Chapter 47

260 25 2
                                    

I decided to tell Annie everything that happened the next day. Of course, I asked for her parents permission muna. It was a good thing that they agreed. Akala ko kasi gusto nila na sa kanila manggaling lahat. Pero sabi nila it is best if ako na ang magsabi.

I arrived at the hospital at around ten in the morning. Nakita ko na nandoon pala ang kaibigan niyang si Trisha kaya hinintay ko munang matapos ang kuwentuhan nila.

I answered some e-mails na muna habang hinihintay ko silang matapos.

After her friend left ay lumapit na ako kay Annie. Once she saw me approaching ay agad niya akong ginawaran ng isang matamis na ngiti kaya naman hindi ko mapigilang ngumiti rin.  I can't help but feel butterflies whenever she does that.

"Hi, Nicolette," sabi ko sa kanya bago siya halikan sa pisngi. Nakita kong mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil sa tinawag ko sa kanya.

"Good morning, Alessandro!" masigla niyang bati sa akin.

"How are you feeling?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya. My hand automatically reaching for hers as I settled down.

"I'm fine, a little bit restless though,  kasi gusto ko ng umuwi," sabi niya. Lumapit rin siya ng kaunti sa akin, "I also miss home cooked meals. Hindi masarap pagkain dito."pabulong niyang dagdag habang nakanguso.

I chuckled at her answer. Ito talagang babaeng ito, napakakulit. Pero it makes me happy seeing Anika in a cheerful state. I don't ever want to see her looking almost lifeless in the hospital bed again.

Don't worry," sabi ko sa kanya. "You will be discharged soon."

She gave an exagerrated sigh of relief, "Hay, mabuti naman," she pouted once again. "Gusto ko ng umuwi. I miss our condo."

Natawa ako sa kanya. "So what do you want to do today?" Hindi ko alam kung bakit ko tinanong yun. I was supposed to tell her everything already pero I can't bring myself to do it. It has been so long since I saw her this cheerful, I don't want to dampen her mood just yet.

"Wala kang work?" nagtataka niyang tanong.

Umiling naman ako. "Nope. You have me for the whole day," sabi ko sa kanya at nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Totoo? Walang halong joke?" pang-uusisa niya sa akin.

"Oo nga," sagot ko naman. "So what do you want to do?"

She tapped her chin as she thinks about her answer. "Movie marathon?"

"Isn't that what you have been doing all along?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Yes, but this is the first time since I have been here that I will be doing it with you so it is different."

I don't know if she is aware of it pero whenever she says things like that, I get all fuzzy inside. Parang baligtad tuloy kami. The man should be the one who makes the woman swoon pero bakit sa amin ni Anika palaging ako yung kinikilig?

***

We watched for the entire day. I have managed to postpone the "talk" up to this time pero there is no escaping it now.

I took a deep breath. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. I was thinking of a way to start the conversation when Anika spoke.

"What's bothering you Alessandro? Kanina ko pa napapansin na may gumugulo sa isip mo."

Grabe, wala talaga ako matago sa babaeng ito.

She held both of my cheeks para tumingin ako sa kanya. "What's wrong?" nag-aalala niyang tanong.

I guess this is it then...

Huminga ako ulit ng malalim. Trying to find the courage that I need. Kinuha ko ang mga kamay niyang nasa pisngi ko at hinawakan ang mga ito ng mahigpit.

"I need to tell you something, Annie," panimula ko. "It's about Jessa.."

***

I told her everything. From Jessa's murder to the truth about the letters.

Tahimik lang siyang nakikinig habang nagkukuwento ako. Hindi siya nagsalita kahit noong nagsimula ng pumatak ang mga luha niya. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.

Natapos na akong magkuwento pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tahimik lang niyang pinupunasan ang mga luha niya.

Medyo kinakabahan na nga ako kasi sobrang tahimik niya. This is the first time that I saw her this silent. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya pero di ko magawa.

After a few minutes ay tumahan na rin siya. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya bago siya kinausap.

"Annie?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Alessandro," yun ang sagot niya sa akin. She looks like a lost child right now.

I just squeezed her hand dahil wala naman akong masasabi to make her feel better. Sometimes I can't begin to imagine how she is feeling right now. Nalaman niyang hindi aksidente ang pagkamatay ng ate niya. Tapos nalaman din niyang niloko siya nito sa loob ng mahabang panahon.

She must be overwhelmed. Nakonsensya naman ko. Dapat ba hindi ko sabay-sabay sinabi? Pero ayos na rin yun para minsanan na lang yung sakit? Diba?

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hinahayaan ko lang siya i-process lahat ng sinabi ko.

"What happened to that woman?" tanong niya sa akin.

"Nasa mental hospital siya ngayon," sagot ko sa kanya.

Tumango ito bago nagsalita ulit. "Good. Kamusta sila Mom? How did they take the news?"

"Pretty much the same way as you."

"I really hate cowards," bigla niyang sabi sa akin. "Patalikod silang tumira dahil hindi nila kayang lumaban ng harapan."

Biglang pumasok sa utak ko si Kim. "I agree," it is because of her cowardice kaya nangyari lahat ng ito.

There was a long pause before Anika started to talk once again.

"My ate is also a coward you know,  pero hindi ko magawang magalit sa kanya," sabi ni Annie.

It's true. Some people may justify Jessa's actions pero para sa akin it is also a form of cowardice.

"I understand," sabi ko naman. "Kahit na niloko niya tayong dalawa, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya."

Nanatili na naman kaming tahimik pagkatapos non.

We seem to be doing that a lot today: staying silent.

Kailangan naming gawin yon para ma-process namin lahat.

"Alam mo ba kung bakit niya ginawa yon?" she asked me habang nakayuko siya.

Umiling lamang ako bilang sagot.

"Alam ni ate na may feelings na ako sayo noon. Siya rin ang unang nakaalam about the letters. I did not know na may gusto rin pala siya sayo. Ginawa niya yon kasi alam niya na if I knew about your feelings, I would have fought for you."

"Why didn't you?" bigla kong natanong sa kanya. It wasn't my intention to ask pero kusa na lang lumabas yung mga salita sa bibig ko.

"That time, you look at my sister as if she is the most precious thing in the world. You look so happy back then kaya hindi ko na nagawang magsalita man lang. Sino ba naman ako para sirain pa yon?" sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Isa pa, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong may ibang gusto."

Ramdam ko yung sakit sa mga salita niya. I can't help but feel sorry for her.

"If only I had the courage to tell you..." she said with regret.

"Kung hindi lang siguro ako pinangunahan ng takot..."

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya.

"I guess I'm also a coward then..."

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon