom you should be apologizing to," ang sagot ko naman.
"I know. Kakausapin ko dapat si Ms. Gonzales kaya lang pinauna mo na siyang lumabas. I am truly sorry," paghingi niya muli ng tawad.
"What's done is done. Hindi na natin maibabalik pa ang oras," sambit ko. "Pero I would really appreciate it kung hindi mo na ito uulitin."
Tumango naman ito bago magsalita,"Of course."
"Have a nice day Mr. De Guzman," paalam ko naman bago ako lumabas ng restaurant.
Bago ako sumakay ng kotse ay huminga muna ako ng malalim. Hindi naman na bago ang mga ganitong pangyayari sa industriyang ito. Mayroon talagang ganoong mga tao. Mabuti na lang at humingi ito ng tawad. Pero kahit na ganon ay naiinis pa rin ako.
Ilang beses ng nangyayari ito. Palagi na lang ganyan. Hindi nila mapigilang tumingin kay Anika.
Hindi ko rin naman sila masisi doon dahil maganda naman talaga siya. Ang hindi ko lang gusto ay ang pinagnanasaan siya. Hindi naman siya nakasuot ng revealing na damit. Palagi nga siyang naka blouse at slacks.
Mabuti na lang at maintindihin din si Anika. Lagi niyang sinasabi na hindi ko naman kasalanan na may mga ganoong tao.
Habang nagbibiyahe na kami pabalik ay nag aya siyang mag KFC. Pinagbigyan ko naman siya dahil alam kong hindi siya nakakain kanina.
"Alessandro," narinig kong tawag niya habang busy akong kumakain ng mashed potato.
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya kahit alam ko na yungt sasabihin niya.
"Akin na lang yung brownies mo," sagot naman niya.
I knew it. Palagi niya tong ginagawa. Kakainin niya agad yung kanya tapos hihingin niya yung sa akin. Favorite niya kasi yung brownies ng KFC.
"No," sabi ko sa kanya. "Kinain mo na yung sayo.
Ngumuso lang siya at nagpumilit pa rin hanggang sa sinubo ko na lang ng buo yung brownies.
Nagulat na lang ako ng may pumatak na luha galing sa mata niya.
"What? Why are you crying woman," natataranta kong tanong sa kanya. Hindi naman siya ganito dati.
"Brownies," saad niya habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha niya.
Nakonsensya naman ako. Nawala kasi sa isip ko yung nangyari kanina. Comfort food kasi niya to tapos kinain ko pa.
"I'll buy you brownies if you stop crying," pagpapatahan ko sa kanya.
Effective naman yung ginawa ko dahil nagliwanag yung mukha niya.
"Talaga?" excited niyang saad. May bakas pa ng luha sa mga pisngi niya.
I just rolled my eyes at her and went to the counter to order.
"Parang bata," bulong ko sa sarili ko.
Binilan ko siya ng sampung brownies. Kinain naman niya yun habang nagbibiyahe kami pabalik ng office.
Nandito na kami sa parking ng building pero hindi pa rin ako bumababa. Nagtatakang tinignan ako ni Anika pero hindi ito nagsalita. Ilang minuto din kaming ganon hanggang sa nagsalita na ako.
"Sorry," sabi ko habang nakatingin sa harapan namin.
Hindi ko siya magawang tingnan dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari. Kung hindi ko siya sinama edi sana hindi siya nabastos.
Kanina ko pa gustong mag-sorry ang kaso hindi ko alam kung paano
"Bakit ka nag-sosorry? Dahil dun sa brownies?" narinig kong tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi-" magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako.
"Alam mo Alessandro, mahal pa rin naman kita kahit na hindi mo ako binigyan ng brownies," sabi niya sa akin ng may nakakalokong tingin.
Inirapan ko lang siya. Alam ko naman kasi kung anong ginagawa niya.
Iniiba niya yung usapan para hindi na ako maguilty. She always does that. Palagi na lang niya pinapagaan ang pakiramdam ng mga tao sa paligid niya. Masyado kasi siyang mabait.
Natawa naman siya dahil alam niyang napikon na niya ako. Tumigil siya sandali bago niya ako hinalikan sa pisngi at ngumiti.
"Thank you," sabi niya sa akin. "And no need to say sorry kasi di mo naman kasalanan yun."
Kita niyo na? Masyadong mabait itong babaeng ito. Kung ibang babae siguro yun ay malamang hindi na ito tumigil kakareklamo.
Tumango na lang ako bago ko siya hinalikan din sa pisngi.
"Thanks," sabi ko sa kanya.
Ngumiti lamang ito bago lumabas ng kotse.
Pinanood ko siya hanggang sa makapasok siya sa elevator ng parking lot. Pagkatapos noon ay sumunod na din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends