I was busy reviewing some reports when I heard a knock on my door.
I stood up and opened it without even checking who it was. Why you may ask? Because there is only one person who will go knocking on someone else's door at 10 in the evening.
Besides, she texted me earlier na magdadala siya ng pagkain.
"Alessandro nagdala ako ng pagkain!" narinig kong sabi ng bestfriend ko pagpasok na pagpasok niya.
"Thanks. You can just leave it there," sabi ko naman bago bumalik sa sala para magtrabaho.
"Hindi ka pa kakain?" takang tanong naman nito sa akin.
Umiling lamang ako. I need to finish this tonight.
"Bakit hindi ka pa kumain? Anong oras na oh," sabi naman niya.
"I need to finish this tonight. Hindi ako papasok bukas," sagot ko naman sa kanya.
"Huh? Bakit di ka papasok?" tanong naman niya bago siya umupo sa tabi ko. "Aah..." sabi niya bago itinapat ang kutsara sa bibig ko.
Agad ko namang binuksan ang bibig ko para maisubo niya sa akin yung pagkain.
Nasarapan ako sa pagkain kaya binuksan ko ulit yung bibig ko. Agad naman niya ulit akong sinubuan.
"Bakit hindi ka papasok? Wala naman akong natatandaang meeting mo bukas ah," saad naman ni Anika.
Nilunok ko muna yung pagkain bago ako sumagot. "I will be meeting with my lolo."
"Oh!" she exclaimed. "Is it about the handing over?"
I just nodded and opened my mouth once again.
"You must be excited. Ano naman ang pag-uusapan niyo?" she asked bago niya ako subuan ulit.
"Legal stuff. Basta yung mga dapat gawin para walang maging problema," I answered.
"I'm really proud of you, Alessandro," seryoso niyang sinabi. "All your life you've been doing your best para wala silang masabing masama kapag dumating na yung time na ihahand-over na sayo ang company. Now that the time has come, I am sure na wala silang mapipintas sa iyo. You're the most dedicated and hardworking man I know."
Nginitian ko naman siya,"Thank you. Hindi ko naman mararating to kung wala kayo."
"Sus! Pahumble pa to," sabi naman niya habang nakangiti din. "Kumain ka na nga!" sabi niya at sinubuan pa ako ulit.
Nagpatuloy lang kami sa ganon. Ako busy sa pagrereview ng reports habang sinusubuan ng mga pagkain ni Anika.
"Your cooking skills are improving," puri ko sa kanya pagkatapos kong maubos ang dala niyang pagkain.
Nagliwanag naman yung mukha niya sa sinabi ko. "Talaga? Hindi mo lang yan sinasabi kasi libre?"
"No," sagot ko naman. "Masarap siya."
Tumili naman ito at niyakap ako, "Promise?" parang bata niyang tanong.
"Promise."
Pagkatapos non ay nag stay pa siya sa unit ko. Sasamahan daw muna niya ako habang tinatapos ko yung trabaho. Nanonood na lang siya ng Netflix para di siya mainip.
Hating gabi na nung matapos ako. Inayos ko na yung gamit ko at nag-unat. Nung pagtayo ko ay nakita ko si Anika na mahimbing na natutulog.
Kumuha ako ng blanket sa kwarto atsaka siya kinumutan. Pagkatapos non ay naghanda na ako para matulog.
You must be thinking na masama akong kaibigan dahil hinayaan ko lang siya sa sofa but that's not the case. Ayaw kasi ni Anika na may humahawak sa kanya kapag natutulog siya. Nagigising siya kapag ganon. Tapos pag nagising siya, hindi na siya makakatulog ulit Ayaw ko naman na papasok siya bukas ng puyat kaya pinili ko na lang na hayaan siyang doon na matulog.
After making sure na ok na ang lahat ay natulog na din ako.
I woke up to the sound of my alarm clock ringing. I turned it off and went to the bathroom to wash my face and gargle. After that I went to the kitchen.
When I reached the kitchen, the smell of freshly brewed coffee welcomed me. Nakita ko din si Anika na nagluluto ng almusal.
"Good morning," I greeted her.
Nagulat ata siya dahil napatalon ito. "Papatayin mo ba ako sa gulat Alessandro?"
Tinawanan ko lang siya atsaka kumuha ng kape. Pagkaupo ko sa counter ay may plato ng naka ready para sa akin.
"Kumain ka na. Aalis na ako at may pasok pa," sabi naman niya.
"Kumain ka na ba?" I asked her.
Tumango naman siya,"Yup, done na," sabi niya.
"Okay. Bye," sabi ko naman.
"Bye! Goodluck with your meeting!" sabi niya pagkatapos ay humalik muna siya sa pisngi ko bago tuluyang umalis.
After I ate my breakfast, nagprepare na ako para sa meeting. Pupunta din doon si Mom and Dad.
Pagdating ko sa bahay ni lolo nakita kong nandoon na sila lahat.
"Hi baby!" masiglang bati sa akin ni Mom.
"Hi Mom, Dad, Lolo," bati ko naman sa kanilang lahat.
"Hello apo," bati naman ni Lolo habang nakangiti . "It's good to see you.
Ngumiti muna ako bago siya niyakap.
Let's start," utos niya.
At nagsimula na nga ang meeting. Mabilis lang kami. Akala namin tapos na ang meeting pero biglang nagsalita si Lolo.
"Now that we have already taken care of the legal matters let's proceed with my conditions."
"What conditions Lolo?" tanong ko naman sa kanya.
"I need you to fulfill this condition or else I won't hand the company over to you," he said with a straight face.
I was shocked. Wala namang ganitong napag-usapan noon.
"But lolo wala naman tayong napag -usapan na ganito.
"I agree, Dad. I thought na cover na natin lahat ng dapat pag-usapan," sabi naman ng tatay ko.
"Kasama ito sa napag-usapan noon. Ang sabi ko, I will give you the company once I have deemed you worthy of being the chairman and that will only happen once na nafulfill mo na yung condition ko."
"And what is that condition Papa?" seryosong tanong naman ni Mom.
"Simple lang naman ang condition ko," sagot ni Lolo bago siya tumingin ng diretso sa akin. "Alex, I want you to find a wife. Hanggat wala kang asawa ay hindi ko ibibigay sayo ang kumpanya."
BINABASA MO ANG
My Everything (Completed)
Teen FictionAt first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Rankings: #1 in perfecttime #128 in bestfriends